Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Surah: Al-Mursalāt   Verse:

Al-Mursalāt

Objectives of the Surah:
الوعيد للمكذبين بالويل يوم القيامة.
Ang banta ng kapighatian sa Araw ng Pagbangon sa mga tagapagpasinungaling.

وَٱلۡمُرۡسَلَٰتِ عُرۡفٗا
Sumumpa si Allāh sa mga hanging nagsusunuran tulad ng buhok ng kabayo.
Arabic Tafsirs:
فَٱلۡعَٰصِفَٰتِ عَصۡفٗا
Sumumpa Siya sa mga hanging matindi ang ihip.
Arabic Tafsirs:
وَٱلنَّٰشِرَٰتِ نَشۡرٗا
Sumumpa Siya sa mga hanging nagkakalat ng ulan.
Arabic Tafsirs:
فَٱلۡفَٰرِقَٰتِ فَرۡقٗا
Sumumpa Siya sa mga anghel na nagbababa ng nagbubukod sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan.
Arabic Tafsirs:
فَٱلۡمُلۡقِيَٰتِ ذِكۡرًا
Sumumpa Siya sa mga anghel na nagbababa ng kasi.
Arabic Tafsirs:
عُذۡرًا أَوۡ نُذۡرًا
Nagbababa [ang mga anghel] ng kasi bilang pagbibigay-dahilan mula kay Allāh tungo sa mga tao at bilang pagbibigay-babala para sa mga tao laban sa pagdurusang dulot ni Allāh.
Arabic Tafsirs:
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَٰقِعٞ
Tunay na ang ipinangangako sa inyo na pagbubuhay, pagtutuos, at pagganti ay talagang magaganap nang walang pasubali.
Arabic Tafsirs:
فَإِذَا ٱلنُّجُومُ طُمِسَتۡ
Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi ang liwanag ng mga ito at naalis ang tanglaw ng mga ito,
Arabic Tafsirs:
وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ فُرِجَتۡ
kapag ang langit ay nabitak upang magbabaan ang mga anghel mula roon,
Arabic Tafsirs:
وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ نُسِفَتۡ
kapag ang mga bundok ay nabunot sa kinalalagyan ng mga ito saka dinurug-durog hanggang sa maging alikabok,
Arabic Tafsirs:
وَإِذَا ٱلرُّسُلُ أُقِّتَتۡ
at kapag ang mga sugo ay tinipon para sa isang oras na tinakdaan,
Arabic Tafsirs:
لِأَيِّ يَوۡمٍ أُجِّلَتۡ
para sa araw na dakila inantala sila para sa pagsaksi sa mga kalipunan nila?
Arabic Tafsirs:
لِيَوۡمِ ٱلۡفَصۡلِ
Para sa Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga lingkod para luminaw ang nagtotoo sa nagbulaan at ang maligaya sa malumbay.
Arabic Tafsirs:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Araw ng Pagpapasya?
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling na nagpapasinungaling sa inihatid ng mga sugo mula sa ganang kay Allāh!
Arabic Tafsirs:
أَلَمۡ نُهۡلِكِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Hindi ba Kami nagpahamak sa mga kalipunang nauna noong tumangging sumampalataya ang mga ito kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo ng mga ito?
Arabic Tafsirs:
ثُمَّ نُتۡبِعُهُمُ ٱلۡأٓخِرِينَ
Pagkatapos nagpasunod Kami sa kanila ng mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga nahuli para magpahamak Kami sa mga ito kung paanong nagpahamak Kami sa kanila.
Arabic Tafsirs:
كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ
Tulad ng pagpapahamak sa mga kalipunang iyon, nagpapahamak Kami sa mga salarin na mga tagapagpasinungaling sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa banta ni Allāh ng parusa para sa mga salarin!
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• خطر التعلق بالدنيا ونسيان الآخرة.
Ang panganib ng pagkahumaling sa Mundo at pagkalimot sa Kabilang-buhay.

• مشيئة العبد تابعة لمشيئة الله.
Ang kalooban ng tao ay tagasunod sa kalooban ni Allāh.

• إهلاك الأمم المكذبة سُنَّة إلهية.
Ang pagpapahamak sa mga kalipunang tagapagpasinungaling ay sunnah (kalakaran) na pandiyos.

 
Translation of the Meanings Surah: Al-Mursalāt
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close