Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qasas   Ayah:
إِنَّ ٱلَّذِي فَرَضَ عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ لَرَآدُّكَ إِلَىٰ مَعَادٖۚ قُل رَّبِّيٓ أَعۡلَمُ مَن جَآءَ بِٱلۡهُدَىٰ وَمَنۡ هُوَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Tunay na ang nagsatungkulin sa iyo ng Qur’ān ay talagang ang tagapagpabalik sa iyo tungo sa pinanunumbalikan.[10] Sabihin mo: “Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay at sinumang nasa isang pagkaligaw na malinaw.”
[10] Ibig sabihin: ang Makkah.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا كُنتَ تَرۡجُوٓاْ أَن يُلۡقَىٰٓ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبُ إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۖ فَلَا تَكُونَنَّ ظَهِيرٗا لِّلۡكَٰفِرِينَ
Hindi ka dati nag-aasam na iparating sa iyo ang Aklat maliban bilang awa mula sa Panginoon mo. Kaya huwag ngang maging isang mapagtaguyod para sa mga tagatangging sumampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا يَصُدُّنَّكَ عَنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بَعۡدَ إِذۡ أُنزِلَتۡ إِلَيۡكَۖ وَٱدۡعُ إِلَىٰ رَبِّكَۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Huwag nga silang[11] sasagabal sa iyo sa mga talata ni Allāh matapos noong pinababa ang mga ito sa iyo. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo at huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal.
[11] Ibig sabihin: ang mga tagapagtambal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا تَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۘ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ كُلُّ شَيۡءٍ هَالِكٌ إِلَّا وَجۡهَهُۥۚ لَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Huwag kang manalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa; walang Diyos kundi Siya. Bawat bagay ay masasawi maliban sa mukha Niya. Ukol sa Kanya ang paghahatol at tungo sa Kanya pababalikin kayo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qasas
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara