Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qasas   Ayah:
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلَّيۡلَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِضِيَآءٍۚ أَفَلَا تَسۡمَعُونَ
Sabihin mo: “Nakakita ba kayo – kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon – kung sino ang isang diyos na iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang tanglaw? Kaya hindi ba kayo nakaririnig?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلنَّهَارَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِلَيۡلٖ تَسۡكُنُونَ فِيهِۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
Sabihin mo: “Nakakita ba kayo – kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon – kung sino ang isang diyos na iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang gabi na tatahan kayo roon? Kaya hindi ba kayo nakakikita?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمِن رَّحۡمَتِهِۦ جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Bahagi ng awa Niya, gumawa Siya para inyo ng gabi at maghapon upang mamahinga kayo roon at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
[Banggitin] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi: “Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong inaangkin?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَنَزَعۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدٗا فَقُلۡنَا هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ فَعَلِمُوٓاْ أَنَّ ٱلۡحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Huhugot Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi, saka magsasabi Kami [sa mga tagapagpasinungaling]: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo,” saka makaaalam sila na ang katotohanan ay sa kay Allāh. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa [na mga diyus-diyusan].
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ إِنَّ قَٰرُونَ كَانَ مِن قَوۡمِ مُوسَىٰ فَبَغَىٰ عَلَيۡهِمۡۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡكُنُوزِ مَآ إِنَّ مَفَاتِحَهُۥ لَتَنُوٓأُ بِٱلۡعُصۡبَةِ أُوْلِي ٱلۡقُوَّةِ إِذۡ قَالَ لَهُۥ قَوۡمُهُۥ لَا تَفۡرَحۡۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡفَرِحِينَ
Tunay na si Qārūn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises ngunit nagpakapalalo siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga kayamanan, na tunay na ang mga susi niya ay talagang makabibigat sa pangkat na mga may lakas. Noong [nagpakapalalo siya,] nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: “Huwag kang matuwa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga natutuwa [gaya nito].
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱبۡتَغِ فِيمَآ ءَاتَىٰكَ ٱللَّهُ ٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَۖ وَلَا تَنسَ نَصِيبَكَ مِنَ ٱلدُّنۡيَاۖ وَأَحۡسِن كَمَآ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ إِلَيۡكَۖ وَلَا تَبۡغِ ٱلۡفَسَادَ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Hangarin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh ang tahanan sa Kabilang-buhay at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa Mundo. Gumawa ka ng maganda kung paanong gumawa ng maganda si Allāh sa iyo at huwag mong hangarin ang kaguluhan sa lupa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qasas
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara