Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qasas   Ayah:
قَالَ إِنَّمَآ أُوتِيتُهُۥ عَلَىٰ عِلۡمٍ عِندِيٓۚ أَوَلَمۡ يَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ قَدۡ أَهۡلَكَ مِن قَبۡلِهِۦ مِنَ ٱلۡقُرُونِ مَنۡ هُوَ أَشَدُّ مِنۡهُ قُوَّةٗ وَأَكۡثَرُ جَمۡعٗاۚ وَلَا يُسۡـَٔلُ عَن ذُنُوبِهِمُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Nagsabi [si Qārūn]: “Binigyan lamang ako nito dahil sa isang kaalamang taglay ko.” Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nagpahamak nga bago pa niya ng mga salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanya sa lakas at higit na marami sa natipon. Hindi tatanungin tungkol sa mga pagkakasala nila ang mga salarin.[8]
[8] Ibig sabihin: hindi tatanungin ang mga salarin tungkol sa pagkakasala nila dahil sa kaalaman ni Allāh dito bagkus ang tanong sa kanila ay tanong ng paninisi at pagsumbat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ فِي زِينَتِهِۦۖ قَالَ ٱلَّذِينَ يُرِيدُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا يَٰلَيۡتَ لَنَا مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ قَٰرُونُ إِنَّهُۥ لَذُو حَظٍّ عَظِيمٖ
Kaya lumabas siya sa mga kalipi niya sa gayak niya. Nagsabi ang mga nagnanais sa buhay na pangmundo: “O kung sana mayroon tayong tulad ng ibinigay kay Qārūn; tunay na siya ay talagang may isang bahaging sukdulan.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ وَيۡلَكُمۡ ثَوَابُ ٱللَّهِ خَيۡرٞ لِّمَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗاۚ وَلَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ٱلصَّٰبِرُونَ
Nagsabi naman ang mga binigyan ng kaalaman: “Kapighatian sa inyo! Ang gantimpala ni Allāh ay higit na mabuti para sa sinumang sumampalataya at gumawa ng maayos. Walang gagawaran niyon kundi ang mga tagapagtiis.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَخَسَفۡنَا بِهِۦ وَبِدَارِهِ ٱلۡأَرۡضَ فَمَا كَانَ لَهُۥ مِن فِئَةٖ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُنتَصِرِينَ
Kaya ipinalamon Namin si Qārūn at ang tahanan niya sa lupa. Hindi siya nagkaroon ng anumang pangkat na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga inaadya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَصۡبَحَ ٱلَّذِينَ تَمَنَّوۡاْ مَكَانَهُۥ بِٱلۡأَمۡسِ يَقُولُونَ وَيۡكَأَنَّ ٱللَّهَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُۖ لَوۡلَآ أَن مَّنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا لَخَسَفَ بِنَاۖ وَيۡكَأَنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Kinaumagahan, ang mga nagmithi ng kinalalagyan niya kahapon ay nagsasabi: “Sayang ka na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit.” Kung sakaling hindi nagmagandang-loob si Allāh sa atin ay talaga sanang nagpalamon Siya sa atin [sa lupa]. Sayang ka na hindi nagtatagumpay[9] ang mga tagatangging sumampalataya.”
[9] sa Mundo at Kabilang-buhay
Ang mga Tafsir na Arabe:
تِلۡكَ ٱلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ نَجۡعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوّٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فَسَادٗاۚ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلۡمُتَّقِينَ
Ang Tahanang Pangkabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin para sa mga hindi nagnanais ng kataasan sa lupa ni ng kaguluhan. Ang [mabuting] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَيۡرٞ مِّنۡهَاۖ وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَلَا يُجۡزَى ٱلَّذِينَ عَمِلُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ إِلَّا مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ang sinumang naghatid ng magandang gawa, ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon. Ang sinumang naghatid ng masagwang gawa, walang igaganti sa mga gumawa ng mga masagwang gawa kundi ang dati nilang ginagawa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qasas
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara