Check out the new design

Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) - Byakosowe n'ikigo Rowad Translation Center. * - Ishakiro ry'ibisobanuro

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Ibisobanuro by'amagambo Isura: Az-zumar   Umurongo:
۞ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن كَذَبَ عَلَى ٱللَّهِ وَكَذَّبَ بِٱلصِّدۡقِ إِذۡ جَآءَهُۥٓۚ أَلَيۡسَ فِي جَهَنَّمَ مَثۡوٗى لِّلۡكَٰفِرِينَ
Kaya sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagsinungaling laban kay Allāh[4] at nagpasinungaling sa katapatan[5] noong dumating [ang kaalamang] ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya?
[4] sa pamamagitan ng pag-uugnay sa Kanya ng hindi nababagay sa Kanya gaya ng pagkakaroon ng katambal anak
[5] ng kapahayagang inihatid ng Sugo ni Allāh
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَٱلَّذِي جَآءَ بِٱلصِّدۡقِ وَصَدَّقَ بِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُتَّقُونَ
Ang naghatid [na si Propeta Muḥammad] ng katapatan[6] at nagpatotoo rito, ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala.
[6] ang Qur’an at ang Tawḥīd
Ibisobanuro by'icyarabu:
لَهُم مَّا يَشَآءُونَ عِندَ رَبِّهِمۡۚ ذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila. Iyon ay ang ganti sa mga tagagawa ng maganda
Ibisobanuro by'icyarabu:
لِيُكَفِّرَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ أَسۡوَأَ ٱلَّذِي عَمِلُواْ وَيَجۡزِيَهُمۡ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ ٱلَّذِي كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
upang magtakip-sala si Allāh para sa kanila sa pinakamasagwa sa ginawa nila at gumanti Siya sa kanila ng pabuya nila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa.
Ibisobanuro by'icyarabu:
أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِكَافٍ عَبۡدَهُۥۖ وَيُخَوِّفُونَكَ بِٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٖ
Hindi ba si Allāh ay Tagapagpasapat sa lingkod Niya? Nagpapangamba sila sa iyo sa pamamagitan ng mga [sinasambang] bukod pa sa Kanya. Ang sinumang ililigaw ni Allāh [dahil sa kapalaluan at pagpupumilit sa kasalanan] ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَمَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن مُّضِلٍّۗ أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِعَزِيزٖ ذِي ٱنتِقَامٖ
Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay walang ukol dito na anumang tagapagligaw. Hindi ba si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti [sa kasamaan]?
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلۡ أَفَرَءَيۡتُم مَّا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ إِنۡ أَرَادَنِيَ ٱللَّهُ بِضُرٍّ هَلۡ هُنَّ كَٰشِفَٰتُ ضُرِّهِۦٓ أَوۡ أَرَادَنِي بِرَحۡمَةٍ هَلۡ هُنَّ مُمۡسِكَٰتُ رَحۡمَتِهِۦۚ قُلۡ حَسۡبِيَ ٱللَّهُۖ عَلَيۡهِ يَتَوَكَّلُ ٱلۡمُتَوَكِّلُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Sabihin mo: “Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Kung nagnais sa akin si Allāh ng isang pinsala, sila kaya ay makapag-aalis ng pinsala Niya? O kung nagnais Siya sa akin ng awa, sila kaya ay makapipigil ng awa Niya?” Sabihin mo: “Kasapatan sa akin si Allāh. Sa Kanya nananalig ang mga nananalig.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قُلۡ يَٰقَوۡمِ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنِّي عَٰمِلٞۖ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Sabihin mo: “O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo; tunay na ako ay gumagawa kaya makaaalam kayo
Ibisobanuro by'icyarabu:
مَن يَأۡتِيهِ عَذَابٞ يُخۡزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيۡهِ عَذَابٞ مُّقِيمٌ
sa kung kanino pupunta ang isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at dadapo ang isang pagdurusang mananatili.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
 
Ibisobanuro by'amagambo Isura: Az-zumar
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) - Byakosowe n'ikigo Rowad Translation Center. - Ishakiro ry'ibisobanuro

Yasobanuwe n'itsinda ry'ikigo Rowad cy'ubusobanuzi ku bufatanye n'ishyirahamwe ryo kwamamaza idini ry'ahitwa Rab'wat hamwe n'umuryango Islamic Content mu ndimi zitandukanye.

Gufunga