Check out the new design

Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) - Byakosowe n'ikigo Rowad Translation Center. * - Ishakiro ry'ibisobanuro

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Ibisobanuro by'amagambo Isura: Al Im’ran   Umurongo:
۞ وَسَارِعُوٓاْ إِلَىٰ مَغۡفِرَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ وَجَنَّةٍ عَرۡضُهَا ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ أُعِدَّتۡ لِلۡمُتَّقِينَ
Makipagmabilisan kayo tungo sa isang kapatawaran mula sa Panginoon ninyo at sa isang paraiso na ang luwang nito ay ang mga langit at ang lupa, na inihanda para sa mga tagapangilag magkasala,
Ibisobanuro by'icyarabu:
ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ فِي ٱلسَّرَّآءِ وَٱلضَّرَّآءِ وَٱلۡكَٰظِمِينَ ٱلۡغَيۡظَ وَٱلۡعَافِينَ عَنِ ٱلنَّاسِۗ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
na mga gumugugol sa kariwasaan at kariwaraan, mga nagpipigil ng ngitngit, at mga nagpapaumanhin sa mga tao. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda,
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَٱلَّذِينَ إِذَا فَعَلُواْ فَٰحِشَةً أَوۡ ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ ذَكَرُواْ ٱللَّهَ فَٱسۡتَغۡفَرُواْ لِذُنُوبِهِمۡ وَمَن يَغۡفِرُ ٱلذُّنُوبَ إِلَّا ٱللَّهُ وَلَمۡ يُصِرُّواْ عَلَىٰ مَا فَعَلُواْ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
na mga kapag nakagawa ng isang mahalay[15] o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila[16] ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi ng tawad para sa mga pagkakasala nila – at sino ang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi si Allāh – at hindi nagpupumilit sa nagawa nila habang sila ay nakaaalam.
[15] Ibig sabihin: nakagawa ng malaking kasalanan.
[16] Ibig sabihin: nakagawa ng maliit na kasalanan
Ibisobanuro by'icyarabu:
أُوْلَٰٓئِكَ جَزَآؤُهُم مَّغۡفِرَةٞ مِّن رَّبِّهِمۡ وَجَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَنِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ
Ang mga iyon, ang ganti sa kanila ay isang kapatawaran mula sa Panginoon nila at mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa.
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِكُمۡ سُنَنٞ فَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
May lumipas na, bago pa ninyo, na mga kalakaran kaya humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling.
Ibisobanuro by'icyarabu:
هَٰذَا بَيَانٞ لِّلنَّاسِ وَهُدٗى وَمَوۡعِظَةٞ لِّلۡمُتَّقِينَ
Ito ay isang paglilinaw para sa mga tao, isang patnubay, at isang pangaral sa mga tagapangilag magkasala.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَلَا تَهِنُواْ وَلَا تَحۡزَنُواْ وَأَنتُمُ ٱلۡأَعۡلَوۡنَ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Huwag kayong panghinaan ng loob at huwag kayong malungkot, at kayo ay ang mga pinakamataas kung kayo ay mga mananampalataya.
Ibisobanuro by'icyarabu:
إِن يَمۡسَسۡكُمۡ قَرۡحٞ فَقَدۡ مَسَّ ٱلۡقَوۡمَ قَرۡحٞ مِّثۡلُهُۥۚ وَتِلۡكَ ٱلۡأَيَّامُ نُدَاوِلُهَا بَيۡنَ ٱلنَّاسِ وَلِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَيَتَّخِذَ مِنكُمۡ شُهَدَآءَۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kung may sumaling sa inyo na isang sugat [sa labanan sa Uḥud] ay may sumaling nga sa mga [ibang] tao na tulad nito. Ang mga araw na iyon, nagpapalipat-lipat Kami sa mga iyon sa pagitan ng mga tao at upang maghayag si Allāh sa mga sumampalataya at gumawa Siya mula sa inyo ng mga martir – si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan –
Ibisobanuro by'icyarabu:
 
Ibisobanuro by'amagambo Isura: Al Im’ran
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) - Byakosowe n'ikigo Rowad Translation Center. - Ishakiro ry'ibisobanuro

Yasobanuwe n'itsinda ry'ikigo Rowad cy'ubusobanuzi ku bufatanye n'ishyirahamwe ryo kwamamaza idini ry'ahitwa Rab'wat hamwe n'umuryango Islamic Content mu ndimi zitandukanye.

Gufunga