Check out the new design

Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) - Byakosowe n'ikigo Rowad Translation Center. * - Ishakiro ry'ibisobanuro

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Ibisobanuro by'amagambo Isura: Al Qaswasw   Umurongo:
وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَٱسۡتَوَىٰٓ ءَاتَيۡنَٰهُ حُكۡمٗا وَعِلۡمٗاۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Noong umabot [si Moises] sa katindihan niya at nalubos siya sa pag-iisip, nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at kaalaman. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَدَخَلَ ٱلۡمَدِينَةَ عَلَىٰ حِينِ غَفۡلَةٖ مِّنۡ أَهۡلِهَا فَوَجَدَ فِيهَا رَجُلَيۡنِ يَقۡتَتِلَانِ هَٰذَا مِن شِيعَتِهِۦ وَهَٰذَا مِنۡ عَدُوِّهِۦۖ فَٱسۡتَغَٰثَهُ ٱلَّذِي مِن شِيعَتِهِۦ عَلَى ٱلَّذِي مِنۡ عَدُوِّهِۦ فَوَكَزَهُۥ مُوسَىٰ فَقَضَىٰ عَلَيۡهِۖ قَالَ هَٰذَا مِنۡ عَمَلِ ٱلشَّيۡطَٰنِۖ إِنَّهُۥ عَدُوّٞ مُّضِلّٞ مُّبِينٞ
Pumasok siya [isang araw] sa lungsod sa isang sandali ng pagkalingat ng mga naninirahan doon saka nakatagpo siya roon ng dalawang lalaking nag-aaway. Itong [una] ay kabilang sa kakampi niya at itong [ikalawa] ay kabilang sa kaaway niya. Nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa kakampi niya laban sa kabilang sa kaaway niya. Kaya binuntal ito ni Moises saka napaslang niya ito. Nagsabi siya: “Ito ay kabilang sa gawain ng demonyo; tunay na siya ay isang kaaway na tagapagligaw na malinaw.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَالَ رَبِّ إِنِّي ظَلَمۡتُ نَفۡسِي فَٱغۡفِرۡ لِي فَغَفَرَ لَهُۥٓۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Nagsabi [si Moises]: “Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko kaya magpatawad Ka sa akin.” Kaya nagpatawad Siya rito. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.
Ibisobanuro by'icyarabu:
قَالَ رَبِّ بِمَآ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ فَلَنۡ أَكُونَ ظَهِيرٗا لِّلۡمُجۡرِمِينَ
Nagsabi siya: “Panginoon ko, dahil sa ibiniyaya Mo sa akin, hindi ako magiging isang mapagtaguyod para sa mga salarin.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَأَصۡبَحَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ خَآئِفٗا يَتَرَقَّبُ فَإِذَا ٱلَّذِي ٱسۡتَنصَرَهُۥ بِٱلۡأَمۡسِ يَسۡتَصۡرِخُهُۥۚ قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰٓ إِنَّكَ لَغَوِيّٞ مُّبِينٞ
Kaya siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay, saka biglang ang nagpaadya sa kanya kahapon ay nagpapasalba na naman sa kanya. Nagsabi sa kanya si Moises: “Tunay na Ikaw ay talagang isang lisyang malinaw.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَلَمَّآ أَنۡ أَرَادَ أَن يَبۡطِشَ بِٱلَّذِي هُوَ عَدُوّٞ لَّهُمَا قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ أَتُرِيدُ أَن تَقۡتُلَنِي كَمَا قَتَلۡتَ نَفۡسَۢا بِٱلۡأَمۡسِۖ إِن تُرِيدُ إِلَّآ أَن تَكُونَ جَبَّارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا تُرِيدُ أَن تَكُونَ مِنَ ٱلۡمُصۡلِحِينَ
Kaya noong nagnais siya na sumunggab sa isang kaaway para sa kanilang dalawa ay nagsabi iyon: “O Moises, nagnanais ka ba na pumatay sa akin gaya ng pagpatay mo ng isang tao kahapon? Wala kang ninanais kundi ikaw ay maging isang palasupil sa lupain at hindi ka nagnanais na ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagsaayos.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَجَآءَ رَجُلٞ مِّنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡعَىٰ قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّ ٱلۡمَلَأَ يَأۡتَمِرُونَ بِكَ لِيَقۡتُلُوكَ فَٱخۡرُجۡ إِنِّي لَكَ مِنَ ٱلنَّٰصِحِينَ
May dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na tumatakbo. Nagsabi ito: “O Moises, tunay ang konseho [ng mga tao ni Paraon] ay nagpupulong hinggil sa iyo upang patayin ka nila kaya lumisan ka. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapagpayo.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَخَرَجَ مِنۡهَا خَآئِفٗا يَتَرَقَّبُۖ قَالَ رَبِّ نَجِّنِي مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya lumisan siya mula roon habang kinakabahang nag-aantabay. Nagsabi siya: “Panginoon ko, iligtas Mo ako laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
Ibisobanuro by'icyarabu:
 
Ibisobanuro by'amagambo Isura: Al Qaswasw
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) - Byakosowe n'ikigo Rowad Translation Center. - Ishakiro ry'ibisobanuro

Yasobanuwe n'itsinda ry'ikigo Rowad cy'ubusobanuzi ku bufatanye n'ishyirahamwe ryo kwamamaza idini ry'ahitwa Rab'wat hamwe n'umuryango Islamic Content mu ndimi zitandukanye.

Gufunga