Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Surah: Ad-Duhā   Verse:

Ad-Duhā

Objectives of the Surah:
بيان عناية الله بنبيه في أول أمره وآخره.
Ang paglilinaw sa pangangalaga ni Allāh sa Propeta Niya sa kauna-unahan sa nauukol sa kanya at kahuli-hulihan dito.

وَٱلضُّحَىٰ
Sumumpa si Allāh sa unang bahagi ng maghapon.
Arabic Tafsirs:
وَٱلَّيۡلِ إِذَا سَجَىٰ
Sumumpa Siya sa gabi kapag dumilim ito at tumigil ang mga tao roon sa pagkilos.
Arabic Tafsirs:
مَا وَدَّعَكَ رَبُّكَ وَمَا قَلَىٰ
hindi nag-iwan sa iyo, O Sugo, ang Panginoon mo at hindi Siya namuhi sa iyo gaya ng sinasabi ng mga tagapagtambal noong natigil ang pagkakasi.
Arabic Tafsirs:
وَلَلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لَّكَ مِنَ ٱلۡأُولَىٰ
Talagang ang tahanang pangkabilang-buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa Mundo dahil sa taglay niyon na kaginhawahang mamamalagi, na hindi mapuputol.
Arabic Tafsirs:
وَلَسَوۡفَ يُعۡطِيكَ رَبُّكَ فَتَرۡضَىٰٓ
Talagang magbibigay sa iyo ang Panginoon mo ng gantimpalang masagana para sa iyo at para sa kalipunan mo upang malugod ka sa ibinigay Niya sa iyo at ibinigay Niya sa kalipunan mo.
Arabic Tafsirs:
أَلَمۡ يَجِدۡكَ يَتِيمٗا فَـَٔاوَىٰ
Talaga ngang nakatagpo Siya sa iyo na isang bata na namatayan ka na ng ama mo kaya gumawa Siya para sa iyo ng isang kanlungan kung saan dumamay sa iyo ang lolo mong si `Abdulmuṭṭalib, pagkatapos ang tiyuhin mong si Abū Ṭālib.
Arabic Tafsirs:
وَوَجَدَكَ ضَآلّٗا فَهَدَىٰ
Nakatagpo Siya sa iyo na hindi nakababatid kung ano ang aklat ni ang pananampalataya kaya nagturo Siya sa iyo mula roon na hindi mo dati nalalaman.
Arabic Tafsirs:
وَوَجَدَكَ عَآئِلٗا فَأَغۡنَىٰ
Nakatagpo Siya sa iyo na isang maralita kaya nagpasapat Siya sa iyo.
Arabic Tafsirs:
فَأَمَّا ٱلۡيَتِيمَ فَلَا تَقۡهَرۡ
Kaya huwag kang magpasagwa sa pakikitungo sa sinumang nawalan ng ama niya sa pagkabata at huwag kang mang-aba sa kanya.
Arabic Tafsirs:
وَأَمَّا ٱلسَّآئِلَ فَلَا تَنۡهَرۡ
Huwag kang mang-udlot sa nanghihinging nangangailangan.
Arabic Tafsirs:
وَأَمَّا بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ فَحَدِّثۡ
Magpasalamat ka sa mga biyaya ni Allāh sa iyo at magsaysay ka hinggil dito.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• منزلة النبي صلى الله عليه وسلم عند ربه لا تدانيها منزلة.
Ang kalagayan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ganang Panginoon niya ay hindi napapantayan ng isang kalagayan.

• شكر النعم حقّ لله على عبده.
Ang pagpapasalamat sa mga biyaya ay tungkulin para kay Allāh ng lingkod Niya.

• وجوب الرحمة بالمستضعفين واللين لهم.
Ang pagkakailangan ng pagkaawa sa mga sinisiil at ang kabanayaran sa kanila.

 
Translation of the Meanings Surah: Ad-Duhā
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close