Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Surah: Al-Layl   Verse:

Al-Layl

Objectives of the Surah:
بيان أحوال الخلق في الإيمان والإنفاق وحال كل فريق.
Ang paglilinaw sa mga kalagayan ng nilikha sa pananampalataya at paggugol at ang kalagayan ng bawat pangkat.

وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰ
Sumumpa si Allāh sa gabi kapag nagtatakip ito sa nasa pagitan ng langit at lupa ng kadiliman nito.
Arabic Tafsirs:
وَٱلنَّهَارِ إِذَا تَجَلَّىٰ
Sumumpa Siya sa maghapon kapag nagpakalantad ito at lumitaw ito.
Arabic Tafsirs:
وَمَا خَلَقَ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰٓ
Sumumpa Siya sa pagkalikha Niya sa dalawang kasarian: ang lalaki at ang babae.
Arabic Tafsirs:
إِنَّ سَعۡيَكُمۡ لَشَتَّىٰ
Tunay na ang gawain ninyo, O mga tao, ay talagang nagkakaiba-iba sapagkat kabilang dito ang mga magandang gawa, na siyang kadahilanan ng pagpasok sa Hardin, at ang mga masagwang gawa na siyang kadahilanan ng pagpasok sa Apoy.
Arabic Tafsirs:
فَأَمَّا مَنۡ أَعۡطَىٰ وَٱتَّقَىٰ
Kaya tungkol naman sa sinumang nagbigay ng inoobliga sa kanya na ipagkaloob niya na zakāh, panggugol, at panakip-sala, at nangilag sa sinaway ni Allāh sa kanya,
Arabic Tafsirs:
وَصَدَّقَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ
at nagpatotoo sa ipinangako sa kanya ni Allāh na kapalit;
Arabic Tafsirs:
فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡيُسۡرَىٰ
magpapagaan Kami sa kanya ng gawang maayos at paggugol sa landas ni Allāh.
Arabic Tafsirs:
وَأَمَّا مَنۢ بَخِلَ وَٱسۡتَغۡنَىٰ
Tungkol naman sa sinumang nagmaramot ng yaman niya kaya hindi nagkaloob nito sa anumang kinakailangan sa kanya ang pagkakaloob nito at nag-akalang makapagsasarili sa pamamagitan ng yaman niya palayo kay Allāh kaya hindi humihingi kay Allāh mula sa kabutihang-loob Niya ng anuman,
Arabic Tafsirs:
وَكَذَّبَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ
at nagpasinungaling sa ipinangako sa kanya ni Allāh na kapalit at gantimpala sa paggugol niya ng yaman niya sa landas ni Allāh;
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• أهمية تزكية النفس وتطهيرها.
Ang kahalagahan ng paglilinis ng kaluluwa at pagdadalisay nito.

• المتعاونون على المعصية شركاء في الإثم.
Ang mga nagtutulungan sa pagsuway ay magkakatambal sa kasalanan.

• الذنوب سبب للعقوبات الدنيوية.
Ang mga pagkakasala ay kadahilanan para sa mga kaparusahang pangmundo.

• كلٌّ ميسر لما خلق له فمنهم مطيع ومنهم عاصٍ.
Ang bawat isa ay pinadali para sa nilikha para sa kanya kaya kabilang sa kanila ay tagatalima at kabilang din sa kanila ay tagasuway.

فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡعُسۡرَىٰ
magpapagaan Kami sa kanya sa paggawa ng kasamaan at magpapahirap Kami sa kanya sa paggawa ng kabutihan.
Arabic Tafsirs:
وَمَا يُغۡنِي عَنۡهُ مَالُهُۥٓ إِذَا تَرَدَّىٰٓ
Ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya na nagmaramot siya nito kapag napahamak siya at pumasok sa Apoy?
Arabic Tafsirs:
إِنَّ عَلَيۡنَا لَلۡهُدَىٰ
Tunay na nasa Amin na maglinaw Kami ng daan ng katotohanan mula sa kabulaanan.
Arabic Tafsirs:
وَإِنَّ لَنَا لَلۡأٓخِرَةَ وَٱلۡأُولَىٰ
Tunay na sa Amin ay talagang ang buhay na pangkabilang-buhay at ang buhay na pangmundo: gumagawa Kami sa dalawang ito ng niloloob Namin, at hindi iyon ukol sa isang iba pa sa Amin.
Arabic Tafsirs:
فَأَنذَرۡتُكُمۡ نَارٗا تَلَظَّىٰ
Kaya nagbigay-babala Ako sa inyo, O mga tao, laban sa apoy na nagniningas kung kayo ay sumuway sa Akin.
Arabic Tafsirs:
لَا يَصۡلَىٰهَآ إِلَّا ٱلۡأَشۡقَى
Walang magdurusa sa init ng apoy na ito kundi ang pinakamalumbay, ang tagatangging sumampalataya,
Arabic Tafsirs:
ٱلَّذِي كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ
na nagpasinungaling sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at umayaw sa pagsunod sa utos ni Allāh.
Arabic Tafsirs:
وَسَيُجَنَّبُهَا ٱلۡأَتۡقَى
Palalayuin doon ang pinakatagapangilag magkasala sa mga tao, si Abū Bakr – malugod si Allāh sa kanya,
Arabic Tafsirs:
ٱلَّذِي يُؤۡتِي مَالَهُۥ يَتَزَكَّىٰ
na gumugugol ng yaman niya sa mga uri ng pagpapakabuti upang magpakadalisay mula sa mga pagkakasala
Arabic Tafsirs:
وَمَا لِأَحَدٍ عِندَهُۥ مِن نِّعۡمَةٖ تُجۡزَىٰٓ
at hindi siya nagkakaloob ng ipinagkakaloob niya mula sa yaman niya upang tumumbas sa isang biyayang ibiniyaya ng isa sa kanya,
Arabic Tafsirs:
إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ رَبِّهِ ٱلۡأَعۡلَىٰ
hindi siya nagnanais sa ipinagkakaloob niya mula sa yaman niya maliban sa [ikalulugod] ng Mukha ng Panginoon niya, ang Nakatataas sa nilikha.
Arabic Tafsirs:
وَلَسَوۡفَ يَرۡضَىٰ
Talagang malulugod siya sa ibibigay sa kanya ni Allāh na masaganang ganti.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• منزلة النبي صلى الله عليه وسلم عند ربه لا تدانيها منزلة.
Ang kalagayan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ganang Panginoon niya ay hindi napapantayan ng isang kalagayan.

• شكر النعم حقّ لله على عبده.
Ang pagpapasalamat sa mga biyaya ay tungkulin para kay Allāh ng lingkod Niya.

• وجوب الرحمة بالمستضعفين واللين لهم.
Ang pagkakailangan ng pagkaawa sa mga sinisiil at ang kabanayaran sa kanila.

 
Translation of the Meanings Surah: Al-Layl
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close