Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Surah: Al-Mursalāt   Verse:

Al-Mursalāt

Objectives of the Surah:
الوعيد للمكذبين بالويل يوم القيامة.
Ang banta ng kapighatian sa Araw ng Pagbangon sa mga tagapagpasinungaling.

وَٱلۡمُرۡسَلَٰتِ عُرۡفٗا
Sumumpa si Allāh sa mga hanging nagsusunuran tulad ng buhok ng kabayo.
Arabic Tafsirs:
فَٱلۡعَٰصِفَٰتِ عَصۡفٗا
Sumumpa Siya sa mga hanging matindi ang ihip.
Arabic Tafsirs:
وَٱلنَّٰشِرَٰتِ نَشۡرٗا
Sumumpa Siya sa mga hanging nagkakalat ng ulan.
Arabic Tafsirs:
فَٱلۡفَٰرِقَٰتِ فَرۡقٗا
Sumumpa Siya sa mga anghel na nagbababa ng nagbubukod sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan.
Arabic Tafsirs:
فَٱلۡمُلۡقِيَٰتِ ذِكۡرًا
Sumumpa Siya sa mga anghel na nagbababa ng kasi.
Arabic Tafsirs:
عُذۡرًا أَوۡ نُذۡرًا
Nagbababa [ang mga anghel] ng kasi bilang pagbibigay-dahilan mula kay Allāh tungo sa mga tao at bilang pagbibigay-babala para sa mga tao laban sa pagdurusang dulot ni Allāh.
Arabic Tafsirs:
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَٰقِعٞ
Tunay na ang ipinangangako sa inyo na pagbubuhay, pagtutuos, at pagganti ay talagang magaganap nang walang pasubali.
Arabic Tafsirs:
فَإِذَا ٱلنُّجُومُ طُمِسَتۡ
Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi ang liwanag ng mga ito at naalis ang tanglaw ng mga ito,
Arabic Tafsirs:
وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ فُرِجَتۡ
kapag ang langit ay nabitak upang magbabaan ang mga anghel mula roon,
Arabic Tafsirs:
وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ نُسِفَتۡ
kapag ang mga bundok ay nabunot sa kinalalagyan ng mga ito saka dinurug-durog hanggang sa maging alikabok,
Arabic Tafsirs:
وَإِذَا ٱلرُّسُلُ أُقِّتَتۡ
at kapag ang mga sugo ay tinipon para sa isang oras na tinakdaan,
Arabic Tafsirs:
لِأَيِّ يَوۡمٍ أُجِّلَتۡ
para sa araw na dakila inantala sila para sa pagsaksi sa mga kalipunan nila?
Arabic Tafsirs:
لِيَوۡمِ ٱلۡفَصۡلِ
Para sa Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga lingkod para luminaw ang nagtotoo sa nagbulaan at ang maligaya sa malumbay.
Arabic Tafsirs:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Araw ng Pagpapasya?
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling na nagpapasinungaling sa inihatid ng mga sugo mula sa ganang kay Allāh!
Arabic Tafsirs:
أَلَمۡ نُهۡلِكِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Hindi ba Kami nagpahamak sa mga kalipunang nauna noong tumangging sumampalataya ang mga ito kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo ng mga ito?
Arabic Tafsirs:
ثُمَّ نُتۡبِعُهُمُ ٱلۡأٓخِرِينَ
Pagkatapos nagpasunod Kami sa kanila ng mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga nahuli para magpahamak Kami sa mga ito kung paanong nagpahamak Kami sa kanila.
Arabic Tafsirs:
كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ
Tulad ng pagpapahamak sa mga kalipunang iyon, nagpapahamak Kami sa mga salarin na mga tagapagpasinungaling sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa banta ni Allāh ng parusa para sa mga salarin!
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• خطر التعلق بالدنيا ونسيان الآخرة.
Ang panganib ng pagkahumaling sa Mundo at pagkalimot sa Kabilang-buhay.

• مشيئة العبد تابعة لمشيئة الله.
Ang kalooban ng tao ay tagasunod sa kalooban ni Allāh.

• إهلاك الأمم المكذبة سُنَّة إلهية.
Ang pagpapahamak sa mga kalipunang tagapagpasinungaling ay sunnah (kalakaran) na pandiyos.

أَلَمۡ نَخۡلُقكُّم مِّن مَّآءٖ مَّهِينٖ
Hindi ba Kami lumikha sa inyo, O mga tao, mula sa likidong kadusta-dusta na kaunti – ang patak [ng punlay],
Arabic Tafsirs:
فَجَعَلۡنَٰهُ فِي قَرَارٖ مَّكِينٍ
saka naglagay Kami ng likidong hamak na iyon sa isang lugar na pinangangalagaan, ang sinapupunan ng babae,
Arabic Tafsirs:
إِلَىٰ قَدَرٖ مَّعۡلُومٖ
hanggang sa isang yugtong nalalaman, ang yugto ng pagbubuntis?
Arabic Tafsirs:
فَقَدَرۡنَا فَنِعۡمَ ٱلۡقَٰدِرُونَ
Saka nagtakda Kami ng katangian ng ipanganganak, kahalagahan nito, kulay nito, at iba pa roon; saka kay inam Kami, ang Tagapagtakda para roon sa kabuuan niyon!
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa kakayahan ni Allāh!
Arabic Tafsirs:
أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ كِفَاتًا
Hindi ba Kami gumawa sa lupa na nag-iipon sa mga tao sa kalahatan?
Arabic Tafsirs:
أَحۡيَآءٗ وَأَمۡوَٰتٗا
Nag-iipon ito ng mga buhay nila sa pamamagitan ng pagtahan sa ibabaw nito at paglinang nito at ng mga patay nila sa pamamagitan ng paglilibing dito.
Arabic Tafsirs:
وَجَعَلۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ شَٰمِخَٰتٖ وَأَسۡقَيۡنَٰكُم مَّآءٗ فُرَاتٗا
Naglagay Kami rito ng mga bundok na matatatag na pumipigil dito sa pagkaalog, na matataas; at nagpainom Kami sa inyo, O mga tao, ng isang tubig tabang. Kaya ang lumikha niyon ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagbuhay sa inyo.
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa mga biyaya ni Allāh sa kanila!
Arabic Tafsirs:
ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ مَا كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Sasabihin sa mga tagapagpasinungaling sa inihatid ng mga sugo nila: "Maglakbay kayo, O mga tagapagpasinungaling, tungo sa dati ninyong pinasisinungalingan na pagdurusa.
Arabic Tafsirs:
ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ ظِلّٖ ذِي ثَلَٰثِ شُعَبٖ
Maglakbay kayo tungo sa aninong mula sa usok ng Impiyerno na nagkabaha-bahagi sa tatlong bahagi.
Arabic Tafsirs:
لَّا ظَلِيلٖ وَلَا يُغۡنِي مِنَ ٱللَّهَبِ
Wala roong lamig ng mga lilim at hindi makapipigil sa liyab ng Apoy at init nito na manuot sa inyo."
Arabic Tafsirs:
إِنَّهَا تَرۡمِي بِشَرَرٖ كَٱلۡقَصۡرِ
Tunay na ang Apoy ay bumabato ng mga alipato na ang bawat alipato ay tulad ng palasyo sa laki nito.
Arabic Tafsirs:
كَأَنَّهُۥ جِمَٰلَتٞ صُفۡرٞ
Para bang ang mga alipatong ibinabato, sa kaitiman ng mga ito at laki ng mga ito, ay mga kamelyong itim.
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa pagdurusang dulot ni Allāh!
Arabic Tafsirs:
هَٰذَا يَوۡمُ لَا يَنطِقُونَ
Ito ay Araw na hindi sila magsasalita roon ng anuman.
Arabic Tafsirs:
وَلَا يُؤۡذَنُ لَهُمۡ فَيَعۡتَذِرُونَ
Hindi magpapahintulot sa kanila na magdahi-dahilan sila sa Panginoon nila sa kawalang-pananampalataya nila at mga masagwang gawa nila para magdahi-dahilan sila sa Kanya.
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa mga ulat ng Araw na ito!
Arabic Tafsirs:
هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِۖ جَمَعۡنَٰكُمۡ وَٱلۡأَوَّلِينَ
Ito ay Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga nilikha; magtitipon Kami sa inyo at sa mga kalipunang nauna sa nag-iisang larangan.
Arabic Tafsirs:
فَإِن كَانَ لَكُمۡ كَيۡدٞ فَكِيدُونِ
Kaya kung nagkaroon kayo ng isang panlalansi na ipanlalansi ninyo para makaligtas sa pagdurusang dulot Ko ay manlansi kayo laban sa Akin.
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa Araw ng Pagpapasya!
Arabic Tafsirs:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي ظِلَٰلٖ وَعُيُونٖ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay nasa mga lilim ng mga malabay na punong-kahoy ng Paraiso at mga bukal ng tubig tabang na dumadaloy,
Arabic Tafsirs:
وَفَوَٰكِهَ مِمَّا يَشۡتَهُونَ
at mga prutas mula sa anumang ninanasa nilang kainin.
Arabic Tafsirs:
كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Sasabihin sa kanila: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at uminom kayo ng inumang kaiga-igaya na walang panligalig dito, dahil sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na mga gawang maayos."
Arabic Tafsirs:
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Tunay na Kami, tulad ng ganting ito na ipinangganti Namin sa inyo, ay gaganti sa mga tagagawa ng maganda sa mga gawain nila.
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa inihanda ni Allāh para sa mga tagapangilag magkasala!
Arabic Tafsirs:
كُلُواْ وَتَمَتَّعُواْ قَلِيلًا إِنَّكُم مُّجۡرِمُونَ
Sasabihin sa mga tagapagpasinungaling: "Kumain kayo at magtamasa kayo ng mga minamasarap ng buhay sa kaunting panahon sa Mundo; tunay na kayo, dahil sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh at pagpapasinungaling ninyo sa mga sugo Niya, ay mga salarin."
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa pagganti sa kanila sa Araw ng Paggantimpala!
Arabic Tafsirs:
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱرۡكَعُواْ لَا يَرۡكَعُونَ
Kapag sinabi sa mga tagapagpasinungaling na ito: "Magdasal kayo kay Allāh," hindi sila nagdarasal sa Kanya.
Arabic Tafsirs:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling na nagpapasinungaling sa inihatid ng mga sugo mula sa ganang kay Allāh!
Arabic Tafsirs:
فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَهُۥ يُؤۡمِنُونَ
Kaya kapag hindi sila sumampalataya sa Qur'ān na ito na pinababa mula sa Panginoon nila, sa aling pag-uusap na iba pa rito sasampalataya sila?
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• رعاية الله للإنسان في بطن أمه.
Ang pag-aalaga ni Allāh para sa tao habang nasa tiyan ng ina nito.

• اتساع الأرض لمن عليها من الأحياء، ولمن فيها من الأموات.
Ang pagkalawak ng lupa para sa sinumang narito na mga buhay at para sa sinumang narito na mga patay.

• خطورة التكذيب بآيات الله والوعيد الشديد لمن فعل ذلك.
Ang panganib ng pagpapasinungaling sa mga tanda ni Allāh at ang bantang matindi para sa sinumang gumawa niyon.

 
Translation of the Meanings Surah: Al-Mursalāt
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close