Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلپینی ترجمہ (تجالوج) - مرکز رواد الترجمہ * - ترجمے کی لسٹ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

معانی کا ترجمہ سورت: ھود   آیت:
أُوْلَٰٓئِكَ لَمۡ يَكُونُواْ مُعۡجِزِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا كَانَ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِنۡ أَوۡلِيَآءَۘ يُضَٰعَفُ لَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ مَا كَانُواْ يَسۡتَطِيعُونَ ٱلسَّمۡعَ وَمَا كَانُواْ يُبۡصِرُونَ
Ang mga iyon ay hindi mga makalulusot[5] sa lupa at hindi sila nagkaroon bukod pa kay Allāh ng mga katangkilik. Pag-iibayuhin para sa kanila ang pagdurusa. Hindi sila dati nakakakaya ng pagdinig [sa katotohanan] at hindi sila dati nakakikita.
[5] O makapagpapahina.
عربی تفاسیر:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Ang mga iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at nawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa.
عربی تفاسیر:
لَا جَرَمَ أَنَّهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ هُمُ ٱلۡأَخۡسَرُونَ
Walang pasubali na sila sa Kabilang-buhay ay ang mga pinakalugi.
عربی تفاسیر:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَأَخۡبَتُوٓاْ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Tunay na ang mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, at nagmababang-loob sa Panginoon nila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso; sila ay doon mga mananatili.
عربی تفاسیر:
۞ مَثَلُ ٱلۡفَرِيقَيۡنِ كَٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡأَصَمِّ وَٱلۡبَصِيرِ وَٱلسَّمِيعِۚ هَلۡ يَسۡتَوِيَانِ مَثَلًاۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Ang paghahalintulad sa dalawang pangkat ay gaya ng bulag at bingi, at ng nakakikita at nakaririnig. Nagkakapantay kaya ang dalawa sa paghahalintulad? Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?
عربی تفاسیر:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦٓ إِنِّي لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga tao niya, [na nagsasabi]: “Tunay na ako para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw,
عربی تفاسیر:
أَن لَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَۖ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ أَلِيمٖ
na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa isang pagdurusa sa isang araw na masakit.”
عربی تفاسیر:
فَقَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ مَا نَرَىٰكَ إِلَّا بَشَرٗا مِّثۡلَنَا وَمَا نَرَىٰكَ ٱتَّبَعَكَ إِلَّا ٱلَّذِينَ هُمۡ أَرَاذِلُنَا بَادِيَ ٱلرَّأۡيِ وَمَا نَرَىٰ لَكُمۡ عَلَيۡنَا مِن فَضۡلِۭ بَلۡ نَظُنُّكُمۡ كَٰذِبِينَ
Kaya nagsabi ang konseho na tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: “Wala kaming nakikita sa iyo kundi isang tao tulad namin, wala kaming nakikita sa iyo na sumunod sa iyo kundi silang mga napakahamak sa amin sa unang tingin,[6] at wala kaming nakikita para inyo na isang kalamangan sa amin, bagkus nagpapalagay kami na kayo ay mga sinungaling.”
[6] Ang ibig sabihin ng “sa unang tingin” ay walang pag-iisip-ip at walang pagtingin.
عربی تفاسیر:
قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَءَاتَىٰنِي رَحۡمَةٗ مِّنۡ عِندِهِۦ فَعُمِّيَتۡ عَلَيۡكُمۡ أَنُلۡزِمُكُمُوهَا وَأَنتُمۡ لَهَا كَٰرِهُونَ
Nagsabi siya:[7] “O mga tao ko, nagsaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin ng awa mula sa ganang Kanya ngunit pinalingid ito sa inyo? Mamimilit ba kami sa inyo [na maniwala] rito samantalang kayo rito ay mga nasusuklam?
[7] Si Noe
عربی تفاسیر:
 
معانی کا ترجمہ سورت: ھود
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلپینی ترجمہ (تجالوج) - مرکز رواد الترجمہ - ترجمے کی لسٹ

مرکز رواد الترجمہ گروپ نے جمعیۃ الدعوۃ‘ ربوہ اور جمعیۃ خدمۃ المحتوى الاسلامی باللغات کے تعاون سے ترجمہ کیا۔

بند کریں