Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ آیت: (43) سورت: سبأ
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّا رَجُلٞ يُرِيدُ أَن يَصُدَّكُمۡ عَمَّا كَانَ يَعۡبُدُ ءَابَآؤُكُمۡ وَقَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّآ إِفۡكٞ مُّفۡتَرٗىۚ وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Kapag binibigkas sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito ang mga talata Naming pinababa sa sugo Namin nang maliwanag na walang pagkalito sa mga ito ay nagsasabi sila: "Walang iba ang lalaking ito na naghatid ng mga ito kundi isang lalaking nagnanais na magpalihis sa inyo palayo sa gawain noon ng mga ninuno ninyo." Nagsabi pa sila: "Walang iba ang Qur'ān na ito kundi isang kasinungalingang nilikha-likha niya laban kay Allāh." Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh hinggil sa Qur'ān noong dumating ito sa kanila mula sa ganang kay Allāh: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na maliwanag dahil sa pagpapahiwalay nito sa lalaki at maybahay niya, at sa anak at ama niya.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• التقليد الأعمى للآباء صارف عن الهداية.
Ang bulag na paggaya-gaya sa mga ninuno ay nagpapalihis sa kapatnubayan.

• التفكُّر مع التجرد من الهوى وسيلة للوصول إلى القرار الصحيح، والفكر الصائب.
Ang pag-iisip-isip at ang pag-aalis ng pithaya ay isang kaparaanan sa paghantong sa tumpak ng pasya at tamang ideya.

• الداعية إلى الله لا ينتظر الأجر من الناس، وإنما ينتظره من رب الناس.
Ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ay hindi naghihintay ng pabuya mula sa mga tao. Naghihintay lamang siya nito mula sa Panginoon ng mga tao.

 
معانی کا ترجمہ آیت: (43) سورت: سبأ
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) - ترجمے کی لسٹ

مرکز تفسیر للدراسات القرآنیۃ سے شائع ہوا ہے۔

بند کریں