Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ آیت: (15) سورت: سبأ
لَقَدۡ كَانَ لِسَبَإٖ فِي مَسۡكَنِهِمۡ ءَايَةٞۖ جَنَّتَانِ عَن يَمِينٖ وَشِمَالٖۖ كُلُواْ مِن رِّزۡقِ رَبِّكُمۡ وَٱشۡكُرُواْ لَهُۥۚ بَلۡدَةٞ طَيِّبَةٞ وَرَبٌّ غَفُورٞ
Talaga ngang nagkaroon ang lipi ng Sheba sa tirahan nila, na sila noon ay nakatira, ng isang palatandaang naglalantad sa kakayahan ni Allāh at pagpapala Niya sa kanila: dalawang hardin na ang isa sa dalawa ay nasa gawing kanan at ang ikalawa ay nasa gawing kaliwa. Nagsabi Kami sa kanila: "Kumain kayo mula sa panustos ng Panginoon ninyo at magpasalamat kayo sa Kanya sa mga biyaya Niya. Ito ay isang bayang kaaya-aya at itong si Allāh ay isang Panginoong mapagpatawad na nagpapatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• الشكر يحفظ النعم، والجحود يسبب سلبها.
Ang pagpapasalamat ay nangangalaga sa mga biyaya at ang pagkakaila ay nagdadahilan ng pag-aalis sa mga ito.

• الأمن من أعظم النعم التي يمتنّ الله بها على العباد.
Ang katiwasayan ay kabilang sa pinakasukdulan sa mga biyaya na ipinagmagandang-loob ni Allāh sa mga tao.

• الإيمان الصحيح يعصم من اتباع إغواء الشيطان بإذن الله.
Ang tumpak na pananampalataya ay nagsasanggalang laban sa pagsunod sa pagpapalisya ng demonyo ayon sa pahintulot ni Allāh.

• ظهور إبطال أسباب الشرك ومداخله كالزعم بأن للأصنام مُلْكًا أو مشاركة لله، أو إعانة أو شفاعة عند الله.
Ang paglitaw ng pagpapawalang-saysay sa mga kadahilanan ng shirk at mga pasukan nito gaya ng pag-aangkin na ang mga anito ay may paghahari o pakikihati kay Allāh o pagtulong o pamamagitan sa harap ni Allāh.

 
معانی کا ترجمہ آیت: (15) سورت: سبأ
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) - ترجمے کی لسٹ

مرکز تفسیر للدراسات القرآنیۃ سے شائع ہوا ہے۔

بند کریں