Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Nāzi‘āt   Ayah:

An-Nāzi‘āt

وَٱلنَّٰزِعَٰتِ غَرۡقٗا
Sumpa man sa mga [anghel na] nag-aalis[1] sa isang paghatak [na marahas],
[1] ng kaluluwa ng tagatangging sumampalataya
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلنَّٰشِطَٰتِ نَشۡطٗا
sumpa man sa mga [anghel na] humahablot[2] sa isang paghunos [malumanay],
[2] ng kaluluwa ng mananampalataya
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلسَّٰبِحَٰتِ سَبۡحٗا
sumpa man sa mga [anghel na] lumalangoy sa isang paglangoy,[3]
[3] mula sa langit papunta sa lupa
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱلسَّٰبِقَٰتِ سَبۡقٗا
saka sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isang pag-uunahan [sa pagtalima],
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱلۡمُدَبِّرَٰتِ أَمۡرٗا
saka sa mga [anghel na] nagpapatupad ng utos,
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلرَّاجِفَةُ
sa araw na yayanig ang tagayanig,[4]
[4] sa unang pag-ihip sa tambuli
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَتۡبَعُهَا ٱلرَّادِفَةُ
at susunod dito ang kasunod [na pag-ihip sa tambuli].[5]
[5] na pag-ihip sa tambuli
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلُوبٞ يَوۡمَئِذٖ وَاجِفَةٌ
May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَبۡصَٰرُهَا خَٰشِعَةٞ
Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakumbaba.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَقُولُونَ أَءِنَّا لَمَرۡدُودُونَ فِي ٱلۡحَافِرَةِ
Nagsasabi sila [sa Mundo]: “Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating kalagayan?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا نَّخِرَةٗ
Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالُواْ تِلۡكَ إِذٗا كَرَّةٌ خَاسِرَةٞ
Magsasabi sila: “Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ
Ngunit ito[6] ay nag-iisang bulyaw lamang,
[6] ang ikalawang pag-ihip sa tambuli sa pagkabuhay
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِذَا هُم بِٱلسَّاهِرَةِ
saka biglang sila ay [buhay] sa balat ng lupa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ
Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِذۡ نَادَىٰهُ رَبُّهُۥ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوًى
Noong nanawagan sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā:
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Nāzi‘āt
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara