Check out the new design

Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme * - Përmbajtja e përkthimeve

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Përkthimi i kuptimeve Surja: En Nisa   Ajeti:
وَإِذَا كُنتَ فِيهِمۡ فَأَقَمۡتَ لَهُمُ ٱلصَّلَوٰةَ فَلۡتَقُمۡ طَآئِفَةٞ مِّنۡهُم مَّعَكَ وَلۡيَأۡخُذُوٓاْ أَسۡلِحَتَهُمۡۖ فَإِذَا سَجَدُواْ فَلۡيَكُونُواْ مِن وَرَآئِكُمۡ وَلۡتَأۡتِ طَآئِفَةٌ أُخۡرَىٰ لَمۡ يُصَلُّواْ فَلۡيُصَلُّواْ مَعَكَ وَلۡيَأۡخُذُواْ حِذۡرَهُمۡ وَأَسۡلِحَتَهُمۡۗ وَدَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ تَغۡفُلُونَ عَنۡ أَسۡلِحَتِكُمۡ وَأَمۡتِعَتِكُمۡ فَيَمِيلُونَ عَلَيۡكُم مَّيۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ إِن كَانَ بِكُمۡ أَذٗى مِّن مَّطَرٍ أَوۡ كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَن تَضَعُوٓاْ أَسۡلِحَتَكُمۡۖ وَخُذُواْ حِذۡرَكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ أَعَدَّ لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا
Kapag ikaw ay nasa kanila [sa labanan] saka namuno ka sa kanila sa pagdarasal, tumayo ang isang pangkatin kabilang sa kanila kasama sa iyo at magdala sila ng mga sandata nila. Kapag nagpatirapa sila, sila ay maging nasa likuran ninyo, pumunta ang isa pang pangkatin na hindi nakapagdasal at magdasal sila kasama sa iyo, at magdala sila ng pag-iingat nila at mga sandata nila. Nag-asam ang mga tumangging sumampalataya na kung sana nalilingat kayo sa mga sandata ninyo at mga dala-dalahan ninyo at susugod sila sa inyo nang nag-iisang pagsugod. Walang maisisisi sa inyo kung mayroon kayong isang kapinsalaan mula sa ulan o kayo ay mga may-sakit, na maglapag kayo ng mga sandata ninyo ngunit magdala kayo ng pag-iingat ninyo. Tunay na si Allāh ay naghanda para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak.
Tefsiret në gjuhën arabe:
فَإِذَا قَضَيۡتُمُ ٱلصَّلَوٰةَ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ قِيَٰمٗا وَقُعُودٗا وَعَلَىٰ جُنُوبِكُمۡۚ فَإِذَا ٱطۡمَأۡنَنتُمۡ فَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَۚ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ كَانَتۡ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ كِتَٰبٗا مَّوۡقُوتٗا
Kaya kapag nagwakas kayo sa pagdarasal ay bumanggit kayo kay Allāh nang nakatayo, o nakaupo, o [nakahiga] sa mga tagiliran ninyo. Kaya kapag napanatag kayo ay magpanatili kayo ng pagdarasal. Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَلَا تَهِنُواْ فِي ٱبۡتِغَآءِ ٱلۡقَوۡمِۖ إِن تَكُونُواْ تَأۡلَمُونَ فَإِنَّهُمۡ يَأۡلَمُونَ كَمَا تَأۡلَمُونَۖ وَتَرۡجُونَ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا يَرۡجُونَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
Huwag kayong panghinaan ng loob sa pagtugis sa mga tao [na kaaway]. Kung kayo ay nasasaktan, tunay na sila ay nasasaktan kung paanong nasasaktan kayo. Nakaasam kayo mula kay Allāh ng hindi sila nakaaasam. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
Tefsiret në gjuhën arabe:
إِنَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ لِتَحۡكُمَ بَيۡنَ ٱلنَّاسِ بِمَآ أَرَىٰكَ ٱللَّهُۚ وَلَا تَكُن لِّلۡخَآئِنِينَ خَصِيمٗا
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan upang humatol ka sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng ipinakita sa iyo ni Allāh. Huwag ka, para sa mga taksil, maging isang kaalitan.
Tefsiret në gjuhën arabe:
 
Përkthimi i kuptimeve Surja: En Nisa
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme - Përmbajtja e përkthimeve

Përkthyer nga ekipi i Qendrës "Ruvad et-Terxheme" në bashkëpunim me Shoqatën për predikim në Rabva dhe Shoqatën për shërbimin e përmbajtjes islame në gjuhë të ndryshme.

Mbyll