Check out the new design

Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Surah: Jaa Sien   Vers:
وَءَايَةٞ لَّهُمۡ أَنَّا حَمَلۡنَا ذُرِّيَّتَهُمۡ فِي ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ
Isang palatandaan para sa kanila sa kaisahan ni Allāh, gayon din, at pagbibiyaya Niya sa mga lingkod Niya na Siya ay nagdala sa mga naligtas sa gunaw kabilang sa mga supling ni Adan sa panahon ni Noe sa arkong pinuno ng mga nilikha Niya sapagkat nagdala Siya sa loob niyon ng magkapares mula sa bawat uri.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَخَلَقۡنَا لَهُم مِّن مِّثۡلِهِۦ مَا يَرۡكَبُونَ
Isang palatandaan para sa kanila sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagbibiyaya Niya sa mga lingkod Niya na Siya ay lumikha na mga sasakyan para sa kanila mula sa tulad ng arko ni Noe.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَإِن نَّشَأۡ نُغۡرِقۡهُمۡ فَلَا صَرِيخَ لَهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنقَذُونَ
Kung sakaling nagnais Kami ng paglunod sa kanila ay nilunod sana Namin sila at walang tagasaklolong sasaklolo sa kanila kung ninais Namin ang paglunod sa kanila at walang tagasagip na sasagip sa kanila kapag nalunod sila ayon sa utos Namin at pagtatadhana Namin,
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّنَّا وَمَتَٰعًا إِلَىٰ حِينٖ
maliban na maawa Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagliligtas sa kanila mula sa pagkalunod at pagpapanumbalik sa kanila upang magtamasa hanggang sa isang taning na tinakdaang hindi nila lalampasan, nang sa gayon sila ay magsasaalang-alang para sumampalataya sila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّقُواْ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيكُمۡ وَمَا خَلۡفَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Kapag sinabi sa mga tagapagtambal na ito na umaayaw sa pananampalataya: "Mag-ingat kayo sa anumang nakahaharap ninyo kabilang sa nauukol sa Kabilang-buhay at mga kasawiang-palad doon at mag-ingat kayo sa Mundong tumatalikod, sa pag-asang magmagandang-loob si Allāh sa inyo ng awa Niya, na hindi naman kayo sumunod doon, bagkus umayaw kayo roon habang hindi mga pumapansin doon."
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَمَا تَأۡتِيهِم مِّنۡ ءَايَةٖ مِّنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِمۡ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ
Sa tuwing dumarating sa mga tagapagtambal na ito na mga nagmamatigas ang mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagiging karapat-dapat Niya sa pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba, sila noon ay mga tagaayaw sa mga iyon, na hindi mga nagsasaalang-alang sa mga iyon.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ أَنفِقُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنُطۡعِمُ مَن لَّوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ أَطۡعَمَهُۥٓ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Kapag sinabi sa mga nagmamatigas na ito: "Umalalay kayo sa mga maralita at mga dukha ng mula sa mga yamang itinustos sa inyo ni Allāh," sumasagot sila habang mga nagmamasamang nagsasabi sa mga sumampalataya: "Magpapakain ba kami sa sinumang kung sakaling loloobin ni Allāh na pakainin ay talaga sanang pinakain Niya? Kami ay hindi sumasalungat sa kalooban Niya. Walang iba kayo, O mga mananampalataya, kundi nasa isang pagkakamaling maliwanag at isang kalayuan buhat sa katotohanan."
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nagsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na tagapagkaila sa pagkabuhay na muli, habang mga nagpapasinungaling dito samantalang mga nagtuturing na imposible ito: "Kailan ang pagkabuhay na muling ito kung kayo, O mga mananampalataya, ay mga tapat sa pahayag ninyo na ito ay magaganap?"
Arabische uitleg van de Qur'an:
مَا يَنظُرُونَ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ تَأۡخُذُهُمۡ وَهُمۡ يَخِصِّمُونَ
Walang hinihintay ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na muli, na mga nagtuturing na imposible ito, kundi ang Unang Pag-ihip, kapag iihip sa tambuli. Bibiglain sila ng hiyaw na ito habang sila ay nasa mga pinagkakaabalahan nilang makamundo gaya ng pagtitinda, pagbili, pagpapainom, pagpapastol, at iba pa sa mga ito kabilang sa mga pinagkakaabalahan sa Mundo.
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ تَوۡصِيَةٗ وَلَآ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمۡ يَرۡجِعُونَ
Kaya hindi sila makakakaya, kapag gugulatin sila ng hiyaw na ito, na magtagubilin sa isa't isa sa kanila at hindi sila makakakaya ng pagbalik sa mga tirahan nila at mga mag-anak nila, bagkus mamamatay sila habang sila ay nasa mga pinagkakaabalahan nilang ito.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَإِذَا هُم مِّنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ يَنسِلُونَ
Iihip sa tambuli sa ikalawang pag-ihip para sa pagkabuhay na muli, kaya biglang sila ay lalabas nang magkakasama mula sa mga libingan nila patungo sa Panginoon nila, na nagmamabilis para sa pagtutuos at pagganti.
Arabische uitleg van de Qur'an:
قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا مَنۢ بَعَثَنَا مِن مَّرۡقَدِنَاۜۗ هَٰذَا مَا وَعَدَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَصَدَقَ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito na mga tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli, habang mga nagsisisi: "O kalugian sa amin! Sino ang bumuhay na muli sa atin mula sa mga libingan natin?" Kaya sasagutin sila sa tanong nila: "Ito ay ang ipinangako ni Allāh, saka tunay na ito ay hindi maiiwasang magaganap. Nagpakatotoo ang mga isinugo sa ipinaabot nila tungkol sa Panginoon nila mula roon."
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِن كَانَتۡ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَإِذَا هُمۡ جَمِيعٞ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ
Walang iba ang usapin ng pagkabuhay na muli mula sa mga libingan kundi isang epekto buhat sa ikalawang pag-ihip sa tambuli, saka biglang ang lahat ng mga nilikha ay padadaluhin sa harap Namin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos.
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَٱلۡيَوۡمَ لَا تُظۡلَمُ نَفۡسٞ شَيۡـٔٗا وَلَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Mangyayari ang paghatol ayon sa katarungan sa Araw na iyon. Kaya hindi kayo lalabagin sa katarungan, O mga lingkod, sa anuman sa pamamagitan ng pagdagdag sa mga masagwang gawa ninyo o pagbawas sa mga magandang gawa ninyo. Tutumbasan lamang kayo ng ganti sa dati ninyong ginagawa sa buhay na pangmundo.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• من أساليب تربية الله لعباده أنه جعل بين أيديهم الآيات التي يستدلون بها على ما ينفعهم في دينهم ودنياهم.
Kabilang sa mga istilo ng pag-eeduka ni Allāh sa mga lingkod Niya na Siya ay naglagay sa harapan nila ng mga tanda na maipampapatunay nila sa magpapakinabang sa kanila sa Relihiyon nila at Mundo nila.

• الله تعالى مكَّن العباد، وأعطاهم من القوة ما يقدرون به على فعل الأمر واجتناب النهي، فإذا تركوا ما أمروا به، كان ذلك اختيارًا منهم.
Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagbigay-kapangyarihan sa mga lingkod at nagbigay sa kanila ng lakas na makakaya nila sa pamamagitan nito ang paggawa sa ipinag-uutos at ang pag-iwas sa sinasaway. Kaya kapag iniwan nila ang ipinag-utos sa kanila, iyon ay magiging isang pagpili mula sa kanila.

 
Vertaling van de betekenissen Surah: Jaa Sien
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran - Index van vertaling

Uitgegeven door het Tafsier Centrum voor Koranstudies.

Sluit