Check out the new design

クルアーンの対訳 - フィリピン(タガログ)語対訳 - ルゥワード翻訳事業センター * - 対訳の目次

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

対訳 章: 預言者たち章   節:

Al-Anbiyā’

ٱقۡتَرَبَ لِلنَّاسِ حِسَابُهُمۡ وَهُمۡ فِي غَفۡلَةٖ مُّعۡرِضُونَ
Napalapit para sa mga tao ang pagtutuos sa kanila habang sila ay nasa isang pagkalingat na mga umaayaw.
アラビア語 クルアーン注釈:
مَا يَأۡتِيهِم مِّن ذِكۡرٖ مِّن رَّبِّهِم مُّحۡدَثٍ إِلَّا ٱسۡتَمَعُوهُ وَهُمۡ يَلۡعَبُونَ
Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala [ng Qur’ān] mula sa Panginoon nila, na bagong ipinababa, malibang nakikinig sila rito habang sila ay naglalaro,
アラビア語 クルアーン注釈:
لَاهِيَةٗ قُلُوبُهُمۡۗ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّجۡوَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ هَلۡ هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡۖ أَفَتَأۡتُونَ ٱلسِّحۡرَ وَأَنتُمۡ تُبۡصِرُونَ
habang nalilibang ang mga puso nila. Naglihim ng pagtatapatan ang mga lumabag sa katarungan: “[Si Muḥammad na] ito kaya ay maliban pa sa isang taong tulad ninyo? Kaya pupunta ba kayo sa panggagaway samantalang kayo ay nakikita?”
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ رَبِّي يَعۡلَمُ ٱلۡقَوۡلَ فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Nagsabi siya: “Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa sinasabi sa langit at lupa at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.”
アラビア語 クルアーン注釈:
بَلۡ قَالُوٓاْ أَضۡغَٰثُ أَحۡلَٰمِۭ بَلِ ٱفۡتَرَىٰهُ بَلۡ هُوَ شَاعِرٞ فَلۡيَأۡتِنَا بِـَٔايَةٖ كَمَآ أُرۡسِلَ ٱلۡأَوَّلُونَ
Bagkus nagsabi sila: “Mga pagkakalahuk-lahok ng maling panaginip [ito]; bagkus ginawa-gawa niya ito; bagkus siya ay isang manunula. Kaya magdala siya sa atin ng isang tanda kung paanong isinugo ang mga sinauna.”
アラビア語 クルアーン注釈:
مَآ ءَامَنَتۡ قَبۡلَهُم مِّن قَرۡيَةٍ أَهۡلَكۡنَٰهَآۖ أَفَهُمۡ يُؤۡمِنُونَ
Hindi sumampalataya bago nila ang isang pamayanan na ipinahamak Namin. Kaya sila ba ay sasampalataya?
アラビア語 クルアーン注釈:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ إِلَّا رِجَالٗا نُّوحِيٓ إِلَيۡهِمۡۖ فَسۡـَٔلُوٓاْ أَهۡلَ ٱلذِّكۡرِ إِن كُنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ
Hindi Kami nagsugo bago mo kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَمَا جَعَلۡنَٰهُمۡ جَسَدٗا لَّا يَأۡكُلُونَ ٱلطَّعَامَ وَمَا كَانُواْ خَٰلِدِينَ
Hindi Kami gumawa sa kanila bilang katawang hindi kumakain ng pagkain at hindi sila naging mga pinanatiling-buhay.
アラビア語 クルアーン注釈:
ثُمَّ صَدَقۡنَٰهُمُ ٱلۡوَعۡدَ فَأَنجَيۡنَٰهُمۡ وَمَن نَّشَآءُ وَأَهۡلَكۡنَا ٱلۡمُسۡرِفِينَ
Pagkatapos tumupad Kami sa kanila ng pangako, saka nagligtas Kami sa kanila at sa sinumang niloob Namin at nagpahamak Kami sa ang mga nagpapakalabis.
アラビア語 クルアーン注釈:
لَقَدۡ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ كِتَٰبٗا فِيهِ ذِكۡرُكُمۡۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Talaga ngang nagpababa Kami sa inyo ng isang Aklat na narito ang pagbanggit[1] sa inyo. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
[1] O paalaala sa inyo
アラビア語 クルアーン注釈:
 
対訳 章: 預言者たち章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - フィリピン(タガログ)語対訳 - ルゥワード翻訳事業センター - 対訳の目次

ルゥワード翻訳事業センターとラブワ招待協会およびイスラームコンテンツサービス協会の共訳

閉じる