Check out the new design

クルアーンの対訳 - フィリピン(タガログ)語対訳 - ルゥワード翻訳事業センター * - 対訳の目次

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

対訳 章: 洞窟章   節:
فَلَمَّا جَاوَزَا قَالَ لِفَتَىٰهُ ءَاتِنَا غَدَآءَنَا لَقَدۡ لَقِينَا مِن سَفَرِنَا هَٰذَا نَصَبٗا
Kaya noong lumampas silang dalawa ay nagsabi si Moises sa alila niya [na si Josue]: “Dalhin mo sa atin ang agahan natin. Talaga ngang dumanas tayo mula sa paglalakbay nating ito ng isang pagkapagal.”
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ أَرَءَيۡتَ إِذۡ أَوَيۡنَآ إِلَى ٱلصَّخۡرَةِ فَإِنِّي نَسِيتُ ٱلۡحُوتَ وَمَآ أَنسَىٰنِيهُ إِلَّا ٱلشَّيۡطَٰنُ أَنۡ أَذۡكُرَهُۥۚ وَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِي ٱلۡبَحۡرِ عَجَبٗا
Nagsabi [si Josue]: “Nakita mo ba noong kumanlong tayo sa bato sapagkat tunay na ako ay nakalimot sa isda [doon]? Walang nagpalimot sa akin niyon kundi ang demonyo, na bumanggit sana ako niyon. Gumawa iyon ng landas niyon sa dagat nang kataka-taka.”
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ ذَٰلِكَ مَا كُنَّا نَبۡغِۚ فَٱرۡتَدَّا عَلَىٰٓ ءَاثَارِهِمَا قَصَصٗا
Nagsabi [si Moises]: “Iyon ay ang dati na nating hinahangad.” Kaya bumalik silang dalawa sa mga bakas nilang dalawa sa pagtunton.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَوَجَدَا عَبۡدٗا مِّنۡ عِبَادِنَآ ءَاتَيۡنَٰهُ رَحۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَا وَعَلَّمۡنَٰهُ مِن لَّدُنَّا عِلۡمٗا
Kaya nakatagpo silang dalawa ng isang lingkod [na si Khiḍr] kabilang sa mga lingkod Namin, na nagbigay Kami rito ng awa mula sa ganang Amin at nagturo Kami rito, mula sa nasa Amin, ng kaalaman.
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰ هَلۡ أَتَّبِعُكَ عَلَىٰٓ أَن تُعَلِّمَنِ مِمَّا عُلِّمۡتَ رُشۡدٗا
Nagsabi [kay Khiḍr si Moises]: “Susunod kaya ako sa iyo para magturo ka sa akin mula sa itinuro sa iyo bilang gabay?”
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا
Nagsabi [si Khiḍr]: “Tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَكَيۡفَ تَصۡبِرُ عَلَىٰ مَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ خُبۡرٗا
Papaano kang magtitiis sa hindi ka nakapaligid doon sa kabatiran?”
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ صَابِرٗا وَلَآ أَعۡصِي لَكَ أَمۡرٗا
Nagsabi [si Moises]: “Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na isang magtitiis at hindi ako susuway sa iyo ng isang utos.”
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ فَإِنِ ٱتَّبَعۡتَنِي فَلَا تَسۡـَٔلۡنِي عَن شَيۡءٍ حَتَّىٰٓ أُحۡدِثَ لَكَ مِنۡهُ ذِكۡرٗا
Nagsabi [si Khiḍr]: “Kaya kung susunod ka sa akin ay huwag kang magtanong sa akin tungkol sa isang bagay hanggang sa magpasimula ako para sa iyo mula rito ng isang pagbanggit.”
アラビア語 クルアーン注釈:
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا رَكِبَا فِي ٱلسَّفِينَةِ خَرَقَهَاۖ قَالَ أَخَرَقۡتَهَا لِتُغۡرِقَ أَهۡلَهَا لَقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـًٔا إِمۡرٗا
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasakay silang dalawa sa daong ay binutas niyon ito. Nagsabi si Moises: “Binutas mo ba ito upang lumunod ka sa may-ari nito? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na minamasama.”
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ أَلَمۡ أَقُلۡ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا
Nagsabi [si Khiḍr]: “Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa pagtitiis sa akin?”
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ لَا تُؤَاخِذۡنِي بِمَا نَسِيتُ وَلَا تُرۡهِقۡنِي مِنۡ أَمۡرِي عُسۡرٗا
Nagsabi [si Moises]: “Huwag kang magpanagot sa akin sa nakalimutan ko at huwag kang magpabigat sa akin sa nauukol sa akin ng isang pahirap.”
アラビア語 クルアーン注釈:
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا لَقِيَا غُلَٰمٗا فَقَتَلَهُۥ قَالَ أَقَتَلۡتَ نَفۡسٗا زَكِيَّةَۢ بِغَيۡرِ نَفۡسٖ لَّقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـٔٗا نُّكۡرٗا
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasalubong silang dalawa ng isang batang lalaki ay pinatay niya iyon. Nagsabi [si Moises]: “Pumatay ka ba ng isang kaluluwang busilak nang hindi dahil [sa pagpatay nito] sa isang kaluluwa? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na pagkasama-sama.”
アラビア語 クルアーン注釈:
 
対訳 章: 洞窟章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - フィリピン(タガログ)語対訳 - ルゥワード翻訳事業センター - 対訳の目次

ルゥワード翻訳事業センターとラブワ招待協会およびイスラームコンテンツサービス協会の共訳

閉じる