Check out the new design

クルアーンの対訳 - フィリピン(タガログ)語対訳 - ルゥワード翻訳事業センター * - 対訳の目次

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

対訳 章: フード章   節:
وَيَٰقَوۡمِ لَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مَالًاۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِۚ وَمَآ أَنَا۠ بِطَارِدِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْۚ إِنَّهُم مُّلَٰقُواْ رَبِّهِمۡ وَلَٰكِنِّيٓ أَرَىٰكُمۡ قَوۡمٗا تَجۡهَلُونَ
O mga tao ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang yaman; walang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Ako ay hindi magtataboy sa mga sumampalataya. Tunay na sila ay makikipagkita sa Panginoon nila, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَيَٰقَوۡمِ مَن يَنصُرُنِي مِنَ ٱللَّهِ إِن طَرَدتُّهُمۡۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
O mga tao ko, sino ang mag-aadya sa akin laban kay Allāh kung nagtaboy ako sa kanila? Kaya hindi ba kayo nagsasaalaala?
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَآ أَقُولُ لَكُمۡ عِندِي خَزَآئِنُ ٱللَّهِ وَلَآ أَعۡلَمُ ٱلۡغَيۡبَ وَلَآ أَقُولُ إِنِّي مَلَكٞ وَلَآ أَقُولُ لِلَّذِينَ تَزۡدَرِيٓ أَعۡيُنُكُمۡ لَن يُؤۡتِيَهُمُ ٱللَّهُ خَيۡرًاۖ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا فِيٓ أَنفُسِهِمۡ إِنِّيٓ إِذٗا لَّمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa nakalingid. Hindi ako nagsasabi na tunay na ako ay isang anghel. Hindi ako nagsasabi sa mga hinahamak ng mga mata ninyo na hindi magbibigay sa kanila si Allāh ng isang mabuti. Si Allāh ay higit na maalam sa nasa mga sarili nila. Tunay na ako samakatuwid ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan [kung magsasabi ng gayon].”
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالُواْ يَٰنُوحُ قَدۡ جَٰدَلۡتَنَا فَأَكۡثَرۡتَ جِدَٰلَنَا فَأۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Nagsabi sila: “O Noe, nakipagtalo ka na sa amin saka nagpadalas ka sa pakikipagtalo sa amin kaya magdala ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga tapat.”
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالَ إِنَّمَا يَأۡتِيكُم بِهِ ٱللَّهُ إِن شَآءَ وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ
Nagsabi siya: “Magdadala lamang sa inyo nito si Allāh kung niloob Niya, at kayo ay hindi mga makalulusot.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَا يَنفَعُكُمۡ نُصۡحِيٓ إِنۡ أَرَدتُّ أَنۡ أَنصَحَ لَكُمۡ إِن كَانَ ٱللَّهُ يُرِيدُ أَن يُغۡوِيَكُمۡۚ هُوَ رَبُّكُمۡ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagpapayo ko – kung nagnais ako na magpayo sa inyo – kung nangyaring si Allāh ay nagnanais na magpalisya sa inyo. Siya ay ang Panginoon ninyo, at tungo sa Kanya pababalikin kayo.”
アラビア語 クルアーン注釈:
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ إِنِ ٱفۡتَرَيۡتُهُۥ فَعَلَيَّ إِجۡرَامِي وَأَنَا۠ بَرِيٓءٞ مِّمَّا تُجۡرِمُونَ
O nagsasabi sila na gumawa-gawa siya nito? Sabihin mo: “Kung gumawa-gawa ako nito[8] ay sa akin ang pagpapakasalarin ko at ako ay walang-kaugnayan sa anumang pagpapakasalarin ninyo.”
[8] Ibig sabihin: ng Qur’an.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَأُوحِيَ إِلَىٰ نُوحٍ أَنَّهُۥ لَن يُؤۡمِنَ مِن قَوۡمِكَ إِلَّا مَن قَدۡ ءَامَنَ فَلَا تَبۡتَئِسۡ بِمَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ
Ikinasi kay Noe: “Hindi sasampalataya kabilang sa mga tao mo kundi ang sinumang sumampalataya na, kaya huwag kang mahapis sa anumang dati nilang ginagawa.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَٱصۡنَعِ ٱلۡفُلۡكَ بِأَعۡيُنِنَا وَوَحۡيِنَا وَلَا تُخَٰطِبۡنِي فِي ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ إِنَّهُم مُّغۡرَقُونَ
Yumari ka ng daong sa pamamagitan ng mga mata Namin at pagkasi Namin. Huwag kang makipag-usap sa Akin hinggil sa mga lumabag sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya]; tunay na sila ay mga malulunod.”
アラビア語 クルアーン注釈:
 
対訳 章: フード章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - フィリピン(タガログ)語対訳 - ルゥワード翻訳事業センター - 対訳の目次

ルゥワード翻訳事業センターとラブワ招待協会およびイスラームコンテンツサービス協会の共訳

閉じる