Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran * - Index des traductions


Traduction des sens Sawrah: As Shams   Verset:

Ash-Shams

Parmi les objectifs de la sourate:
التأكيد بأطول قسم في القرآن، على تعظيم تزكية النفس بالطاعات، وخسارة دسّها بالمعاصي.
Ang pagbibigay-diin sa pamamagitan ng pinakamahabang panunumpa sa Qur'an sa pagdakila sa pagpapalinis ng kaluluwa sa pamamagitan ng mga pagtalima at kalugihan sa pagpaparumi nito sa pamamagitan ng mga pagsuway.

وَٱلشَّمۡسِ وَضُحَىٰهَا
Sumumpa si Allāh sa araw at sumumpa Siya sa oras ng pag-angat nito matapos ng pagsikat nito sa silangan nito.
Les Exégèses en arabe:
وَٱلۡقَمَرِ إِذَا تَلَىٰهَا
Sumumpa Siya sa buwan kapag sumunod ito sa bakas niyon matapos ng paglubog niyon.
Les Exégèses en arabe:
وَٱلنَّهَارِ إِذَا جَلَّىٰهَا
Sumumpa Siya sa maghapon kapag naglantad ito ng nasa balat ng lupa dahil sa tanglaw niyon.
Les Exégèses en arabe:
وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰهَا
Sumumpa Siya sa gabi kapag bumalot ito sa balat ng lupa para iyon ay naging madilim.
Les Exégèses en arabe:
وَٱلسَّمَآءِ وَمَا بَنَىٰهَا
Sumumpa Siya sa langit at sumumpa Siya sa pinahusay na pagpapatayo nito.
Les Exégèses en arabe:
وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا طَحَىٰهَا
Sumumpa Siya sa lupa at sumumpa Siya sa paglatag nito upang manirahan ang mga tao sa ibabaw nito.
Les Exégèses en arabe:
وَنَفۡسٖ وَمَا سَوَّىٰهَا
Sumumpa si Allāh sa bawat kaluluwa at sumumpa Siya sa pagkakalikha Niya rito na nahubog.
Les Exégèses en arabe:
فَأَلۡهَمَهَا فُجُورَهَا وَتَقۡوَىٰهَا
Saka nagpatalos Siya rito nang walang pagtuturo kung ano ang kasamaan upang umiwas roon at kung ano ang kabutihan upang gumawa niyon.
Les Exégèses en arabe:
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن زَكَّىٰهَا
Nagtamo nga ng hinihiling niya ang sinumang nagdalisay ng sarili niya sa pamamagitan ng paggagayak dito ng mga mabuting asal at ng paghuhubad dito ng mga masamang asal.
Les Exégèses en arabe:
وَقَدۡ خَابَ مَن دَسَّىٰهَا
Nalugi nga ang sinumang naglibing ng sarili nito habang nagkukubli nito sa mga pagsuway at mga kasalanan.
Les Exégèses en arabe:
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِطَغۡوَىٰهَآ
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa propeta nitong si Ṣāliḥ dahilan sa paglampas nito sa hangganan sa paggawa ng mga pagsuway at paggawa ng mga kasalanan
Les Exégèses en arabe:
إِذِ ٱنۢبَعَثَ أَشۡقَىٰهَا
nang tumindig ang pinakamalumbay nito matapos ng pagpapakatawan ng mga kalipi niya sa kanya.
Les Exégèses en arabe:
فَقَالَ لَهُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ نَاقَةَ ٱللَّهِ وَسُقۡيَٰهَا
Kaya nagsabi sa kanila ang sugo ni Allāh na si Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Hayaan ninyo ang dumalagang kamelyo ni Allāh at ang pag-inom nito sa araw nito kaya huwag kayong makialam dito nang may kasagwaan."
Les Exégèses en arabe:
فَكَذَّبُوهُ فَعَقَرُوهَا فَدَمۡدَمَ عَلَيۡهِمۡ رَبُّهُم بِذَنۢبِهِمۡ فَسَوَّىٰهَا
Ngunit nagpasinungaling sila sa sugo nila sa pumapatungkol sa dumalagang kamelyo saka pinatay ito ng pinakamalumbay sa kanila kalakip ng pagkalugod nila sa ginawa nito kaya sila ay naging mga katambal sa kasalanan. Kaya nagtaklob si Allāh sa kanila ng parusa Niya saka nagpahamak Siya sa kanila sa pamamagitan ng hiyaw dahilan sa mga pagkakasala nila. Pinagpantay-pantay Niya sila sa kaparusahan na ipinampahamak Niya sa kanila.
Les Exégèses en arabe:
وَلَا يَخَافُ عُقۡبَٰهَا
Gumawa si Allāh sa kanila ng parusa na nagpahamak sa kanila nang hindi nangangamba – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga kahihinatnan nito.
Les Exégèses en arabe:
Parmi les points profitables à tirer des versets de cette page:
• أهمية تزكية النفس وتطهيرها.
Ang kahalagahan ng paglilinis ng kaluluwa at pagdadalisay nito.

• المتعاونون على المعصية شركاء في الإثم.
Ang mga nagtutulungan sa pagsuway ay magkakatambal sa kasalanan.

• الذنوب سبب للعقوبات الدنيوية.
Ang mga pagkakasala ay kadahilanan para sa mga kaparusahang pangmundo.

• كلٌّ ميسر لما خلق له فمنهم مطيع ومنهم عاصٍ.
Ang bawat isa ay pinadali para sa nilikha para sa kanya kaya kabilang sa kanila ay tagatalima at kabilang din sa kanila ay tagasuway.

 
Traduction des sens Sawrah: As Shams
Index des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran - Index des traductions

Émanant du Centre d'Exégèse pour les Études Coraniques.

Fermer