Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (82) Sourate: Al Kahf
وَأَمَّا ٱلۡجِدَارُ فَكَانَ لِغُلَٰمَيۡنِ يَتِيمَيۡنِ فِي ٱلۡمَدِينَةِ وَكَانَ تَحۡتَهُۥ كَنزٞ لَّهُمَا وَكَانَ أَبُوهُمَا صَٰلِحٗا فَأَرَادَ رَبُّكَ أَن يَبۡلُغَآ أَشُدَّهُمَا وَيَسۡتَخۡرِجَا كَنزَهُمَا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۚ وَمَا فَعَلۡتُهُۥ عَنۡ أَمۡرِيۚ ذَٰلِكَ تَأۡوِيلُ مَا لَمۡ تَسۡطِع عَّلَيۡهِ صَبۡرٗا
Tungkol sa bakod na inayos ko at minasama mo sa akin ang pag-ayos niyon, iyon ay pag-aari ng dalawang munting batang lalaki sa lungsod na pinuntahan natin, na namatay na ang ama nilang dalawa. Sa ilalim ng bakod ay may kayamanang nakalibing para sa kanilang dalawa. Ang ama ng dalawang batang ito noon ay maayos. Kaya nagnais ang Panginoon mo, O Moises, na tumuntong silang dalawa sa gulang ng kasapatang isip, na lumaki silang dalawa, at magpalabas silang dalawa ng kayamanan nilang dalawang nakalibing sa ilalim niyon, yayamang kung sakaling bumagsak ang bakod sa sandaling iyon ay talagang malalantad ang kayamanan nilang dalawa at sasailalim sa pagkawala. Ang pakanang ito ay isang awa mula sa Panginoon mo sa kanilang dalawa. Ang anumang ginawa ko mula sa pagpupunyagi ko, iyon ang paliwanag sa hindi mo kinaya ang pagtitiis doon."
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• وجوب التأني والتثبت وعدم المبادرة إلى الحكم على الشيء.
Ang pagkatungkulin ng paghihinay-hinay, pagpapakatiyak, at hindi pagmamadali sa paghatol sa anuman.

• أن الأمور تجري أحكامها على ظاهرها، وتُعَلق بها الأحكام الدنيوية في الأموال والدماء وغيرها.
Na ang mga bagay ay umaalinsunod ang mga kahatulan sa mga ito ayon sa panlabas ng mga ito at isinasalalay sa mga ito ang mga kahatulang pangmundo kaugnay sa mga yaman, mga buhay, at iba pa.

• يُدْفَع الشر الكبير بارتكاب الشر الصغير، ويُرَاعَى أكبر المصلحتين بتفويت أدناهما.
Naitutulak ang kasamaang malaki sa pamamagitan ng paggawa ng kasamaang maliit at isinasaalang-alang ang higit na malaki sa dalawang kapakanan sa pamamagitan ng pagwawalang-bahala sa pinakamaliit sa dalawang ito.

• ينبغي للصاحب ألا يفارق صاحبه ويترك صحبته حتى يُعْتِبَه ويُعْذِر منه.
Nararapat para sa kasamahan na huwag makipaghiwalay sa kasamahan niya at tumigil sa pagsama rito upang mapalugod ito [matapos pagsabihan] at mapagpaumanhinan ito.

• استعمال الأدب مع الله تعالى في الألفاظ بنسبة الخير إليه وعدم نسبة الشر إليه .
Ang paggamit ng kaasalan kay Allāh – Napakataas Siya – sa mga pananalita sa pamamagitan ng pag-uugnay ng kabutihan sa Kanya at hindi pag-uugnay ng kasamaan sa Kanya.

• أن العبد الصالح يحفظه الله في نفسه وفي ذريته.
Na ang taong maayos ay iniingatan ni Allāh sa sarili niya at sa supling niya.

 
Traduction des sens Verset: (82) Sourate: Al Kahf
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran - Lexique des traductions

Émanant du Centre d'Exégèse pour les Études Coraniques.

Fermeture