Check out the new design

Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Capítulo: An-Naba   Versículo:
إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ مَفَازًا
Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay isang pook ng pagtatamo na magtatamo sila roon ng hinihiling nila, ang Paraiso.
Las Exégesis Árabes:
حَدَآئِقَ وَأَعۡنَٰبٗا
ng mga pataniman at mga ubasan,
Las Exégesis Árabes:
وَكَوَاعِبَ أَتۡرَابٗا
ng mga dalagang mabibilog ang dibdib, na mga magkakapantay ang gulang,
Las Exégesis Árabes:
وَكَأۡسٗا دِهَاقٗا
at ng kopa ng alak na puno.
Las Exégesis Árabes:
لَّا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوٗا وَلَا كِذَّٰبٗا
Hindi sila makaririnig sa Paraiso ng isang pananalitang bulaan, hindi sila makaririnig ng isang kasinungalingan, at hindi magsisinungaling ang isa't isa sa kanila.
Las Exégesis Árabes:
جَزَآءٗ مِّن رَّبِّكَ عَطَآءً حِسَابٗا
Lahat ng iyon ay kabilang sa ipagkakaloob ni Allāh sa kanila bilang isang kagandahang-loob at isang bigay mula sa Kanya na makasasapat.
Las Exégesis Árabes:
رَّبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا ٱلرَّحۡمَٰنِۖ لَا يَمۡلِكُونَ مِنۡهُ خِطَابٗا
[mula sa] Panginoon ng mga langit at lupa at Panginoon ng anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Napakamaawain ng Mundo at Kabilang-buhay. Hindi nakapangyayari ang lahat ng nasa lupa o langit na humiling sa Kanya maliban kapag nagpahintulot Siya sa kanila.
Las Exégesis Árabes:
يَوۡمَ يَقُومُ ٱلرُّوحُ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ صَفّٗاۖ لَّا يَتَكَلَّمُونَ إِلَّا مَنۡ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَقَالَ صَوَابٗا
Sa Araw na tatayo si Anghel Gabriel at ang mga anghel nang magkakahanay, hindi sila magsasalita hinggil sa pamamagitan sa isa man maliban sa sinumang nagpahintulot doon ang Napakamaawain na mamagitan iyon, at magsasabi iyon ng tama gaya ng Adhikain ng Tawḥīd.
Las Exégesis Árabes:
ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلۡحَقُّۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ مَـَٔابًا
Ang inilarawang iyon sa inyo ay ang Araw na walang pag-aalinlangan na iyon ay magaganap. Kaya ang sinumang nagnais ng kaligtasan doon mula sa pagdurusang dulot ni Allāh ay gumawa siya ng isang landas tungo doon kabilang sa mga gawaing maayos na nagpapalugod sa Panginoon niya.
Las Exégesis Árabes:
إِنَّآ أَنذَرۡنَٰكُمۡ عَذَابٗا قَرِيبٗا يَوۡمَ يَنظُرُ ٱلۡمَرۡءُ مَا قَدَّمَتۡ يَدَاهُ وَيَقُولُ ٱلۡكَافِرُ يَٰلَيۡتَنِي كُنتُ تُرَٰبَۢا
Tunay na Kami ay nagbabala sa inyo, O mga tao, ng isang pagdurusang malapit mangyayari, sa Araw na titingin ang tao sa anumang ipinauna niya na gawain sa Mundo at magsasabi ang tagatangging sumampalataya habang nagmimithi ng pagkaalpas mula sa pagdurusa: "O kung sana ako ay naging alabok tulad ng mga hayop kapag sinabi sasabihin sa mga ito sa Araw ng Pagbangon: Maging alabok kayo!"
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• التقوى سبب دخول الجنة.
Ang pangingilag magkasala ay isang kadahilanan sa pagpasok sa Paraiso.

• تذكر أهوال القيامة دافع للعمل الصالح.
Ang pagsasaalaala sa mga hilakbot ng Pagbangon [ng mga patay] ay nagtutulak sa gawaing maayos.

• قبض روح الكافر بشدّة وعنف، وقبض روح المؤمن برفق ولين.
Ang pagkuha sa kaluluwa ng tagatangging sumampalataya ay may katindihan at karahasan at ang pagkuha sa kaluluwa ng mananampalataya ay may kabaitan at kabanayaran.

 
Traducción de significados Capítulo: An-Naba
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Emitido por el Centro Tafsir de Estudios Coránicos.

Cerrar