Check out the new design

Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Versículo: (183) Capítulo: Al-‘Imrán
ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ عَهِدَ إِلَيۡنَآ أَلَّا نُؤۡمِنَ لِرَسُولٍ حَتَّىٰ يَأۡتِيَنَا بِقُرۡبَانٖ تَأۡكُلُهُ ٱلنَّارُۗ قُلۡ قَدۡ جَآءَكُمۡ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِي بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَبِٱلَّذِي قُلۡتُمۡ فَلِمَ قَتَلۡتُمُوهُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Sila ang mga nagsabi bilang kasinungalingan at pagagawa-gawa: "Tunay na si Allāh ay nagtagubilin sa amin sa mga kasulatan Niya at sa pamamagitan ng mga dila ng mga propeta Niya na hindi kami maniwala sa isang sugo hanggang sa magdala ito sa amin ng nagpapatotoo sa sabi nito. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-aalay kay Allāh ng isang handog na susunugin ng apoy na bababa mula sa langit." Kaya nagsinungaling sila laban kay Allāh sa pag-uugnay ng habilin sa Kanya at sa paglilimita sa mga patunay ng katapatan ng mga sugo sa binanggit nila. Dahil dito, nag-utos si Allāh sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na magsabi sa kanila: "May naghatid na sa inyo na mga sugo bago ko pa ng mga maliwanag na patunay sa katapatan nila at ng binanggit ninyo na alay na susunugin ng apoy mula sa langit, ngunit bakit nagpasinungaling kayo sa kanila at pumatay kayo sa kanila kung kayo ay mga tapat sa sinasabi ninyo?"
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• من سوء فعال اليهود وقبيح أخلاقهم اعتداؤهم على أنبياء الله بالتكذيب والقتل.
Kabilang sa kasagwaan ng mga gawain ng mga Hudyo at pangit sa mga kaasalan nila ay ang pangangaway nila sa mga propeta ni Allāh sa pamamagitan ng pagpapasinungaling sa kanila at pagpatay.

• كل فوز في الدنيا فهو ناقص، وإنما الفوز التام في الآخرة، بالنجاة من النار ودخول الجنة.
Ang bawat pagtamo sa Mundo ay kulang. Ang lubos na pagtamo ay sa Kabilang-buhay lamang sa pamamagitan ng pagkakaligtas sa Apoy at pagpasok sa Paraiso.

• من أنواع الابتلاء الأذى الذي ينال المؤمنين في دينهم وأنفسهم من قِبَل أهل الكتاب والمشركين، والواجب حينئذ الصبر وتقوى الله تعالى.
Kabilang sa mga uri ng pagsubok na sumasapit sa mga mananampalataya sa relihiyon nila at sa mga sarili nila ay mula sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal. Ang kinakailangan sa sandaling iyon ay ang pagtitiis at ang pangingilag sa pagkakasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

 
Traducción de significados Versículo: (183) Capítulo: Al-‘Imrán
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Emitido por el Centro Tafsir de Estudios Coránicos.

Cerrar