Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Index of Translations

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the Meanings Surah: Al-An‘ām   Verse:
فَقُطِعَ دَابِرُ ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْۚ وَٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya pinutol ang kahuli-hulihan sa mga taong lumabag sa katarungan. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Arabic Tafsirs:
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَخَذَ ٱللَّهُ سَمۡعَكُمۡ وَأَبۡصَٰرَكُمۡ وَخَتَمَ عَلَىٰ قُلُوبِكُم مَّنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِهِۗ ٱنظُرۡ كَيۡفَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ ثُمَّ هُمۡ يَصۡدِفُونَ
Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung kumuha si Allāh sa pandinig ninyo at mga paningin ninyo at nagpinid Siya sa mga puso ninyo, sinong diyos na iba pa kay Allāh ang magdudulot sa inyo nito?” Tumingin ka kung papaano Kaming nagsasarisari ng mga tanda, pagkatapos sila ay lumilihis.
Arabic Tafsirs:
قُلۡ أَرَءَيۡتَكُمۡ إِنۡ أَتَىٰكُمۡ عَذَابُ ٱللَّهِ بَغۡتَةً أَوۡ جَهۡرَةً هَلۡ يُهۡلَكُ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Sabihin mo: “Naisaalang-alang ba sa inyo kung pumunta sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh nang biglaan o lantaran? [May] ipinahahamak pa kaya kundi ang mga taong tagalabag sa katarungan?”
Arabic Tafsirs:
وَمَا نُرۡسِلُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَۖ فَمَنۡ ءَامَنَ وَأَصۡلَحَ فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Kaya ang sinumang sumampalataya at nagsaayos ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
Arabic Tafsirs:
وَٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَمَسُّهُمُ ٱلۡعَذَابُ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ
Ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay sasaling sa kanila ang pagdurusa dahil sa dati silang nagpapakasuwail.
Arabic Tafsirs:
قُل لَّآ أَقُولُ لَكُمۡ عِندِي خَزَآئِنُ ٱللَّهِ وَلَآ أَعۡلَمُ ٱلۡغَيۡبَ وَلَآ أَقُولُ لَكُمۡ إِنِّي مَلَكٌۖ إِنۡ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّۚ قُلۡ هَلۡ يَسۡتَوِي ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِيرُۚ أَفَلَا تَتَفَكَّرُونَ
Sabihin mo: “Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa nakalingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin.” Sabihin mo: “Nagkakapantay kaya ang bulag at ang nakakikita? Hindi ba kayo nag-iisip-isip?”
Arabic Tafsirs:
وَأَنذِرۡ بِهِ ٱلَّذِينَ يَخَافُونَ أَن يُحۡشَرُوٓاْ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ لَيۡسَ لَهُم مِّن دُونِهِۦ وَلِيّٞ وَلَا شَفِيعٞ لَّعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ
Magbabala ka nito sa mga nangangamba na kalapin sila tungo sa Panginoon nila – walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan – nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala.
Arabic Tafsirs:
وَلَا تَطۡرُدِ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ رَبَّهُم بِٱلۡغَدَوٰةِ وَٱلۡعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجۡهَهُۥۖ مَا عَلَيۡكَ مِنۡ حِسَابِهِم مِّن شَيۡءٖ وَمَا مِنۡ حِسَابِكَ عَلَيۡهِم مِّن شَيۡءٖ فَتَطۡرُدَهُمۡ فَتَكُونَ مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Huwag kang magtaboy sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at dapit-hapon, na nagnanais [ng ikalulugod] ng mukha Niya. Walang kailangan sa iyo na pagtutuos sa kanila sa anuman at walang pagtutuos sa iyo na kailangan sa kanila sa anuman, para magtaboy ka sa kanila para ikaw ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.
Arabic Tafsirs:
 
Translation of the Meanings Surah: Al-An‘ām
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Index of Translations

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

Close