Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Index of Translations

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the Meanings Surah: Al-Mā’idah   Verse:
قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّا لَن نَّدۡخُلَهَآ أَبَدٗا مَّا دَامُواْ فِيهَا فَٱذۡهَبۡ أَنتَ وَرَبُّكَ فَقَٰتِلَآ إِنَّا هَٰهُنَا قَٰعِدُونَ
Nagsabi sila: “O Moises, tunay na kami ay hindi papasok doon magpakailanman hanggat namamalagi sila roon. Kaya pumunta ka at ang Panginoon mo at makipaglaban kayong dalawa; tunay na kami rito ay mga uupo.”
Arabic Tafsirs:
قَالَ رَبِّ إِنِّي لَآ أَمۡلِكُ إِلَّا نَفۡسِي وَأَخِيۖ فَٱفۡرُقۡ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Nagsabi siya:[13] “Panginoon ko, tunay na ako ay hindi nakapangyayari maliban sa sarili ko at kapatid ko, kaya magpahiwalay Ka sa pagitan namin at ng mga taong suwail.”
[13] Ibig sabihin: si Moises.
Arabic Tafsirs:
قَالَ فَإِنَّهَا مُحَرَّمَةٌ عَلَيۡهِمۡۛ أَرۡبَعِينَ سَنَةٗۛ يَتِيهُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ فَلَا تَأۡسَ عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Nagsabi Siya:[14] “Kaya tunay na iyon ay ipagbabawal sa kanila nang apatnapung taon habang nagpapagala-gala sa lupa. Kaya huwag kang magdalamhati sa mga taong suwail.”
[14] Ibig sabihin: si Allāh.
Arabic Tafsirs:
۞ وَٱتۡلُ عَلَيۡهِمۡ نَبَأَ ٱبۡنَيۡ ءَادَمَ بِٱلۡحَقِّ إِذۡ قَرَّبَا قُرۡبَانٗا فَتُقُبِّلَ مِنۡ أَحَدِهِمَا وَلَمۡ يُتَقَبَّلۡ مِنَ ٱلۡأٓخَرِ قَالَ لَأَقۡتُلَنَّكَۖ قَالَ إِنَّمَا يَتَقَبَّلُ ٱللَّهُ مِنَ ٱلۡمُتَّقِينَ
Bumigkas ka sa kanila ng balita ng dalawang anak ni Adan ayon sa katotohanan noong naghandog silang dalawa ng handog saka tinanggap mula sa isa sa kanila[15] at hindi naman tinanggap mula sa iba.[16] Nagsabi [si Cain]: “Talagang papatayin nga kita.” Nagsabi naman [si Abel]: “Tumatanggap lamang si Allāh mula sa mga tagapangilag magkasala.
[15] Ibig sabihin: kay Abel.
[16] Ibig sabihin: kay Cain.
Arabic Tafsirs:
لَئِنۢ بَسَطتَ إِلَيَّ يَدَكَ لِتَقۡتُلَنِي مَآ أَنَا۠ بِبَاسِطٖ يَدِيَ إِلَيۡكَ لِأَقۡتُلَكَۖ إِنِّيٓ أَخَافُ ٱللَّهَ رَبَّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Talagang kung nag-abot ka sa akin ng kamay mo upang pumatay sa akin, ako ay hindi mag-aabot ng kamay ko sa iyo upang pumatay sa iyo. Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh, na Panginoon ng mga nilalang.
Arabic Tafsirs:
إِنِّيٓ أُرِيدُ أَن تَبُوٓأَ بِإِثۡمِي وَإِثۡمِكَ فَتَكُونَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلنَّارِۚ وَذَٰلِكَ جَزَٰٓؤُاْ ٱلظَّٰلِمِينَ
Tunay na ako ay nagnanais na bumalik ka kalakip ng kasalanan ko at kasalanan mo para ikaw ay maging kabilang sa mga maninirahan sa Apoy. Iyon ay ganti sa mga tagalabag sa katarungan.”
Arabic Tafsirs:
فَطَوَّعَتۡ لَهُۥ نَفۡسُهُۥ قَتۡلَ أَخِيهِ فَقَتَلَهُۥ فَأَصۡبَحَ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Nagpatalima sa kanya ang sarili niya ng pagpatay sa kapatid niya kaya pinatay niya ito saka siya ay naging kabilang siya sa mga lugi.
Arabic Tafsirs:
فَبَعَثَ ٱللَّهُ غُرَابٗا يَبۡحَثُ فِي ٱلۡأَرۡضِ لِيُرِيَهُۥ كَيۡفَ يُوَٰرِي سَوۡءَةَ أَخِيهِۚ قَالَ يَٰوَيۡلَتَىٰٓ أَعَجَزۡتُ أَنۡ أَكُونَ مِثۡلَ هَٰذَا ٱلۡغُرَابِ فَأُوَٰرِيَ سَوۡءَةَ أَخِيۖ فَأَصۡبَحَ مِنَ ٱلنَّٰدِمِينَ
Kaya nagpadala si Allāh ng isang uwak na kakahig sa lupa upang magpakita ito sa kanya kung papaanong magkukubli ng bangkay[17] ng kapatid niya. Nagsabi siya: “O kapighatian sa akin, pinanghinaan ako na maging tulad ng uwak na ito para magkubli ako ng bangkay ng kapatid ko.” Kaya siya ay naging kabilang sa mga nagsisisi.
[17] O kahihiyan.
Arabic Tafsirs:
 
Translation of the Meanings Surah: Al-Mā’idah
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Index of Translations

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

Close