Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Index of Translations

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the Meanings Surah: Fussilat   Verse:
فَقَضَىٰهُنَّ سَبۡعَ سَمَٰوَاتٖ فِي يَوۡمَيۡنِ وَأَوۡحَىٰ فِي كُلِّ سَمَآءٍ أَمۡرَهَاۚ وَزَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِمَصَٰبِيحَ وَحِفۡظٗاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
Saka tumapos Siya sa mga ito bilang pitong langit sa dalawang araw at nagkasi Siya sa bawat langit ng utos dito. Gumayak Kami sa langit na pinakamababa ng mga lampara at [nagtalaga sa mga ito] bilang pangangalaga [laban sa mga demonyo]. Iyon ay ang pagtatakda [ni Allāh], ang Makapangyarihan, ang Maalam.
Arabic Tafsirs:
فَإِنۡ أَعۡرَضُواْ فَقُلۡ أَنذَرۡتُكُمۡ صَٰعِقَةٗ مِّثۡلَ صَٰعِقَةِ عَادٖ وَثَمُودَ
Kaya kung umayaw sila ay sabihin mo: “Nagbabala ako sa inyo ng isang lintik tulad ng lintik [na bumagsak] sa `Ād at Thamūd.
Arabic Tafsirs:
إِذۡ جَآءَتۡهُمُ ٱلرُّسُلُ مِنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَۖ قَالُواْ لَوۡ شَآءَ رَبُّنَا لَأَنزَلَ مَلَٰٓئِكَةٗ فَإِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ
Noong dumating sa kanila ang mga sugo mula sa nakaraan nila at mula sa hinaharap nila, [nagsasabi ang mga ito]: “Huwag kayong sumamba kundi kay Allāh.” Nagsabi naman sila: “Kung sakaling niloob ng Panginoon namin ay talaga sanang nagpababa Siya ng mga anghel, kaya tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya.”
Arabic Tafsirs:
فَأَمَّا عَادٞ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَقَالُواْ مَنۡ أَشَدُّ مِنَّا قُوَّةًۖ أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَهُمۡ هُوَ أَشَدُّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗۖ وَكَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ
Hinggil sa [liping] `Ād, nagmalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan at nagsabi sila: “Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?” Hindi ba sila nagsaalang-alang na si Allāh na lumikha sa kanila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay nagkakaila.
Arabic Tafsirs:
فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا صَرۡصَرٗا فِيٓ أَيَّامٖ نَّحِسَاتٖ لِّنُذِيقَهُمۡ عَذَابَ ٱلۡخِزۡيِ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَخۡزَىٰۖ وَهُمۡ لَا يُنصَرُونَ
Kaya nagsugo Kami sa kanila ng isang hanging humahagunot sa mga araw na sawing-palad upang magpalasap Kami sa kanila ng pagdurusa ng kahihiyan sa buhay na pangmundo. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na kahiya-hiya habang sila ay hindi iaadya.
Arabic Tafsirs:
وَأَمَّا ثَمُودُ فَهَدَيۡنَٰهُمۡ فَٱسۡتَحَبُّواْ ٱلۡعَمَىٰ عَلَى ٱلۡهُدَىٰ فَأَخَذَتۡهُمۡ صَٰعِقَةُ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡهُونِ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Hinggil sa [liping] Thamūd, nagpatnubay Kami sa kanila ngunit umibig sila nang higit sa pagkabulag kaysa sa patnubay kaya dumaklot sa kanila ang lintik ng pagdurusang humahamak dahil sa dati nilang nakakamit [na mga pagsuway].
Arabic Tafsirs:
وَنَجَّيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ
Nagligtas Kami sa mga sumampalataya at nangingilag magkasala noon.
Arabic Tafsirs:
وَيَوۡمَ يُحۡشَرُ أَعۡدَآءُ ٱللَّهِ إِلَى ٱلنَّارِ فَهُمۡ يُوزَعُونَ
[Banggitin] ang araw na kakalapin ang mga kaaway ni Allāh patungo sa Apoy saka sila ay papipilahin;
Arabic Tafsirs:
حَتَّىٰٓ إِذَا مَا جَآءُوهَا شَهِدَ عَلَيۡهِمۡ سَمۡعُهُمۡ وَأَبۡصَٰرُهُمۡ وَجُلُودُهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
hanggang sa nang dumating sila roon [sa Apoy] ay sasaksi laban sa kanila ang pandinig nila, ang mga paningin nila, at mga balat nila sa dati nilang ginagawa [na mga pagsuway].
Arabic Tafsirs:
 
Translation of the Meanings Surah: Fussilat
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Index of Translations

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

Close