Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Index of Translations

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the Meanings Surah: Az-Zumar   Verse:
وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَصَعِقَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا مَن شَآءَ ٱللَّهُۖ ثُمَّ نُفِخَ فِيهِ أُخۡرَىٰ فَإِذَا هُمۡ قِيَامٞ يَنظُرُونَ
Iihip sa tambuli saka mahihimatay ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa maliban sa sinumang niloob ni Allāh. Pagkatapos iihip dito sa muli, saka biglang sila ay mga nakatayo, na nakatingin [sa gagawin ni Allāh].
Arabic Tafsirs:
وَأَشۡرَقَتِ ٱلۡأَرۡضُ بِنُورِ رَبِّهَا وَوُضِعَ ٱلۡكِتَٰبُ وَجِاْيٓءَ بِٱلنَّبِيِّـۧنَ وَٱلشُّهَدَآءِ وَقُضِيَ بَيۡنَهُم بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Sisikat ang lupa sa liwanag ng Panginoon nito, ilalagay ang talaan [ng mga gawa], dadalhin ang mga propeta at ang mga saksi, at maghuhusga sa pagitan nila ayon sa katotohanan habang sila ay nilalabag sa katarungan.
Arabic Tafsirs:
وَوُفِّيَتۡ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِمَا يَفۡعَلُونَ
Lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran ng] anumang ginawa nito; at Siya ay higit na maalam sa anumang ginagawa nila.
Arabic Tafsirs:
وَسِيقَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِلَىٰ جَهَنَّمَ زُمَرًاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوهَا فُتِحَتۡ أَبۡوَٰبُهَا وَقَالَ لَهُمۡ خَزَنَتُهَآ أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ رُسُلٞ مِّنكُمۡ يَتۡلُونَ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِ رَبِّكُمۡ وَيُنذِرُونَكُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَاۚ قَالُواْ بَلَىٰ وَلَٰكِنۡ حَقَّتۡ كَلِمَةُ ٱلۡعَذَابِ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
Aakayin ang mga tumangging sumampalataya patungo sa Impiyerno nang [nagkasunud-sunod na] pangkat-pangkat; hanggang sa nang dumating sila roon ay bubuksan ang mga pintuan niyon at magsasabi sa kanila ang mga tagatanod niyon: “Wala bang pumunta sa inyo na mga sugong kabilang sa inyo, na bumibigkas sa inyo ng mga tanda ng Panginoon ninyo at nagbababala sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito?” Magsasabi sila: “Oo; ngunit nagindapat ang hatol ng pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya.”
Arabic Tafsirs:
قِيلَ ٱدۡخُلُوٓاْ أَبۡوَٰبَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ فَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلۡمُتَكَبِّرِينَ
Sasabihin: “Pumasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Kaya kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki!”
Arabic Tafsirs:
وَسِيقَ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ رَبَّهُمۡ إِلَى ٱلۡجَنَّةِ زُمَرًاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوهَا وَفُتِحَتۡ أَبۡوَٰبُهَا وَقَالَ لَهُمۡ خَزَنَتُهَا سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡ طِبۡتُمۡ فَٱدۡخُلُوهَا خَٰلِدِينَ
Aakayin ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila patungo sa Paraiso nang [nagkasunud-sunod na] pangkat-pangkat; hanggang sa nang dumating sila roon ay bubuksan ang mga pintuan niyon at magsasabi sa kanila ang mga tagatanod niyon: “Kapayapaan ay sumainyo! Nagpakaaya-aya kayo kaya pumasok kayo rito bilang mga mananatili.”
Arabic Tafsirs:
وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي صَدَقَنَا وَعۡدَهُۥ وَأَوۡرَثَنَا ٱلۡأَرۡضَ نَتَبَوَّأُ مِنَ ٱلۡجَنَّةِ حَيۡثُ نَشَآءُۖ فَنِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ
Magsasabi sila: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtotoo sa amin ng pangako Niya at nagpamana sa amin ng lupain [ng Paraiso]. Manunuluyan kami sa Paraiso saanman namin loloobin. Kaya kay inam ang pabuya sa mga tagagawa [ng mabuti]!”
Arabic Tafsirs:
 
Translation of the Meanings Surah: Az-Zumar
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Index of Translations

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

Close