Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Index of Translations

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the Meanings Surah: Al-Anbiyā’   Verse:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رَّسُولٍ إِلَّا نُوحِيٓ إِلَيۡهِ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدُونِ
Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.
Arabic Tafsirs:
وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَلَدٗاۗ سُبۡحَٰنَهُۥۚ بَلۡ عِبَادٞ مُّكۡرَمُونَ
Nagsabi sila: “Gumawa ang Napakamaawain ng isang anak.” Kaluwalhatian sa Kanya; bagkus [sila[2] ay] mga lingkod na pinarangalan [sila].
[2] Ibig sabihin: ang mga sinasabing anak ng Diyos na gaya nina Ezra at Jesus at ng mga anghel.
Arabic Tafsirs:
لَا يَسۡبِقُونَهُۥ بِٱلۡقَوۡلِ وَهُم بِأَمۡرِهِۦ يَعۡمَلُونَ
Hindi sila nangunguna sa Kanya sa pagsabi samantalang sila sa utos Niya ay gumagawa.
Arabic Tafsirs:
يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَلَا يَشۡفَعُونَ إِلَّا لِمَنِ ٱرۡتَضَىٰ وَهُم مِّنۡ خَشۡيَتِهِۦ مُشۡفِقُونَ
Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya. Sila, dahil sa takot sa Kanya, ay mga nababagabag.
Arabic Tafsirs:
۞ وَمَن يَقُلۡ مِنۡهُمۡ إِنِّيٓ إِلَٰهٞ مِّن دُونِهِۦ فَذَٰلِكَ نَجۡزِيهِ جَهَنَّمَۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلظَّٰلِمِينَ
Ang sinumang nagsasabi kabilang sa kanila:[3] “Tunay na ako ay diyos bukod pa sa Kanya,” iyon ay gagantihan Namin ng Impiyerno. Gayon Kami gaganti sa mga tagalabag sa katarungan.
[3] Ibig sabihin: ang mga anghel at si Jesus, halimbawa.
Arabic Tafsirs:
أَوَلَمۡ يَرَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَنَّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ كَانَتَا رَتۡقٗا فَفَتَقۡنَٰهُمَاۖ وَجَعَلۡنَا مِنَ ٱلۡمَآءِ كُلَّ شَيۡءٍ حَيٍّۚ أَفَلَا يُؤۡمِنُونَ
Hindi ba nakaalam ang mga tumangging sumampalataya na ang mga langit at ang lupa dati ay magkasanib, saka nagpawatak-watak Kami sa mga ito? Gumawa Kami mula sa tubig ng bawat bagay na buhay. Kaya hindi ba sila sumasampalataya?
Arabic Tafsirs:
وَجَعَلۡنَا فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِهِمۡ وَجَعَلۡنَا فِيهَا فِجَاجٗا سُبُلٗا لَّعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ
Gumawa Kami sa lupa ng mga matatag na bundok upang [hindi] gumalaw-galaw ang mga ito sa kanila at gumawa Kami rito ng mga daanang maluwang bilang mga landas nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.
Arabic Tafsirs:
وَجَعَلۡنَا ٱلسَّمَآءَ سَقۡفٗا مَّحۡفُوظٗاۖ وَهُمۡ عَنۡ ءَايَٰتِهَا مُعۡرِضُونَ
Gumawa Kami ng langit bilang bubong na pinangangalagaan, samantalang sila, sa mga tanda nito, ay mga tagaayaw.
Arabic Tafsirs:
وَهُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ فِي فَلَكٖ يَسۡبَحُونَ
Siya ay ang lumikha ng gabi at maghapon at ng araw at buwan; lahat sa isang ligiran ay lumalangoy.
Arabic Tafsirs:
وَمَا جَعَلۡنَا لِبَشَرٖ مِّن قَبۡلِكَ ٱلۡخُلۡدَۖ أَفَإِيْن مِّتَّ فَهُمُ ٱلۡخَٰلِدُونَ
Hindi Kami gumawa para sa isang tao bago mo pa ng kawalang-hanggan. Kaya ba kung namatay ka, sila ay ang mga mananatili?
Arabic Tafsirs:
كُلُّ نَفۡسٖ ذَآئِقَةُ ٱلۡمَوۡتِۗ وَنَبۡلُوكُم بِٱلشَّرِّ وَٱلۡخَيۡرِ فِتۡنَةٗۖ وَإِلَيۡنَا تُرۡجَعُونَ
Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Susubok Kami sa inyo sa pamamagitan ng kasamaan at kabutihan bilang tukso. Tungo sa Amin pababalikin kayo.
Arabic Tafsirs:
 
Translation of the Meanings Surah: Al-Anbiyā’
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Index of Translations

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

Close