Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Index of Translations

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the Meanings Surah: Tā-ha   Verse:
قَالَ عِلۡمُهَا عِندَ رَبِّي فِي كِتَٰبٖۖ لَّا يَضِلُّ رَبِّي وَلَا يَنسَى
Nagsabi siya: “Ang kaalaman doon ay nasa ganang Panginoon ko sa isang talaan. Hindi naliligaw ang Panginoon ko at hindi Siya nakalilimot.
Arabic Tafsirs:
ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مَهۡدٗا وَسَلَكَ لَكُمۡ فِيهَا سُبُلٗا وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّن نَّبَاتٖ شَتَّىٰ
[Siya] ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang nakalatag, nagsingit para sa inyo rito ng mga landas, at nagpababa mula sa langit ng tubig.” Kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga kaurian ng halamang sarisari.
Arabic Tafsirs:
كُلُواْ وَٱرۡعَوۡاْ أَنۡعَٰمَكُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّأُوْلِي ٱلنُّهَىٰ
Kumain kayo at magpastol kayo ng mga hayupan ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may katinuan.
Arabic Tafsirs:
۞ مِنۡهَا خَلَقۡنَٰكُمۡ وَفِيهَا نُعِيدُكُمۡ وَمِنۡهَا نُخۡرِجُكُمۡ تَارَةً أُخۡرَىٰ
Mula rito [sa lupa] lumikha Kami sa inyo, dito magpapanumbalik Kami sa inyo, at mula rito magpapalabas Kami sa inyo sa isang pagkakataong iba pa.
Arabic Tafsirs:
وَلَقَدۡ أَرَيۡنَٰهُ ءَايَٰتِنَا كُلَّهَا فَكَذَّبَ وَأَبَىٰ
Talaga ngang nagpakita Kami sa kanya ng mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito ngunit nagpasinungaling siya at tumanggi siya.
Arabic Tafsirs:
قَالَ أَجِئۡتَنَا لِتُخۡرِجَنَا مِنۡ أَرۡضِنَا بِسِحۡرِكَ يَٰمُوسَىٰ
Nagsabi [si Paraon]: “Dumating ka ba sa amin upang magpalabas ka sa amin mula sa lupain namin sa pamamagitan ng panggagaway mo, O Moises?
Arabic Tafsirs:
فَلَنَأۡتِيَنَّكَ بِسِحۡرٖ مِّثۡلِهِۦ فَٱجۡعَلۡ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكَ مَوۡعِدٗا لَّا نُخۡلِفُهُۥ نَحۡنُ وَلَآ أَنتَ مَكَانٗا سُوٗى
Kaya talagang magdadala nga kami sa iyo ng isang panggagaway tulad niyon. Kaya gumawa ka sa pagitan namin at ninyo ng isang tipanang hindi sisira niyon kami ni kayo sa isang pook na kalagitnaan.”
Arabic Tafsirs:
قَالَ مَوۡعِدُكُمۡ يَوۡمُ ٱلزِّينَةِ وَأَن يُحۡشَرَ ٱلنَّاسُ ضُحٗى
Nagsabi [sa Paraon]: “Ang tipanan ninyo ay ang araw ng gayak at na kalapin ang mga tao sa gitnang-umaga.”
Arabic Tafsirs:
فَتَوَلَّىٰ فِرۡعَوۡنُ فَجَمَعَ كَيۡدَهُۥ ثُمَّ أَتَىٰ
Kaya tumalikod si Paraon saka bumuo ito ng panlalansi nito, pagkatapos pumunta ito.
Arabic Tafsirs:
قَالَ لَهُم مُّوسَىٰ وَيۡلَكُمۡ لَا تَفۡتَرُواْ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا فَيُسۡحِتَكُم بِعَذَابٖۖ وَقَدۡ خَابَ مَنِ ٱفۡتَرَىٰ
Nagsabi sa kanila[3] si Moises: “Kapighatian sa inyo! Huwag kayong gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sapagkat pupuksa Siya sa inyo sa pamamagitan ng isang pagdurusa. Nabigo nga ang sinumang gumawa-gawa [ng kasinungalingan laban kay Allāh].”
[3] Ibig sabihin: sa mga manggagaway.
Arabic Tafsirs:
فَتَنَٰزَعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّجۡوَىٰ
Kaya naghidwaan sila sa nauukol sa kanila sa pagitan nila at naglihim sila ng sarilinang pag-uusap.
Arabic Tafsirs:
قَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَٰنِ لَسَٰحِرَٰنِ يُرِيدَانِ أَن يُخۡرِجَاكُم مِّنۡ أَرۡضِكُم بِسِحۡرِهِمَا وَيَذۡهَبَا بِطَرِيقَتِكُمُ ٱلۡمُثۡلَىٰ
Nagsabi sila: “Tunay na ang dalawang ito ay talagang dalawang manggagaway na nagnanais na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway nilang dalawa at mag-alis sa pamamaraan ninyong pinakauliran.
Arabic Tafsirs:
فَأَجۡمِعُواْ كَيۡدَكُمۡ ثُمَّ ٱئۡتُواْ صَفّٗاۚ وَقَدۡ أَفۡلَحَ ٱلۡيَوۡمَ مَنِ ٱسۡتَعۡلَىٰ
Kaya magkaisa kayo sa panlalansi ninyo, pagkatapos pumunta kayo nang pahanay. Nagtagumpay nga sa araw na ito ang nangibabaw.”
Arabic Tafsirs:
 
Translation of the Meanings Surah: Tā-ha
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Index of Translations

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

Close