Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Index of Translations

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the Meanings Surah: Al-Baqarah   Verse:
أَوَلَا يَعۡلَمُونَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Hindi ba sila nakaaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila?
Arabic Tafsirs:
وَمِنۡهُمۡ أُمِّيُّونَ لَا يَعۡلَمُونَ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّآ أَمَانِيَّ وَإِنۡ هُمۡ إِلَّا يَظُنُّونَ
Kabilang sa kanila [na mga Hudyo] ay mga iliterato na walang nalalaman sa Kasulatan kundi mga mithiin [na walang pagkaunawa], at walang iba sila kundi nagpapalagay [na ito ay Torah].
Arabic Tafsirs:
فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ يَكۡتُبُونَ ٱلۡكِتَٰبَ بِأَيۡدِيهِمۡ ثُمَّ يَقُولُونَ هَٰذَا مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ لِيَشۡتَرُواْ بِهِۦ ثَمَنٗا قَلِيلٗاۖ فَوَيۡلٞ لَّهُم مِّمَّا كَتَبَتۡ أَيۡدِيهِمۡ وَوَيۡلٞ لَّهُم مِّمَّا يَكۡسِبُونَ
Kaya kapighatian ay ukol sa mga sumusulat ng kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila, pagkatapos nagsasabi silang ito ay mula sa ganang kay Allāh upang bumili sila kapalit nito ng isang kaunting panumbas. Kaya kapighatian ay ukol sa kanila mula sa sinulat ng mga kamay nila at kapighatian ay ukol sa kanila mula sa nakakamit nila.
Arabic Tafsirs:
وَقَالُواْ لَن تَمَسَّنَا ٱلنَّارُ إِلَّآ أَيَّامٗا مَّعۡدُودَةٗۚ قُلۡ أَتَّخَذۡتُمۡ عِندَ ٱللَّهِ عَهۡدٗا فَلَن يُخۡلِفَ ٱللَّهُ عَهۡدَهُۥٓۖ أَمۡ تَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Nagsasabi sila: “Hindi sasaling sa amin ang Apoy maliban sa mga araw na mabibilang.” Sabihin mo: “Gumawa ba kayo sa ganang kay Allāh ng isang kasunduan sapagkat hindi sisira si Allāh sa kasunduan sa Kanya, o nagsasabi kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?”
Arabic Tafsirs:
بَلَىٰۚ مَن كَسَبَ سَيِّئَةٗ وَأَحَٰطَتۡ بِهِۦ خَطِيٓـَٔتُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Bagkus, ang mga nagkamit ng isang masagwang gawa [ng kawalang-pananampalataya] at pumaligid sa kanila ang kamalian nila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.
Arabic Tafsirs:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Hardin; sila ay doon mga mananatili.
Arabic Tafsirs:
وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ لَا تَعۡبُدُونَ إِلَّا ٱللَّهَ وَبِٱلۡوَٰلِدَيۡنِ إِحۡسَانٗا وَذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَقُولُواْ لِلنَّاسِ حُسۡنٗا وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ ثُمَّ تَوَلَّيۡتُمۡ إِلَّا قَلِيلٗا مِّنكُمۡ وَأَنتُم مُّعۡرِضُونَ
[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa mga anak ni Israel, [na nag-uutos]: “Hindi kayo sasamba maliban kay Allāh; sa mga magulang ay gumawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, at mga dukha; magsabi kayo sa mga tao ng maganda; magpapanatili kayo ng pagdarasal; at magbigay kayo ng zakāh.” Pagkatapos tumalikod kayo maliban sa kaunti kabilang sa inyo habang kayo ay mga umaayaw.
Arabic Tafsirs:
 
Translation of the Meanings Surah: Al-Baqarah
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Index of Translations

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

Close