Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Index of Translations

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the Meanings Surah: An-Nahl   Verse:
وَأَلۡقَىٰ فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِكُمۡ وَأَنۡهَٰرٗا وَسُبُلٗا لَّعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
Naglapat Siya sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ang mga ito sa inyo, mga ilog, mga landas nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan,
Arabic Tafsirs:
وَعَلَٰمَٰتٖۚ وَبِٱلنَّجۡمِ هُمۡ يَهۡتَدُونَ
at mga palatandaan. Sa pamamagitan ng bituin, sila ay napapatnubayan.
Arabic Tafsirs:
أَفَمَن يَخۡلُقُ كَمَن لَّا يَخۡلُقُۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Kaya ba ang sinumang lumilikha ay gaya ng sinumang hindi lumilikha? Kaya ba hindi kayo nagsasaalaala?
Arabic Tafsirs:
وَإِن تَعُدُّواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ لَا تُحۡصُوهَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ
Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa nito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad, Maawain.
Arabic Tafsirs:
وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعۡلِنُونَ
Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo.
Arabic Tafsirs:
وَٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَا يَخۡلُقُونَ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ
Ang mga dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh ay hindi lumilikha ng anuman samantalang ang mga ito ay nililikha.
Arabic Tafsirs:
أَمۡوَٰتٌ غَيۡرُ أَحۡيَآءٖۖ وَمَا يَشۡعُرُونَ أَيَّانَ يُبۡعَثُونَ
Mga patay hindi mga buhay at hindi nakararamdam ang mga ito kung kailan bubuhayin ang mga ito.
Arabic Tafsirs:
إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۚ فَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ قُلُوبُهُم مُّنكِرَةٞ وَهُم مُّسۡتَكۡبِرُونَ
Ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa. Ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay, ang mga puso nila ay mga nagkakaila [sa kaisahan ni Allāh] habang sila ay mga nagmamalaki [sa pagtanggai sa katotohanan].
Arabic Tafsirs:
لَا جَرَمَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُسۡتَكۡبِرِينَ
Walang pasubali na si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagmamalaki.
Arabic Tafsirs:
وَإِذَا قِيلَ لَهُم مَّاذَآ أَنزَلَ رَبُّكُمۡ قَالُوٓاْ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kapag sinabi sa kanila: “Ano ang pinababa ng Panginoon ninyo?” ay magsasabi sila: “Mga alamat ng mga sinauna,”
Arabic Tafsirs:
لِيَحۡمِلُوٓاْ أَوۡزَارَهُمۡ كَامِلَةٗ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَمِنۡ أَوۡزَارِ ٱلَّذِينَ يُضِلُّونَهُم بِغَيۡرِ عِلۡمٍۗ أَلَا سَآءَ مَا يَزِرُونَ
upang magbuhat sila ng mga pasanin nila nang buo sa Araw ng Pagbangon at ng bahagi ng mga pasanin ng mga pinaliligaw nila nang walang kaalaman.[1] Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila!
[1] gayon pa man hindi pa rin mababawasan ang bigat ng mga ito
Arabic Tafsirs:
قَدۡ مَكَرَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَأَتَى ٱللَّهُ بُنۡيَٰنَهُم مِّنَ ٱلۡقَوَاعِدِ فَخَرَّ عَلَيۡهِمُ ٱلسَّقۡفُ مِن فَوۡقِهِمۡ وَأَتَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagpakana nga ang mga bago pa nila kaya pumunta si Allāh sa gusali nila mula sa mga pundasyon kaya bumagsak sa kanila ang bubong mula sa ibabaw nila at pumunta sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila nararamdaman.
Arabic Tafsirs:
 
Translation of the Meanings Surah: An-Nahl
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Index of Translations

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

Close