Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Surah: Al-Infitār   Verse:

Al-Infitār

Objectives of the Surah:
تحذير الإنسان من الاغترار ونسيان يوم القيامة.
Ang pagbibigay-babala sa tao laban sa pagkalinlang at pagkalimot sa Araw ng Pagbangon.

إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنفَطَرَتۡ
Kapag ang langit ay nagkabiyak-biyak dahil sa pagbaba ng mga anghel mula roon,
Arabic Tafsirs:
وَإِذَا ٱلۡكَوَاكِبُ ٱنتَثَرَتۡ
at kapag ang mga tala ay nagbagsakan na nakasabog,
Arabic Tafsirs:
وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ فُجِّرَتۡ
at kapag ang mga dagat ay binuksan ang ilan sa mga ito sa iba sa mga ito saka nagkahalu-halo,
Arabic Tafsirs:
وَإِذَا ٱلۡقُبُورُ بُعۡثِرَتۡ
at kapag ang mga libingan ay itinaob ang alabok ng mga ito para sa pagbuhay sa sinumang nasa mga ito na mga patay;
Arabic Tafsirs:
عَلِمَتۡ نَفۡسٞ مَّا قَدَّمَتۡ وَأَخَّرَتۡ
sa sandaling iyon, malalaman ng bawat kaluluwa ang ipinauna niya na gawa at ang ipinahuli niya mula roon kaya hindi niya nagawa.
Arabic Tafsirs:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡإِنسَٰنُ مَا غَرَّكَ بِرَبِّكَ ٱلۡكَرِيمِ
O taong tagatangging sumampalataya sa Panginoon mo, ano ang nagsanhi sa iyo na sumalungat ka sa utos ng Panginoon mo nang nag-antabay Siya sa iyo at hindi Siya nagmadali sa iyo sa kaparusahan bilang pagpaparangal mula sa Kanya?
Arabic Tafsirs:
ٱلَّذِي خَلَقَكَ فَسَوَّىٰكَ فَعَدَلَكَ
[Siya] ang nagpairal sa iyo matapos na ikaw dati ay wala, saka gumawa sa iyo na nahubog ang mga bahagi ng katawan, na naaangkop sa mga ito.
Arabic Tafsirs:
فِيٓ أَيِّ صُورَةٖ مَّا شَآءَ رَكَّبَكَ
Sa alinmang anyo na niloob Niya na lumikha sa iyo ay lumikha Siya sa iyo. Nagbiyaya nga Siya sa iyo yayamang hindi Siya lumikha sa iyo sa anyo ng isang asno ni ng isang unggoy ni ng isang aso ni ng iba pa sa mga ito.
Arabic Tafsirs:
كَلَّا بَلۡ تُكَذِّبُونَ بِٱلدِّينِ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ninyo, O mga nadaya! Bagkus kayo ay nagpapasinungaling sa Araw ng Pagganti kaya hindi kayo gumagawa para roon.
Arabic Tafsirs:
وَإِنَّ عَلَيۡكُمۡ لَحَٰفِظِينَ
Tunay na sa inyo ay may mga anghel na nag-iingat sa mga gawa ninyo,
Arabic Tafsirs:
كِرَامٗا كَٰتِبِينَ
na mararangal sa ganang kay Allāh, na mga tagasulat na sumusulat sa mga gawa ninyo.
Arabic Tafsirs:
يَعۡلَمُونَ مَا تَفۡعَلُونَ
Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo na gawa, saka isinusulat nila ito.
Arabic Tafsirs:
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٖ
Tunay na ang mga marami sa paggawa ng kabutihan at pagtalima ay talagang nasa isang kaginhawahang mamamalagi sa Araw ng Pagbangon.
Arabic Tafsirs:
وَإِنَّ ٱلۡفُجَّارَ لَفِي جَحِيمٖ
Tunay na ang mga may kasamaang-loob ay talagang nasa apoy na magliliyab sa kanila.
Arabic Tafsirs:
يَصۡلَوۡنَهَا يَوۡمَ ٱلدِّينِ
Papasok sila roon sa Araw ng Pagganti, na magpapakasakit sa init niyon.
Arabic Tafsirs:
وَمَا هُمۡ عَنۡهَا بِغَآئِبِينَ
Sila palayo roon ay hindi mga makaliliban magpakailanman; bagkus sila ay mga mamamalagi roon.
Arabic Tafsirs:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Araw ng Paggantimpala?
Arabic Tafsirs:
ثُمَّ مَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Pagkatapos ano ang nagpaalam sa iyo kung ano ang Araw ng Paggantimpala?
Arabic Tafsirs:
يَوۡمَ لَا تَمۡلِكُ نَفۡسٞ لِّنَفۡسٖ شَيۡـٔٗاۖ وَٱلۡأَمۡرُ يَوۡمَئِذٖ لِّلَّهِ
[Iyon ay] sa Araw na hindi makakakaya ang isa man na magpakinabang sa isa pa. Ang pag-uutos sa kabuuan nito sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh lamang: gumagawa Siya ng anumang niloloob Niya; hindi ukol sa isang iba pa sa Kanya.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• التحذير من الغرور المانع من اتباع الحق.
Ang pagbabala laban sa pagkadayang tagahadlang sa pagsunod sa katotohanan.

• الجشع من الأخلاق الذميمة في التجار ولا يسلم منه إلا من يخاف الله.
Ang kasibaan ay kabilang sa mga kaasalang napupulaan sa mga mangangalakal at walang naliligtas mula rito maliban sa sinumang nangangamba kay Allāh.

• تذكر هول القيامة من أعظم الروادع عن المعصية.
Ang pagsasaalaala sa hilakbot ng [Araw ng] Pagbangon ay kabilang sa pinakadakila sa mga tagapaudlot sa pagsuway.

 
Translation of the Meanings Surah: Al-Infitār
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close