Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Surah: An-Nāzi‘āt   Verse:
ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ
Nagsabi sa kanya hinggil sa sinabi: "Magtungo ka kay Paraon; tunay na siya ay lumampas sa hangganan sa paglabag sa katarungan at pagmamalaki.
Arabic Tafsirs:
فَقُلۡ هَل لَّكَ إِلَىٰٓ أَن تَزَكَّىٰ
Saka magsabi ka sa kanya: Ibig mo kaya, O Paraon, na magpakadalisay ka mula sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway?
Arabic Tafsirs:
وَأَهۡدِيَكَ إِلَىٰ رَبِّكَ فَتَخۡشَىٰ
at [na] gumabay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo na lumikha sa iyo at nag-alaga sa iyo para matakot ka sa Kanya para gumawa ka ng nagpapalugod sa Kanya at umiwas ka sa nagpapainis sa Kanya?"
Arabic Tafsirs:
فَأَرَىٰهُ ٱلۡأٓيَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰ
Kaya naglantad kay Paraon si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng palatandaang pinakadakila na nagpapatunay na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya. Ito ay ang kamay at ang tungkod.
Arabic Tafsirs:
فَكَذَّبَ وَعَصَىٰ
ngunit walang nangyari kay Paraon kundi ito ay nagpasinungaling sa palatandaang ito at sumuway sa ipinag-utos dito ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Arabic Tafsirs:
ثُمَّ أَدۡبَرَ يَسۡعَىٰ
Pagkatapos umayaw siya sa pananampalataya sa inihatid ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nagsisikap sa pagsuway kay Allāh at pagkontra sa katotohanan.
Arabic Tafsirs:
فَحَشَرَ فَنَادَىٰ
Kaya nagtipon siya sa mga tao niya at mga tagasunod niya sa pakikipanaig kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka nanawagan, na nagsasabi:
Arabic Tafsirs:
فَقَالَ أَنَا۠ رَبُّكُمُ ٱلۡأَعۡلَىٰ
[saka nagsabi:] "Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas kaya walang pagtalima sa iba pa sa akin sa inyo."
Arabic Tafsirs:
فَأَخَذَهُ ٱللَّهُ نَكَالَ ٱلۡأٓخِرَةِ وَٱلۡأُولَىٰٓ
Kaya nagpataw rito si Allāh saka nagparusa rito sa Mundo sa pamamagitan ng pagkalunod sa dagat at magpaparusa Siya rito sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagpapapasok dito sa pinakamatindi sa pagdurusa.
Arabic Tafsirs:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبۡرَةٗ لِّمَن يَخۡشَىٰٓ
Tunay na sa ipinarusa kay Paraon sa Mundo at Kabilang-buhay ay talagang may pangaral para sa sinumang natatakot kay Allāh sapagkat siya ay ang makikinabang sa mga pangaral.
Arabic Tafsirs:
ءَأَنتُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَمِ ٱلسَّمَآءُۚ بَنَىٰهَا
Ang pagpapairal ba sa inyo, O mga tagapagpasinungaling sa pagbubuhay, ay higit na mahirap o ang pagpapairal sa langit na ipinatayo Niya?
Arabic Tafsirs:
رَفَعَ سَمۡكَهَا فَسَوَّىٰهَا
Gumawa Siya sa tugatog nito sa dakong kaitaasan na nakaangat, saka gumawa Siya nito na pantay na walang mga lamat dito at walang mga biyak at walang kapintasan.
Arabic Tafsirs:
وَأَغۡطَشَ لَيۡلَهَا وَأَخۡرَجَ ضُحَىٰهَا
Nagpadilim Siya ng gabi nito nang lumubog ang araw nito at nagpalitaw Siya ng liwanag nito nang sumikat ang araw.
Arabic Tafsirs:
وَٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ ذَٰلِكَ دَحَىٰهَآ
Sa lupa, matapos na nilikha Niya ang langit, ay naglatag Siya nito at naglagak Siya rito ng mga mapakikinabangan dito.
Arabic Tafsirs:
أَخۡرَجَ مِنۡهَا مَآءَهَا وَمَرۡعَىٰهَا
Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito bilang mga bukal na dumadaloy, at nagpatubo Siya rito ng halaman na kinakain ng mga hayop.
Arabic Tafsirs:
وَٱلۡجِبَالَ أَرۡسَىٰهَا
Ang mga bundok ay ginawa Niyang matatag sa lupa.
Arabic Tafsirs:
مَتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ
Lahat ng iyon ay mga mapakikinabangan para sa inyo, O mga tao, at para sa mga hayupan ninyo sapagkat ang lumikha nito sa kabuuan nito ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagpapanauli ng paglikha sa kanila sa muli.
Arabic Tafsirs:
فَإِذَا جَآءَتِ ٱلطَّآمَّةُ ٱلۡكُبۡرَىٰ
Ngunit kapag dumating ang ikalawang pag-ihip na pupuspos sa bawat bagay ng kahilakbutan nito at magaganap ang Pagbangon [ng mga patay] –
Arabic Tafsirs:
يَوۡمَ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ مَا سَعَىٰ
sa Araw na darating ito ay magsasaalaala ang tao sa ipinauna niyang gawain na kabutihan man o kasamaan
Arabic Tafsirs:
وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِمَن يَرَىٰ
at maghahatid ng Impiyerno at ilalantad ito sa mga mata para sa sinumang titingin niyon –
Arabic Tafsirs:
فَأَمَّا مَن طَغَىٰ
ang sinumang lumampas sa hangganan sa pagkaligaw
Arabic Tafsirs:
وَءَاثَرَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
at nagmagaling sa buhay na pangmundo na nagmamaliw higit sa buhay na pangkabilang-buhay na mananatili,
Arabic Tafsirs:
فَإِنَّ ٱلۡجَحِيمَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ
tunay na ang Apoy ay ang pagtitigilan na kakanlungan niya;
Arabic Tafsirs:
وَأَمَّا مَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ وَنَهَى ٱلنَّفۡسَ عَنِ ٱلۡهَوَىٰ
40-41. at ang sinumang nangamba sa pagtayo niya sa harap ng Panginoon niya at pumigil ng sarili niya laban sa pagsunod sa pinipithaya niya kabilang sa ipinagbawal ni Allāh, tunay na ang Paraiso ay ang pagtitigilan niya na kakanlungan niya.
Arabic Tafsirs:
فَإِنَّ ٱلۡجَنَّةَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ
40-41. at ang sinumang nangamba sa pagtayo niya sa harap ng Panginoon niya at pumigil ng sarili niya laban sa pagsunod sa pinipithaya niya kabilang sa ipinagbawal ni Allāh, tunay na ang Paraiso ay ang pagtitigilan niya na kakanlungan niya.
Arabic Tafsirs:
يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرۡسَىٰهَا
Nagtatanong sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagbubuhay kung kailan magaganap ang Huling Sandali?
Arabic Tafsirs:
فِيمَ أَنتَ مِن ذِكۡرَىٰهَآ
Wala sa iyong kaalaman hinggil doon para bumanggit ka niyon sa kanila. Hindi kabilang iyon sa pumapatungkol sa iyo. Ang pumapatungkol sa iyo lamang ay ang paghahanda para roon.
Arabic Tafsirs:
إِلَىٰ رَبِّكَ مُنتَهَىٰهَآ
Tungo sa Panginoon mo lamang ang pagwawakasan ng kaalaman sa Huling Sandali.
Arabic Tafsirs:
إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرُ مَن يَخۡشَىٰهَا
Ikaw ay isang tagapagbabala lamang ng sinumang natatakot sa Huling Sandali dahil siya ay ang makikinabang sa pagbabala mo.
Arabic Tafsirs:
كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَهَا لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا عَشِيَّةً أَوۡ ضُحَىٰهَا
Para bang sila, sa Araw na makikita nila ang Huling Sandali bilang pagkasaksi, ay hindi namalagi sa buhay nila na pangmundo maliban sa isang hapon ng nag-iisang araw o isang umaga nito.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• وجوب الرفق عند خطاب المدعوّ.
Ang pagkakailangan ng kabaitan sa pakikipag-usap sa inaanyayahan.

• الخوف من الله وكفّ النفس عن الهوى من أسباب دخول الجنة.
Ang pangamba kay Allāh at ang pagpipigil sa sarili palayo sa pithaya ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.

• علم الساعة من الغيب الذي لا يعلمه إلا الله.
Ang kaalaman sa Huling Sandali ay bahagi ng Lingid na walang nakaaalam kundi si Allāh.

• بيان الله لتفاصيل خلق السماء والأرض.
Ang paglilinaw ni Allāh sa mga detalye ng pagkalikha ng langit at lupa.

 
Translation of the Meanings Surah: An-Nāzi‘āt
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close