Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Surah: Al-Qiyāmah   Verse:

Al-Qiyāmah

Objectives of the Surah:
إظهار قدرة الله على بعث الخلق وجمعهم يوم القيامة.
Ang paglalantad ng kakayahan ni Allāh sa pagbubuhay ng mga nilikha at ang pagtitipon sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

لَآ أُقۡسِمُ بِيَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ
Sumumpa si Allāh sa Araw ng Pagbangon, sa Araw na babangon ang mga tao para sa Panginoon ng mga nilalang.
Arabic Tafsirs:
وَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلنَّفۡسِ ٱللَّوَّامَةِ
Sumumpa Siya sa kaluluwang kaaya-aya na naninisi sa sarili nito sa pagkukulang sa mga gawang maayos at sa paggawa ng mga masagwa. Sumumpa Siya sa dalawang bagay na ito na talagang bubuhay nga Siya sa mga tao para sa pagtutuos at pagganti.
Arabic Tafsirs:
أَيَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَلَّن نَّجۡمَعَ عِظَامَهُۥ
Nagpapalagay ba ang tao na hindi Kami magtitipon ng mga buto niya matapos ng kamatayan niya para sa pagbubuhay?
Arabic Tafsirs:
بَلَىٰ قَٰدِرِينَ عَلَىٰٓ أَن نُّسَوِّيَ بَنَانَهُۥ
Oo; nakakakaya Kami, kalakip ng pagtipon doon, ng pagpapanumbalik ng mga dulo ng mga daliri niya sa isang pagkalikhang kapantay gaya ng dati.
Arabic Tafsirs:
بَلۡ يُرِيدُ ٱلۡإِنسَٰنُ لِيَفۡجُرَ أَمَامَهُۥ
Bagkus nagnanais ang tao sa pagkakaila niya sa pagbubuhay na magpatuloy sa kasamaang-loob niya sa hinaharap nang walang tagaudlot.
Arabic Tafsirs:
يَسۡـَٔلُ أَيَّانَ يَوۡمُ ٱلۡقِيَٰمَةِ
Nagtatanong siya tungkol sa Araw ng Pagbangon sa paraang nagtuturing na imposible: "Kailan magaganap ito?"
Arabic Tafsirs:
فَإِذَا بَرِقَ ٱلۡبَصَرُ
Kaya kapag nalito ang paningin at nagulat ito kapag nakikita nito ang dati nitong pinasisinungalingan,
Arabic Tafsirs:
وَخَسَفَ ٱلۡقَمَرُ
at nawala ang tanglaw ng buwan,
Arabic Tafsirs:
وَجُمِعَ ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ
at ipinagsama ang mga katawan ng araw at buwan;
Arabic Tafsirs:
يَقُولُ ٱلۡإِنسَٰنُ يَوۡمَئِذٍ أَيۡنَ ٱلۡمَفَرُّ
magsasabi ang taong masamang-loob sa Araw na iyon: "Saan ang pagtakas?"
Arabic Tafsirs:
كَلَّا لَا وَزَرَ
Walang pagtakas sa Araw na iyon, walang kanlungan na kakanlong doon ang masamang-loob, at walang pagpapasanggalangan na magpapasanggalang siya roon.
Arabic Tafsirs:
إِلَىٰ رَبِّكَ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡمُسۡتَقَرُّ
Tungo sa Panginoon mo, O Sugo, sa Araw na iyon ang babalikan at ang kahahantungan para sa pagtutuos at pagganti.
Arabic Tafsirs:
يُنَبَّؤُاْ ٱلۡإِنسَٰنُ يَوۡمَئِذِۭ بِمَا قَدَّمَ وَأَخَّرَ
Magpapabatid sa tao sa Araw na iyon hinggil sa ipinauna niya na mga gawain niya at ipinahuli niya kabilang sa mga ito.
Arabic Tafsirs:
بَلِ ٱلۡإِنسَٰنُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦ بَصِيرَةٞ
Bagkus ang tao ay tagasaksi laban sa sarili niya yayamang sasaksi laban sa kanya ang mga bahagi ng katawan niya sa anumang nakamit niya na kasalanan.
Arabic Tafsirs:
وَلَوۡ أَلۡقَىٰ مَعَاذِيرَهُۥ
Kahit pa man naghatid siya ng mga ipandadahi-dahilan – na makikipagtalo siya sa pamamagitan ng mga ito para sa sarili niya na siya raw ay hindi nakagawa ng isang kasagwaan – hindi magpapakinabang ang mga ito sa kanya.
Arabic Tafsirs:
لَا تُحَرِّكۡ بِهِۦ لِسَانَكَ لِتَعۡجَلَ بِهِۦٓ
Huwag kang magpagalaw, O Sugo, ng dila mo kasabay ng Qur'ān habang nagdadali-dali na baka makawala ito mula sa iyo.
Arabic Tafsirs:
إِنَّ عَلَيۡنَا جَمۡعَهُۥ وَقُرۡءَانَهُۥ
Tunay na nasa Amin na magtipon nito para sa iyo sa dibdib mo at magpatatag sa pagbigkas nito sa dila mo.
Arabic Tafsirs:
فَإِذَا قَرَأۡنَٰهُ فَٱتَّبِعۡ قُرۡءَانَهُۥ
Kaya kapag bumigkas nito ang Sugo Naming si Gabriel, manahimik ka sa pagbigkas niya at makinig ka.
Arabic Tafsirs:
ثُمَّ إِنَّ عَلَيۡنَا بَيَانَهُۥ
Pagkatapos tunay na nasa Amin ang pagpapaliwanag nito sa iyo.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• مشيئة العبد مُقَيَّدة بمشيئة الله.
Ang kalooban ng tao ay nalilimitahan ng kalooban ni Allāh.

• حرص رسول الله صلى الله عليه وسلم على حفظ ما يوحى إليه من القرآن، وتكفّل الله له بجمعه في صدره وحفظه كاملًا فلا ينسى منه شيئًا.
Ang sigasig ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pagsaulo sa ikinakasi sa kanya mula sa Qur'ān. Naggarantiya si Allāh para sa kanya ng pagtitipon nito sa dibdib niya at pagsasaulo nito nang buo kaya walang nalilimutan mula rito na anuman.

 
Translation of the Meanings Surah: Al-Qiyāmah
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close