Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Verse: (31) Surah: Al-Ahqāf
يَٰقَوۡمَنَآ أَجِيبُواْ دَاعِيَ ٱللَّهِ وَءَامِنُواْ بِهِۦ يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُجِرۡكُم مِّنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ
O mga kalahi namin, sumagot kayo kay Muḥammad sa ipinaanyaya niya sa inyo na katotohanan at sumampalataya kayo sa kanya na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya, magpapatawad sa inyo si Allāh sa mga pagkakasala ninyo at magliligtas sa inyo laban sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa inyo kapag hindi kayo sumagot sa ipinaanyaya niya sa inyo na katotohanan at hindi kayo sumampalataya rito na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• من حسن الأدب الاستماع إلى المتكلم والإنصات له.
Bahagi ng kagandahan ng kaasalan ang pakikinig sa nagsasalita at ang pananahimik para sa kanya.

• سرعة استجابة المهتدين من الجنّ إلى الحق رسالة ترغيب إلى الإنس.
Ang bilis ng pagtugon ng mga napatnubayan kabilang sa mga jinn sa katotohanan ay isang mensahe ng pagpapaibig sa tao.

• الاستجابة إلى الحق تقتضي المسارعة في الدعوة إليه.
Ang pagtugon sa katotohanan ay humihiling ng pagdadali-dali sa pag-aanyaya tungo roon.

• الصبر خلق الأنبياء عليهم السلام.
Ang pagtitiis ay kaasalan ng mga propeta – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan.

 
Translation of the Meanings Verse: (31) Surah: Al-Ahqāf
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close