Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Verse: (24) Surah: Ash-Shūra
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗاۖ فَإِن يَشَإِ ٱللَّهُ يَخۡتِمۡ عَلَىٰ قَلۡبِكَۗ وَيَمۡحُ ٱللَّهُ ٱلۡبَٰطِلَ وَيُحِقُّ ٱلۡحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Kabilang sa haka-haka ng mga tagapagtambal ay na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay lumikha-likha nga ng Qur'ān na ito at nag-ugnay nito sa Panginoon niya samantalang nagsasabi si Allāh bilang tugon sa kanila: "Kung sakaling kumausap ka sa sarili mo na gumawa-gawa ito ng isang kasinungalingan ay talaga sanang nagpinid Ako sa puso mo, bumura Ako sa kabulaanang ginawa-gawa, at nagpanatili Ako ng katotohanan." Yayamang ang nangyari ay hindi ganoon, nagpatunay ito sa katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na siya ay kinakasihan mula sa Panginoon niya. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• الداعي إلى الله لا يبتغي الأجر عند الناس.
Ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ay hindi naghahangad ng pabuya sa mga tao.

• التوسيع في الرزق والتضييق فيه خاضع لحكمة إلهية قد تخفى على كثير من الناس.
Ang pagpapaluwang sa panustos at ang pagpapagipit dito ay sumasailalim sa isang kasanhiang pandiyos na maaaring nakakubli sa marami sa mga tao.

• الذنوب والمعاصي من أسباب المصائب.
Ang mga pagkakasala at ang mga pagsuway ay kabilang sa mga kadahilanan ng mga kasawiang-palad.

 
Translation of the Meanings Verse: (24) Surah: Ash-Shūra
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close