Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Verse: (22) Surah: Al-Ahzāb
وَلَمَّا رَءَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلۡأَحۡزَابَ قَالُواْ هَٰذَا مَا وَعَدَنَا ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَصَدَقَ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥۚ وَمَا زَادَهُمۡ إِلَّآ إِيمَٰنٗا وَتَسۡلِيمٗا
Noong napagmasdan ng mga mananampalataya ang mga lapiang nagtitipon para sa pakikipaglaban sa kanila ay nagsabi sila: "Ito ay ang ipinangako sa atin ni Allāh at ng Sugo Niya na pagsubok, mga ligalig, at pagwawagi. Nagpakatapat si Allāh at ang Sugo Niya hinggil dito sapagkat nagkatotoo ito." Walang naidagdag sa kanila ang pagkamasid nila sa mga lapian kundi pananampalataya kay Allāh at pagpapaakay sa Kanya.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• الآجال محددة؛ لا يُقَرِّبُها قتال، ولا يُبْعِدُها هروب منه.
Ang mga taning [ng buhay] ay tinakdaan: hindi napalalapit ang mga ito ng isang pakikipaglaban at hindi napalalayo ang mga ito ng isang pagtakas mula roon.

• التثبيط عن الجهاد في سبيل الله شأن المنافقين دائمًا.
Ang pagpapatamlay sa pakikibaka sa landas ni Allāh ay gawi ng mga mapagpaimbabaw palagi.

• الرسول صلى الله عليه وسلم قدوة المؤمنين في أقواله وأفعاله.
Ang Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay uliran ng mga mananampalataya sa mga sinasabi niya at mga ginagawa niya.

• الثقة بالله والانقياد له من صفات المؤمنين.
Ang pagtitiwala kay Allāh at ang pagpapaakay sa Kanya ay kabilang sa mga katangian ng mga mananampalataya.

 
Translation of the Meanings Verse: (22) Surah: Al-Ahzāb
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close