Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Verse: (27) Surah: Ar-Rūm
وَهُوَ ٱلَّذِي يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَهُوَ أَهۡوَنُ عَلَيۡهِۚ وَلَهُ ٱلۡمَثَلُ ٱلۡأَعۡلَىٰ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagsisimula ng paglikha ayon sa walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos nagpapanumbalik nito matapos ng paglipol dito. Ang pagpapanumbalik ay higit na madali kaysa sa pagpapasimula. Kapwa ito madali sa Kanya dahil Siya, kapag nagnais ng anuman, ay nagsasabi rito ng: "Mangyari" saka nangyayari naman ito. Sa Kanya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – ang paglalarawang pinakamataas sa bawat ipinanlalarawan sa Kanya mula sa mga katangian ng kapitaganan at kalubusan. Siya ay ang Makapangyarihan na hindi napananaigan, ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• خضوع جميع الخلق لله سبحانه قهرًا واختيارًا.
Ang pagpapasailalim ng lahat ng nilikha kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – nang sapilitan at ayon sa pagpili.

• دلالة النشأة الأولى على البعث واضحة المعالم.
Ang katunayan ng unang pagpapaluwal sa pagkabuhay na muli ay maliwanag ang mga palatandaan.

• اتباع الهوى يضل ويطغي.
Ang pagsunod sa pithaya ay nagliligaw at nagpapamalabis.

• دين الإسلام دين الفطرة السليمة.
Ang Relihiyong Islām ay Relihiyon ng maayos na kalikasan ng pagkalalang.

 
Translation of the Meanings Verse: (27) Surah: Ar-Rūm
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close