Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Surah: Al-Furqān   Verse:
إِذَا رَأَتۡهُم مِّن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ سَمِعُواْ لَهَا تَغَيُّظٗا وَزَفِيرٗا
Kapag nakatingin ang Apoy sa mga tagatangging sumampalataya habang sila ay inihahatid sa kanya mula sa isang pook na malayo, makaririnig sila para rito ng isang pagngingitngit at isang pagsinghal, at isang nakagagambalang tinig dahil sa tindi ng galit nito sa kanila
Arabic Tafsirs:
وَإِذَآ أُلۡقُواْ مِنۡهَا مَكَانٗا ضَيِّقٗا مُّقَرَّنِينَ دَعَوۡاْ هُنَالِكَ ثُبُورٗا
Kapag itinapon ang mga tagatangging sumampalataya na ito sa Impiyerno sa isang pook na masikip mula roon habang nakaugnay ang mga kamay nila sa mga leeg nila sa pamamagitan ng mga tanikala ay mananawagan sila laban sa mga sarili nila ng kapahamakan sa pag-asang makawala mula roon.
Arabic Tafsirs:
لَّا تَدۡعُواْ ٱلۡيَوۡمَ ثُبُورٗا وَٰحِدٗا وَٱدۡعُواْ ثُبُورٗا كَثِيرٗا
Huwag kayong manawagan, O mga tagatangging sumampalataya, ngayong Araw ng kapahamakang nag-iisa. Manawagan kayo ng kapahamakang marami. Subalit hindi sasagot sa inyo sa hinihiling ninyo, bagkus mananatili kayo sa pagdurusang masakit bilang mga mamamalagi [roon].
Arabic Tafsirs:
قُلۡ أَذَٰلِكَ خَيۡرٌ أَمۡ جَنَّةُ ٱلۡخُلۡدِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۚ كَانَتۡ لَهُمۡ جَزَآءٗ وَمَصِيرٗا
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang nabanggit na iyon ba na pagdurusang inilarawan sa inyo ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na namamalagi ang kaginhawahan doon at hindi napuputol magpakailanman?" Ito ang ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, na ito para sa kanila ay maging isang gantimpala at isang balikang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon.
Arabic Tafsirs:
لَّهُمۡ فِيهَا مَا يَشَآءُونَ خَٰلِدِينَۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ وَعۡدٗا مَّسۡـُٔولٗا
Ukol sa kanila sa harding ito ang anumang niloloob nila na kaginhawahan. Laging iyon kay Allāh ay isang pangakong hinihiling sa Kanya ng mga lingkod Niyang mga tagapangilag magkasala. Ang pangako ni Allāh ay nagkakatotoo sapagkat Siya ay hindi sumisira sa naipangako.
Arabic Tafsirs:
وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ فَيَقُولُ ءَأَنتُمۡ أَضۡلَلۡتُمۡ عِبَادِي هَٰٓؤُلَآءِ أَمۡ هُمۡ ضَلُّواْ ٱلسَّبِيلَ
[Banggitin mo] ang Araw na kakalap si Allāh sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling at kakalap Siya sa sinasamba nila bukod pa sa Kanya saka magsasabi Siya sa mga sinasamba bilang paninisi sa mga tagasamba nila: "Kayo ba ay nagligaw sa mga lingkod Ko dahil sa pag-uutos ninyo sa kanila na sumamba sila sa inyo o sila ay naligaw dala ng pagkukusa ng mga sarili nila?"
Arabic Tafsirs:
قَالُواْ سُبۡحَٰنَكَ مَا كَانَ يَنۢبَغِي لَنَآ أَن نَّتَّخِذَ مِن دُونِكَ مِنۡ أَوۡلِيَآءَ وَلَٰكِن مَّتَّعۡتَهُمۡ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ نَسُواْ ٱلذِّكۡرَ وَكَانُواْ قَوۡمَۢا بُورٗا
Magpapasinungaling nga sila sa inyo sa sinasabi ninyo saka hindi kayo makakakaya ng isang paglilihis ni isang pag-aadya. Ang sinumang lalabag sa katarungan kabilang sa inyo ay magpapatikim Kami sa kanya ng isang pagdurusang malaki.
Arabic Tafsirs:
فَقَدۡ كَذَّبُوكُم بِمَا تَقُولُونَ فَمَا تَسۡتَطِيعُونَ صَرۡفٗا وَلَا نَصۡرٗاۚ وَمَن يَظۡلِم مِّنكُمۡ نُذِقۡهُ عَذَابٗا كَبِيرٗا
Magpapasinungaling nga sa inyo, O mga tagapagtambal, ang mga sinamba ninyo bukod pa kay Allāh kaugnay sa pinagsasabi ninyo hinggil sa kanila saka hindi kayo makakakaya ng pagtulak sa pagdurusa palayo sa mga sarili ninyo ni ng pag-aadya sa mga ito dahil sa kawalang-kakayahan ninyo. Ang sinumang lalabag sa katarungan kabilang sa inyo, O mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pagtatambal kay Allāh ay magpapatikim sa kanya ng isang pagdurusang mabigat tulad ng ipinatikim sa nabanggit.
Arabic Tafsirs:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّآ إِنَّهُمۡ لَيَأۡكُلُونَ ٱلطَّعَامَ وَيَمۡشُونَ فِي ٱلۡأَسۡوَاقِۗ وَجَعَلۡنَا بَعۡضَكُمۡ لِبَعۡضٖ فِتۡنَةً أَتَصۡبِرُونَۗ وَكَانَ رَبُّكَ بَصِيرٗا
Hindi Kami nagpadala sa bago sa iyo, o Sugo, na mga isinugo malibang bilang mga tao, na sila noon ay kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga palengke. Ikaw ay hindi isang pasimula sa mga sugo kaugnay roon. Gumawa Kami sa ilan sa inyo, O mga tao, para sa iba bilang pagsusulit sa pagkayaman at karalitaan, at sa kalusugan at karamdaman dahilan sa pagkakaiba-ibang ito. Makatitiis ba kayo sa isinubok sa inyo para gumantimpala si Allāh sa pagtitiis ninyo? Laging ang Panginoon mo ay Nakakikita sa sinumang nagtitiis at sinumang hindi nagtitiis, at sa sinumang tumatalima sa Kanya at sinumang sumusuway sa Kanya.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• الجمع بين الترهيب من عذاب الله والترغيب في ثوابه.
Ang pagtutugma sa pagitan ng pagpapangilabot sa pagdurusang dulot ni Allāh at ng pagpapaibig sa gantimpala Niya.

• متع الدنيا مُنْسِية لذكر الله.
Ang mga tinatamasa sa Mundo ay nagpapalimot sa pag-aalaala kay Allāh.

• بشرية الرسل نعمة من الله للناس لسهولة التعامل معهم.
Ang pagkatao ng mga sugo ay isang biyaya mula kay Allāh para sa mga tao dahil sa kadalian ng pakikitungo sa kanila.

• تفاوت الناس في النعم والنقم اختبار إلهي لعباده.
Ang pagkakaibahan ng mga tao sa mga biyaya at mga salot ay isang pagsusulit na makadiyos para sa mga lingkod Niya.

 
Translation of the Meanings Surah: Al-Furqān
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close