Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Surah: Al-‘Ādiyāt   Verse:

Al-‘Ādiyāt

Objectives of the Surah:
تحذير الإنسان من الجحود والطمع بتذكيره بالآخرة.
Ang pagbibigay-babala sa tao laban sa pagkakaila at kasakiman sa pamamagitan ng pagpapaalaala sa kanya hinggil sa Kabilang-buhay.

وَٱلۡعَٰدِيَٰتِ ضَبۡحٗا
Sumumpa si Allāh sa mga kabayong tumatakbo hanggang sa may marinig, dahil sa paghinga nito, na isang tunog dala ng tindi ng pagtakbo.
Arabic Tafsirs:
فَٱلۡمُورِيَٰتِ قَدۡحٗا
Sumumpa Siya sa mga kabayong nagpapaningas ng apoy sa pamamagitan ng mga kuko ng mga ito, kapag sumaling ang mga [kabayong] ito sa pamamagitan ng [mga paa ng] mga ito sa mga bato, dahil sa tindi ng pagsalpok ng mga [kukong] ito sa mga [batong] ito.
Arabic Tafsirs:
فَٱلۡمُغِيرَٰتِ صُبۡحٗا
Sumumpa Siya sa mga kabayong nanlulusob sa mga kaaway sa oras ng bukang liwayway.
Arabic Tafsirs:
فَأَثَرۡنَ بِهِۦ نَقۡعٗا
Saka nagpagalaw ang mga ito, sa pamamagitan ng pagtakbo ng mga ito, ng mga alikabok.
Arabic Tafsirs:
فَوَسَطۡنَ بِهِۦ جَمۡعًا
Saka pumagitna ang mga ito sa pamamagitan ng mga mangangabayo ng mga ito sa isang pagtitipon.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• خشية الله سبب في رضاه عن عبده.
Ang mga tagatangging sumampalataya ay ang pinakamasama sa mga nilikha at ang mga mananampalataya ay ang pinakamabuti sa mga ito.

• شهادة الأرض على أعمال بني آدم.
Ang pagkatakot kay Allāh ay isang kadahilanan sa pagkalugod Niya sa lingkod Niya.

• الكفار شرّ الخليقة، والمؤمنون خيرها.
Ang pagsaksi ng lupa sa mga gawain ng mga anak ni Adan.

إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لِرَبِّهِۦ لَكَنُودٞ
Tunay na ang tao ay talagang mapagkait ng kabutihang ninanais mula sa kanya ng Panginoon niya.
Arabic Tafsirs:
وَإِنَّهُۥ عَلَىٰ ذَٰلِكَ لَشَهِيدٞ
Tunay na siya, sa pagkakait niya ng kabutihan, ay talagang isang tagasaksi, na hindi nakakakaya ng pagkakaila niyon dahil sa kaliwanagan niyon.
Arabic Tafsirs:
وَإِنَّهُۥ لِحُبِّ ٱلۡخَيۡرِ لَشَدِيدٌ
Tunay na siya, dahil sa pagkalabis ng pag-ibig niya sa yaman, ay nagmamaramot nito.
Arabic Tafsirs:
۞ أَفَلَا يَعۡلَمُ إِذَا بُعۡثِرَ مَا فِي ٱلۡقُبُورِ
Kaya hindi ba nakaaalam ang taong ito na nalilinlang ng buhay na pangmundo – kapag bumuhay si Allāh ng anumang nasa mga puntod na mga patay at nagpalabas Siya sa kanila mula sa lupa para sa pagtutuos at pagganti – na ang usapin ay hindi magiging gaya ng dati nilang hinahaka-haka.
Arabic Tafsirs:
وَحُصِّلَ مَا فِي ٱلصُّدُورِ
at pinalantad at nilinaw ang anumang nasa mga dibdib na mga layunin, mga paniniwala, at iba pa sa mga ito,
Arabic Tafsirs:
إِنَّ رَبَّهُم بِهِمۡ يَوۡمَئِذٖ لَّخَبِيرُۢ
tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa nauukol sa mga lingkod Niya at gaganti sa kanila roon.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• خطر التفاخر والتباهي بالأموال والأولاد.
Ang panganib ng pagyayabangan at paghahambugan sa mga yaman at mga anak.

• القبر مكان زيارة سرعان ما ينتقل منه الناس إلى الدار الآخرة.
Ang libingan ay lugar ng isang pagdalaw na pagkabilis-bilis na lumilipat mula roon ang mga tao patungo sa tahanang pangkabilang-buhay.

• يوم القيامة يُسْأل الناس عن النعيم الذي أنعم به الله عليهم في الدنيا.
Sa Araw ng Pagbangon, tatanungin ang mga tao tungkol sa kaginhawahan na ibiniyaya ni Allāh sa kanila sa Mundo.

• الإنسان مجبول على حب المال.
Ang tao ay likas sa pag-ibig sa yaman.

 
Translation of the Meanings Surah: Al-‘Ādiyāt
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close