Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Index of Translations


Translation of the Meanings Verse: (39) Surah: Yūnus
بَلۡ كَذَّبُواْ بِمَا لَمۡ يُحِيطُواْ بِعِلۡمِهِۦ وَلَمَّا يَأۡتِهِمۡ تَأۡوِيلُهُۥۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلظَّٰلِمِينَ
Ngunit hindi sila sumagot, bagkus nagdali-dali sila sa pagpapasinungaling sa Qur'ān bago sila magpakaunawa nito at magbulay-bulay nito at bago mangyari ang ibinabala sa kanila na pagdurusa, na nalapit na ang pagpunta niyon. Tulad ng pagpapasinungaling na ito nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna. Kaya bumaba sa mga iyon ang bumaba na pagdurusa. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung naging papaano ang wakas ng mga kalipunang tagapasinungaling sapagkat nagpahamak sa kanila si Allāh.
Arabic Tafsirs:
Benefits of the Verses on this page:
• الهادي إلى الحق هداية التوفيق هو الله وحده دون ما سواه.
Ang tagapagpatnubay tungo sa katotohanan ayon sa pagpapatnubay ng pagtutuon ay si Allāh – tanging Siya na walang iba pa sa Kanya.

• الحث على تطلب الأدلة والبراهين والهدايات للوصول للعلم والحق وترك الوهم والظن.
Ang paghimok sa paghiling ng mga patunay, mga patotoo, at mga kapatnubayan para sa paghantong sa kaalaman at katotohanan at pag-iwan sa ilusyon at akala.

• ليس في مقدور أحد أن يأتي ولو بآية مثل القرآن الكريم إلى يوم القيامة.
Wala sa abot ng kakayahan ng isa man na maglahad ng kahit isang talata tulad ng nasa Marangal na Qur'ān hanggang sa Araw ng Pagbangon.

• سفه المشركين وتكذيبهم بما لم يفهموه ويتدبروه.
Ang kahunghangan ng mga tagapagtambal at ang pagpapasinungaling nila sa hindi nila naiintidihan at napagbulay-bulayan.

 
Translation of the Meanings Verse: (39) Surah: Yūnus
Index of Surahs Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Quran - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Index of Translations

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

Close