Check out the new design

Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische Übersetzung (Tagalog) - Rowwad-Übersetzungszentrum * - Übersetzungen

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Al-Baqarah   Vers:
وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَكُمۡ لَا تَسۡفِكُونَ دِمَآءَكُمۡ وَلَا تُخۡرِجُونَ أَنفُسَكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ ثُمَّ أَقۡرَرۡتُمۡ وَأَنتُمۡ تَشۡهَدُونَ
[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo, [na nag-uutos]: “Hindi kayo magpapadanak ng mga dugo ninyo at hindi kayo magpapalisan ng mga kapwa ninyo mula sa mga tahanan ninyo.” Pagkatapos kumilala kayo [sa kasunduan] habang kayo ay sumasaksi.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
ثُمَّ أَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ تَقۡتُلُونَ أَنفُسَكُمۡ وَتُخۡرِجُونَ فَرِيقٗا مِّنكُم مِّن دِيَٰرِهِمۡ تَظَٰهَرُونَ عَلَيۡهِم بِٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِ وَإِن يَأۡتُوكُمۡ أُسَٰرَىٰ تُفَٰدُوهُمۡ وَهُوَ مُحَرَّمٌ عَلَيۡكُمۡ إِخۡرَاجُهُمۡۚ أَفَتُؤۡمِنُونَ بِبَعۡضِ ٱلۡكِتَٰبِ وَتَكۡفُرُونَ بِبَعۡضٖۚ فَمَا جَزَآءُ مَن يَفۡعَلُ ذَٰلِكَ مِنكُمۡ إِلَّا خِزۡيٞ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يُرَدُّونَ إِلَىٰٓ أَشَدِّ ٱلۡعَذَابِۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Pagkatapos kayo itong pumapatay sa mga kapwa ninyo at nagpapalisan sa isang pangkat kabilang sa inyo mula sa mga tahanan nila, habang nagtataguyudan kayo laban sa kanila sa kasalanan at pangangaway. Kung pumupunta sila sa inyo bilang mga bihag ay tumutubos kaya sa kanila samantalang ipinagbabawal sa inyo ang pagpapalisan sa kanila [mula sa mga tahanan nila]. Kaya sumasampalataya ba kayo sa isang bahagi ng Aklat at tumatanggi kayong sumampalataya sa isang bahagi? Kaya walang ganti sa sinumang gumagawa niyon kabilang sa inyo kundi isang kahihiyan sa buhay na pangmundo. Sa Araw ng Pagbangon ay ipagtutulakan sila sa pinakamatindi sa pagdurusa. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشۡتَرَوُاْ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا بِٱلۡأٓخِرَةِۖ فَلَا يُخَفَّفُ عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ
Ang mga iyon ay ang mga bumili ng buhay na pangmundo kapalit ng Kabilang-buhay[12] kaya hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa ni sila ay iaadya.
[12] Dahil sa pagtatangi sa naglalahong buhay kaysa sa namamalaging buhay.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَقَفَّيۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِۦ بِٱلرُّسُلِۖ وَءَاتَيۡنَا عِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَيَّدۡنَٰهُ بِرُوحِ ٱلۡقُدُسِۗ أَفَكُلَّمَا جَآءَكُمۡ رَسُولُۢ بِمَا لَا تَهۡوَىٰٓ أَنفُسُكُمُ ٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡ فَفَرِيقٗا كَذَّبۡتُمۡ وَفَرِيقٗا تَقۡتُلُونَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at nagpasunod Kami matapos na Niya ng mga sugo. Nagbigay Kami kay Jesus na anak ni Maria ng mga malinaw na patunay at nag-alalay Kami sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan.[13] Kaya ba sa tuwing may naghatid sa inyo na isang sugo ng hindi pinipithaya ng mga sarili ninyo ay nagmamalaki kayo sapagkat sa isang pangkat ay nagpapabula kayo at sa isang pangkat ay pumapatay kayo?
[13] Ang Espiritu ng Kabanalan o ang Banal na Esipiritu ay si Anghel Gabriel.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَقَالُواْ قُلُوبُنَا غُلۡفُۢۚ بَل لَّعَنَهُمُ ٱللَّهُ بِكُفۡرِهِمۡ فَقَلِيلٗا مَّا يُؤۡمِنُونَ
Nagsabi sila: “Ang mga puso namin ay mga nakabalot.[14]” Bagkus isinumpa sila ni Allāh dahil sa kawalang- pananampalataya nila kaya kakaunti ang sinasampalatayanan nila.
[14] kaya hindi napapasukan ng salita ni Allāh.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
 
Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Al-Baqarah
Suren/ Kapiteln Liste Nummer der Seite
 
Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische Übersetzung (Tagalog) - Rowwad-Übersetzungszentrum - Übersetzungen

Übersetzt vom Team des Rowwad-Übersetzungszentrums in Zusammenarbeit mit der Da'wa-Vereinigung in Rabwa und der Vereinigung für die Bereitstellung islamischer Inhalte in verschiedenen Sprachen.

Schließen