Check out the new design

Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische Übersetzung (Tagalog) - Rowwad-Übersetzungszentrum * - Übersetzungen

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Yūnus   Vers:
أَلَآ إِنَّ أَوۡلِيَآءَ ٱللَّهِ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Pansinin, tunay na ang mga katangkilik ni Allāh ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ
[Sila] ang mga sumampalataya at sila noon ay nangingilag magkasala kay Allāh.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
لَهُمُ ٱلۡبُشۡرَىٰ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ لَا تَبۡدِيلَ لِكَلِمَٰتِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Ukol sa kanila ang balitang nakagagalak sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Walang pagpapalit sa mga salita ni Allāh. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَلَا يَحۡزُنكَ قَوۡلُهُمۡۘ إِنَّ ٱلۡعِزَّةَ لِلَّهِ جَمِيعًاۚ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila.[11] Tunay na ang karangalan[12] ay ukol kay Allāh nang lahatan. Siya ang Madinigin, ang Maalam.
[11] Ibig sabihin: ang sabi ng mga tagatangging sumampalataya.
[12] O kapangyarihan.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
أَلَآ إِنَّ لِلَّهِ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَمَا يَتَّبِعُ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ شُرَكَآءَۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَإِنۡ هُمۡ إِلَّا يَخۡرُصُونَ
Pansinin, tunay na sa kay Allāh ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa. Hindi sumusunod sa mga pantambal [kay Allāh] ang mga dumadalangin sa bukod pa kay Allāh. Hindi sila sumusunod kundi sa palagay at wala silang [ginagawa] kundi naghahaka-haka.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَسۡمَعُونَ
Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi upang mamahinga kayo rito at ng maghapon bilang nagbibigay-paningin. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
قَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدٗاۗ سُبۡحَٰنَهُۥۖ هُوَ ٱلۡغَنِيُّۖ لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ إِنۡ عِندَكُم مِّن سُلۡطَٰنِۭ بِهَٰذَآۚ أَتَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Nagsabi sila: “Gumawa si Allāh ng isang anak.” Kaluwalhatian sa Kanya! Siya ay ang Walang-pangangailangan. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Wala kayong taglay na anumang katunayan dito. Nagsasabi ba kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
قُلۡ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ لَا يُفۡلِحُونَ
Sabihin mo: “Tunay na ang mga gumawa-gawa hinggil kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatagumpay.”
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
مَتَٰعٞ فِي ٱلدُّنۡيَا ثُمَّ إِلَيۡنَا مَرۡجِعُهُمۡ ثُمَّ نُذِيقُهُمُ ٱلۡعَذَابَ ٱلشَّدِيدَ بِمَا كَانُواْ يَكۡفُرُونَ
Isang natatamasa sa Mundo, pagkatapos tungo sa Amin ang babalikan nila. Pagkatapos magpapalasap Kami sa kanila ng pagdurusang matindi dahil dati silang tumatangging sumampalataya.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
 
Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Yūnus
Suren/ Kapiteln Liste Nummer der Seite
 
Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische Übersetzung (Tagalog) - Rowwad-Übersetzungszentrum - Übersetzungen

Übersetzt vom Team des Rowwad-Übersetzungszentrums in Zusammenarbeit mit der Da'wa-Vereinigung in Rabwa und der Vereinigung für die Bereitstellung islamischer Inhalte in verschiedenen Sprachen.

Schließen