Check out the new design

Übersetzung der Bedeutungen des edlen Qurans - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans * - Inhaltsverzeichnis der Übersetzungen


Übersetzung der Bedeutungen Vers (Ayah): (136) Surah: Al-Baqarah
قُولُوٓاْ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡنَا وَمَآ أُنزِلَ إِلَىٰٓ إِبۡرَٰهِـۧمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَٱلۡأَسۡبَاطِ وَمَآ أُوتِيَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَمَآ أُوتِيَ ٱلنَّبِيُّونَ مِن رَّبِّهِمۡ لَا نُفَرِّقُ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّنۡهُمۡ وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ
Sabihin ninyo, O mga mananampalataya, sa mga alagad ng bulaang pahayag na ito kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano: "Sumampalataya kami kay Allāh at sa Qur'ān na pinababa sa amin. Sumampalataya kami sa pinababa kay Abraham at sa mga anak niyang sina Ismael, Isaac, at Jacob. Sumampalataya kami sa pinababa sa mga propeta kabilang sa anak ni Jacob. Sumampalataya kami sa Torah na ibinigay ni Allāh kay Moises at sa Ebanghelyo na ibinigay ni Allāh kay Jesus. Sumampalataya kami sa mga kasulatan na ibinigay ni Allāh sa mga propeta sa kalahatan. Hindi kami nagtatangi sa isa sa kanila para sumampalataya sa ilan at tumangging sumampalataya sa iba, bagkus sumasampalataya kami sa kanila sa kalahatan. Kami ay sa Kanya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – mga nagpapaakay na mga nagpapasailalim."
Arabische Tafsire:
Die Nutzen der Verse auf dieser Seite:
• أن دعوى أهل الكتاب أنهم على الحق لا تنفعهم وهم يكفرون بما أنزل الله على نبيه محمد صلى الله عليه وسلم.
Na ang pinagsasabi ng mga May Kasulatan na sila ay nasa katotohanan ay hindi magpapakinabang sa kanila habang sila ay tumatangging sumampalataya sa pinababa ni Allāh sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• سُمِّي الدين صبغة لظهور أعماله وسَمْته على المسلم كما يظهر أثر الصبغ في الثوب.
Tinawag ang relihiyon bilang ṣibghah (pantina) dahil sa pagkakalitaw ng mga gawain dito at tatak nito sa Muslim gaya ng paglitaw ng bakas ng mga tina sa kasuutan.

• أن الله تعالى قد رَكَزَ في فطرةِ خلقه جميعًا الإقرارَ بربوبيته وألوهيته، وإنما يضلهم عنها الشيطان وأعوانه.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagkintal nga sa kalikasan ng pagkalalang sa nilikha Niya sa kalahatan ng pagkilala sa Pagkapanginoon Niya at Pagkadiyos Niya, nagpapaligaw lamang sa kanila palayo roon ang demonyo at ang mga katulong nito.

 
Übersetzung der Bedeutungen Vers (Ayah): (136) Surah: Al-Baqarah
Inhaltsverzeichnis der Suren Nummer der Seite
 
Übersetzung der Bedeutungen des edlen Qurans - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans - Inhaltsverzeichnis der Übersetzungen

Vom Tafsirzentrum für Quranwissenschaften herausgegeben.

Schließen