Check out the new design

Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad * - Sadržaj prijevodā

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Prijevod značenja Sura: El-Maida   Ajet:
وَإِذَا نَادَيۡتُمۡ إِلَى ٱلصَّلَوٰةِ ٱتَّخَذُوهَا هُزُوٗا وَلَعِبٗاۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَعۡقِلُونَ
Kapag nanawagan kayo tungo sa pagdarasal, gumagawa sila rito ng pangungutya at paglalaro. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa.
Tefsiri na arapskom jeziku:
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ هَلۡ تَنقِمُونَ مِنَّآ إِلَّآ أَنۡ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡنَا وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلُ وَأَنَّ أَكۡثَرَكُمۡ فَٰسِقُونَ
Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, naghihinanakit kaya kayo sa amin maliban pa na sumampalataya kami kay Allāh, sa [sa Qur’ān na] pinababa sa amin, at sa pinababa bago pa niyan, at dahil ang higit na marami sa inyo ay mga suwail?”
Tefsiri na arapskom jeziku:
قُلۡ هَلۡ أُنَبِّئُكُم بِشَرّٖ مِّن ذَٰلِكَ مَثُوبَةً عِندَ ٱللَّهِۚ مَن لَّعَنَهُ ٱللَّهُ وَغَضِبَ عَلَيۡهِ وَجَعَلَ مِنۡهُمُ ٱلۡقِرَدَةَ وَٱلۡخَنَازِيرَ وَعَبَدَ ٱلطَّٰغُوتَۚ أُوْلَٰٓئِكَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضَلُّ عَن سَوَآءِ ٱلسَّبِيلِ
Sabihin mo: “Magbabalita kaya ako sa inyo hinggil sa higit na masama kaysa roon sa gantimpala mula sa ganang kay Allāh? [Hinggil ito] sa sinumang sumumpa sa kanya si Allāh, nagalit Siya sa kanya, at gumawa Siya kabilang sa kanila ng mga unggoy, mga baboy, at mga tagasamba ng nagpapakadiyos. Ang mga iyon ay higit na masama sa kalagayan at higit na ligaw palayo sa katumpakan ng landas.”
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَإِذَا جَآءُوكُمۡ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَقَد دَّخَلُواْ بِٱلۡكُفۡرِ وَهُمۡ قَدۡ خَرَجُواْ بِهِۦۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا كَانُواْ يَكۡتُمُونَ
Kapag dumating sila[21] sa inyo ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami,” samantalang pumasok na sila taglay ang kawalang-pananampalataya at lumabas na sila taglay ito. Si Allāh ay higit na maalam sa anumang dati nilang itinatago.
[21] Ibig sabihin: ang mga Hudyo.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَتَرَىٰ كَثِيرٗا مِّنۡهُمۡ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِ وَأَكۡلِهِمُ ٱلسُّحۡتَۚ لَبِئۡسَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Nakakikita ka ng marami kabilang sa kanila na nagmamabilis sa kasalanan, paglabag, at pagkain nila ng kinita sa masama. Talagang kay saklap ang dati nilang ginagawa.
Tefsiri na arapskom jeziku:
لَوۡلَا يَنۡهَىٰهُمُ ٱلرَّبَّٰنِيُّونَ وَٱلۡأَحۡبَارُ عَن قَوۡلِهِمُ ٱلۡإِثۡمَ وَأَكۡلِهِمُ ٱلسُّحۡتَۚ لَبِئۡسَ مَا كَانُواْ يَصۡنَعُونَ
Bakit kasi hindi sumasaway sa kanila ang mga rabbi at ang mga pantas sa pagsasabi nila ng kasalanan at pagkain nila ng kinita sa masama. Talagang kay saklap ang dati nilang pinaggagawa.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَقَالَتِ ٱلۡيَهُودُ يَدُ ٱللَّهِ مَغۡلُولَةٌۚ غُلَّتۡ أَيۡدِيهِمۡ وَلُعِنُواْ بِمَا قَالُواْۘ بَلۡ يَدَاهُ مَبۡسُوطَتَانِ يُنفِقُ كَيۡفَ يَشَآءُۚ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرٗا مِّنۡهُم مَّآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَ طُغۡيَٰنٗا وَكُفۡرٗاۚ وَأَلۡقَيۡنَا بَيۡنَهُمُ ٱلۡعَدَٰوَةَ وَٱلۡبَغۡضَآءَ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ كُلَّمَآ أَوۡقَدُواْ نَارٗا لِّلۡحَرۡبِ أَطۡفَأَهَا ٱللَّهُۚ وَيَسۡعَوۡنَ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَسَادٗاۚ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Nagsabi ang mga Hudyo: “Ang kamay ni Allāh ay nakakulyar.” Makulyar nawa ang mga kamay nila at isinumpa sila dahil sa sinabi nila. Bagkus ang dalawang Kamay Niya ay mga nakabukas; gumugugol Siya kung papaanong Niyang niloloob. Talagang magdaragdag nga sa marami kabilang sa kanila ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ng isang pagmamalabis at isang kawalang-pananampalataya. Pumukol Kami sa pagitan [ng mga sekta] nila ng pagkamuhi at pagkapoot hanggang sa Araw ng Pagbangon. Sa tuwing nagpapaningas sila ng isang apoy para sa digmaan, umaapula rito si Allāh. Nagpupunyagi sila sa lupa ng kaguluhan. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo.
Tefsiri na arapskom jeziku:
 
Prijevod značenja Sura: El-Maida
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad - Sadržaj prijevodā

Prevod: Prevodilački centar Ruvvad u saradnji sa Udruženjem za poziv u Rabwi i Udruženjem za pružanje islamskog sadržaja na jezicima.

Zatvaranje