Check out the new design

Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad * - Sadržaj prijevodā

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Prijevod značenja Sura: En-Nisa   Ajet:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ سَنُدۡخِلُهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٗاۚ وَمَنۡ أَصۡدَقُ مِنَ ٱللَّهِ قِيلٗا
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magpapapasok Kami sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman bilang pangako ni Allāh na isang katotohanan. Sino kaya ang higit na tapat kaysa kay Allāh sa sinasabi?
Tefsiri na arapskom jeziku:
لَّيۡسَ بِأَمَانِيِّكُمۡ وَلَآ أَمَانِيِّ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِۗ مَن يَعۡمَلۡ سُوٓءٗا يُجۡزَ بِهِۦ وَلَا يَجِدۡ لَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا
Hindi ito alinsunod sa mga mithiin ninyo ni mga mithiin ng mga May Kasulatan. Ang sinumang gumagawa ng kasagwaan[19] ay gagantihan siya dahil dito at hindi siya makatatagpo para sa kanya bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.
[19] Ibig sabihin: Shirk o malaking kasalanan.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَمَن يَعۡمَلۡ مِنَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ وَلَا يُظۡلَمُونَ نَقِيرٗا
Ang sinumang gumagawa ng mga maayos, na lalaki man o babae, habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi lalabagin sa katarungan nang isang kapiranggot.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَمَنۡ أَحۡسَنُ دِينٗا مِّمَّنۡ أَسۡلَمَ وَجۡهَهُۥ لِلَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنٞ وَٱتَّبَعَ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۗ وَٱتَّخَذَ ٱللَّهُ إِبۡرَٰهِيمَ خَلِيلٗا
Sino ang higit na maganda sa relihiyon kaysa sa sinumang nagpasakop ng mukha niya kay Allāh habang siya ay tagagawa ng maganda at sumunod sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Gumawa si Allāh kay Abraham bilang matalik na kaibigan.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٖ مُّحِيطٗا
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Laging si Allāh, sa bawat bagay, ay Tagapaligid [ayon sa kaalaman at kapangyarihan].
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَيَسۡتَفۡتُونَكَ فِي ٱلنِّسَآءِۖ قُلِ ٱللَّهُ يُفۡتِيكُمۡ فِيهِنَّ وَمَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ فِي يَتَٰمَى ٱلنِّسَآءِ ٱلَّٰتِي لَا تُؤۡتُونَهُنَّ مَا كُتِبَ لَهُنَّ وَتَرۡغَبُونَ أَن تَنكِحُوهُنَّ وَٱلۡمُسۡتَضۡعَفِينَ مِنَ ٱلۡوِلۡدَٰنِ وَأَن تَقُومُواْ لِلۡيَتَٰمَىٰ بِٱلۡقِسۡطِۚ وَمَا تَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِهِۦ عَلِيمٗا
Nagpapahabilin sila sa iyo hinggil sa mga babae. Sabihin mo: “Si Allāh ay naghahabilin sa inyo hinggil sa kanila at sa anumang binibigkas sa inyo sa Aklat hinggil sa mga ulila sa mga babae na hindi kayo nagbibigay sa kanila ng itinakda para sa kanila at nagmimithi kayo na makapag-asawa kayo sa kanila, at sa mga sinisiil kabilang sa mga bata, at na magtaguyod kayo para sa mga ulila ayon sa pagkamakatarungan.” Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan, tunay na si Allāh laging dito ay Maalam.
Tefsiri na arapskom jeziku:
 
Prijevod značenja Sura: En-Nisa
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad - Sadržaj prijevodā

Prevod: Prevodilački centar Ruvvad u saradnji sa Udruženjem za poziv u Rabwi i Udruženjem za pružanje islamskog sadržaja na jezicima.

Zatvaranje