Check out the new design

የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል * - የትርጉሞች ማዉጫ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል ቀለም   አንቀጽ:

Al-Qalam

نٓۚ وَٱلۡقَلَمِ وَمَا يَسۡطُرُونَ
Nūn.[1] Sumpa man sa panulat at anumang itinititik nila,[2]
[1] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
[2] na napakikinabangang kaalamang umaakay sa landas ng kapatnubayan at ang isinusulat ng mga anghel na Kapahayagan ni Allāh o mga gawa ng mga tao.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
مَآ أَنتَ بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ بِمَجۡنُونٖ
hindi ka, [O Propeta Muḥammad,] dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang baliw.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَإِنَّ لَكَ لَأَجۡرًا غَيۡرَ مَمۡنُونٖ
Tunay na ukol sa iyo ay talagang isang pabuyang hindi matitigil.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَإِنَّكَ لَعَلَىٰ خُلُقٍ عَظِيمٖ
Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَسَتُبۡصِرُ وَيُبۡصِرُونَ
Kaya makakikita ka at makakikita sila
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
بِأَييِّكُمُ ٱلۡمَفۡتُونُ
kung nasa alin sa inyo ang hinihibang [ng demonyo].
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ
Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa kung sino ang naligaw palayo sa landas Niya, at Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَلَا تُطِعِ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Kaya huwag kang tumalima sa mga tagapagpasinungaling [sa Kapahayagan sa iyo].
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَدُّواْ لَوۡ تُدۡهِنُ فَيُدۡهِنُونَ
Nagmithi sila na kung sana magpapahinuhod ka [sa usapin ng relihiyon] saka magpapahinuhod sila.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَلَا تُطِعۡ كُلَّ حَلَّافٖ مَّهِينٍ
Huwag kang tumalima sa bawat palasumpang aba,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
هَمَّازٖ مَّشَّآءِۭ بِنَمِيمٖ
palasirang-puri, palalako ng satsat,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
مَّنَّاعٖ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ
palakait ng kabutihan, tagalabag, makasalanan,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
عُتُلِّۭ بَعۡدَ ذَٰلِكَ زَنِيمٍ
sanggano, matapos niyon, nagpapanggap ng kaangkanan.[3]
[3] O nagpapanggap sa kaangkanan: nag-aangking anak ng isang lalaking hindi naman niya tunay na ama.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
أَن كَانَ ذَا مَالٖ وَبَنِينَ
[Gayon siya] dahil siya ay naging may yaman at mga anak,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān], nagsasabi siya: “Mga alamat ng mga sinauna.”
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
سَنَسِمُهُۥ عَلَى ٱلۡخُرۡطُومِ
Maghehero Kami sa kanya sa nguso.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
 
የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል ቀለም
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል - የትርጉሞች ማዉጫ

ሩዋድ የትርጉም ማዕከል ከ ረብዋ የዳዕዋ ማህበር እና ከ የእስልምና ይዘት በተለያዩ ቋንቋዎች አገልግሎት ማህበር ጋር በመተባበር የተተረጎመ

መዝጋት