Check out the new design

Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippines (Tagalog) về diễn giải ngắn gọn Kinh Qur'an * - Mục lục các bản dịch


Ý nghĩa nội dung Chương: Al-Dukhan   Câu:

Ad-Dukhān

Trong những ý nghĩa của chương Kinh:
تهديد المشركين ببيان ما ينتظرهم من العقوبة العاجلة والآجلة.
Ang pagbabanta sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng paglilinaw sa naghihintay sa kanila na kaparusahang mabilis at matagal.

حمٓ
Ḥā. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Sumumpa si Allāh sa Qur'ān na nagliliwanag sa daan ng kapatnubayan tungo sa katotohanan:
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ فِي لَيۡلَةٖ مُّبَٰرَكَةٍۚ إِنَّا كُنَّا مُنذِرِينَ
tunay na Kami ay nagpababa ng Qur'ān sa Gabi ng Pagtatakda. Ito ay gabi na maraming ang kabutihan. Tunay Kami ay laging nagpapangamba sa pamamagitan ng Qur'ān na ito.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فِيهَا يُفۡرَقُ كُلُّ أَمۡرٍ حَكِيمٍ
Sa gabing ito pinagpapasyahan ang bawat usaping tinahas, na nauugnay sa mga panustos, mga taning, at iba pa sa mga ito kabilang sa anumang pangyayarihin ni Allāh sa taon na iyon.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أَمۡرٗا مِّنۡ عِندِنَآۚ إِنَّا كُنَّا مُرۡسِلِينَ
Nagpapasya Kami sa bawat usaping tinahas mula sa ganang Amin. Tunay na Kami noon ay nagpapadala ng mga sugo.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Nagpapadala ng mga sugo bilang awa mula sa Panginoon mo, O Sugo, para sa mga pinagsuguan. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Maalam sa mga gawain nila at mga layunin nila: walang nakakukubli sa kanya mula roon.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ
Panginoon ng mga langit, Panginoon ng lupa, at Panginoon ng anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay mga nakatitiyak doon, sumampalataya kayo sa Sugo Ko.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ رَبُّكُمۡ وَرَبُّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Walang sinasamba ayon sa karapatan ng iba pa sa Kanya, nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya: walang tagapagbigay-buhay at walang tagapagbigay-kamatayan na iba pa sa Kanya, ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga magulang ninyong mga nauna.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
بَلۡ هُمۡ فِي شَكّٖ يَلۡعَبُونَ
Ang mga tagapagtambal na ito ay hindi mga nakatitiyak doon, bagkus sila sa isang pagdududa roon ay naglilibang dahil sa taglay nilang kabulaanan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَٱرۡتَقِبۡ يَوۡمَ تَأۡتِي ٱلسَّمَآءُ بِدُخَانٖ مُّبِينٖ
Kaya maghintay ka, O Sugo, sa malapit na pagdurusa ng mga kababayan mo, sa Araw na magdadala ang langit ng isang usok na maliwanag, na makikita nila sa pamamagitan ng mga mata nila dahil sa tindi ng gutom.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
يَغۡشَى ٱلنَّاسَۖ هَٰذَا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Lalahatin nito ang mga tao mo at sasabihin sa kanila: "Ang pagdurusang ito na tatama sa inyo ay isang pagdurusang nakasasakit."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
رَّبَّنَا ٱكۡشِفۡ عَنَّا ٱلۡعَذَابَ إِنَّا مُؤۡمِنُونَ
Kaya magsusumamo sila sa Panginoon nila habang mga humihiling: "Panginoon Namin, magbaling Ka palayo sa amin ng pagdurusang ipinadala Mo sa amin; tunay na Kami ay mga mananampalataya sa iyo at sa Sugo Mo kung magbabaling Ka nito palayo sa amin."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أَنَّىٰ لَهُمُ ٱلذِّكۡرَىٰ وَقَدۡ جَآءَهُمۡ رَسُولٞ مُّبِينٞ
Papaanong ukol sa kanila na magsaalaala sila at nagsisising bumalik sa Panginoon nila gayong may dumating na sa kanilang isang Sugong malinaw ang mensahe at nakilala nila ang katapatan niyon at pagkamapagkakatiwalaan niyon?
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
ثُمَّ تَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ وَقَالُواْ مُعَلَّمٞ مَّجۡنُونٌ
Pagkatapos ay umayaw sila sa pagpapatotoo sa kanya at nagsabi sila tungkol sa kanya: "Siya ay isang tinuruan na nagtuturo sa kanya ang iba sa kanya at hindi isang sugo." Nagsabi pa sila tungkol sa Kanya: "Siya ay isang baliw."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِنَّا كَاشِفُواْ ٱلۡعَذَابِ قَلِيلًاۚ إِنَّكُمۡ عَآئِدُونَ
Tunay na Kami kapag magbabaling palayo sa inyo ng pagdurusa nang kaunti ay tunay na kayo naman ay mga manunumbalik sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagpapasinungaling ninyo.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
يَوۡمَ نَبۡطِشُ ٱلۡبَطۡشَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ إِنَّا مُنتَقِمُونَ
Maghintay ka sa kanila, O Sugo, sa Araw na susunggab Kami sa mga tagatangging sumampalataya sa mga kababayan mo ng pagsunggab na pinakamalaki sa Araw ng Badr. Tunay na Kami ay maghihiganti sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa Sugo Niya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
۞ وَلَقَدۡ فَتَنَّا قَبۡلَهُمۡ قَوۡمَ فِرۡعَوۡنَ وَجَآءَهُمۡ رَسُولٞ كَرِيمٌ
Talaga ngang sumulit Kami bago nila sa mga tao ni Paraon, at may dumating sa kanila na isang sugong marangal mula kay Allāh, na nag-aanyaya sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsamba sa Kanya. Siya ay si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أَنۡ أَدُّوٓاْ إِلَيَّ عِبَادَ ٱللَّهِۖ إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Nagsabi si Moises kay Paraon at sa mga tao nito: "Iwan ninyo sa akin ang mga anak ni Israel sapagkat sila ay mga lingkod ni Allāh; wala kayong karapatan na umalipin sa kanila. Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkakatiwalaan mula kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa akin na ipaabot ko sa inyo; hindi ako nagbabawas mula roon ng anuman at hindi ako nagdaragdag doon.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• نزول القرآن في ليلة القدر التي هي كثيرة الخيرات دلالة على عظم قدره.
Ang pagbaba ng Qur'ān sa Gabi ng Pagtakda na marami ang mga kabutihan ay isang katunayan sa kasukdulan ng kakayahan Niya.

• بعثة الرسل ونزول القرآن من مظاهر رحمة الله بعباده.
Ang pagpapadala sa mga sugo at ang pagbaba ng Qur'ān ay kabilang sa mga paghahayag ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya.

• رسالات الأنبياء تحرير للمستضعفين من قبضة المتكبرين.
Ang mga mensahe ng mga propeta ay pagpapalaya para sa mga sinisiil mula sa sakmal ng mga nagpapakamalaki.

 
Ý nghĩa nội dung Chương: Al-Dukhan
Mục lục các chương Kinh Số trang
 
Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippines (Tagalog) về diễn giải ngắn gọn Kinh Qur'an - Mục lục các bản dịch

Được phát hành bởi Trung tâm Tafsir Nghiên cứu Kinh Qur'an.

Đóng lại