Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Tawbah   Ayah:
ٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ أَوۡ لَا تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ إِن تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ سَبۡعِينَ مَرَّةٗ فَلَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Humingi ka ng tawad para sa kanila o huwag kang humingi ng tawad para sa kanila. Kung hihingi ka ng tawad para sa kanila nang pitumpung ulit ay hindi magpapatawad si Allāh para sa kanila. Iyon ay dahil sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَرِحَ ٱلۡمُخَلَّفُونَ بِمَقۡعَدِهِمۡ خِلَٰفَ رَسُولِ ٱللَّهِ وَكَرِهُوٓاْ أَن يُجَٰهِدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَقَالُواْ لَا تَنفِرُواْ فِي ٱلۡحَرِّۗ قُلۡ نَارُ جَهَنَّمَ أَشَدُّ حَرّٗاۚ لَّوۡ كَانُواْ يَفۡقَهُونَ
Natuwa ang mga iniwanan sa pananatili nila [malayo sa pakikibaka] sa pag-iwan ng Sugo ni Allāh [papunta sa labanan] at nasuklam sila na makibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila ayon sa landas ni Allāh. Nagsabi sila [sa isa’t isa]: “Huwag kayong humayo sa init.” Sabihin mo: “Ang apoy ng Impiyerno ay higit na matindi sa init kung sakaling sila ay nakauunawa.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلۡيَضۡحَكُواْ قَلِيلٗا وَلۡيَبۡكُواْ كَثِيرٗا جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Kaya magsitawa sila nang kaunti at magsiiyak sila nang marami bilang ganti sa dati nilang nakakamit [na kawalang-pananampalataya].
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِن رَّجَعَكَ ٱللَّهُ إِلَىٰ طَآئِفَةٖ مِّنۡهُمۡ فَٱسۡتَـٔۡذَنُوكَ لِلۡخُرُوجِ فَقُل لَّن تَخۡرُجُواْ مَعِيَ أَبَدٗا وَلَن تُقَٰتِلُواْ مَعِيَ عَدُوًّاۖ إِنَّكُمۡ رَضِيتُم بِٱلۡقُعُودِ أَوَّلَ مَرَّةٖ فَٱقۡعُدُواْ مَعَ ٱلۡخَٰلِفِينَ
Kaya kung nagpabalik sa iyo si Allāh sa isang pangkatin kabilang sa kanila at nagpaalam sila sa iyo para sa pagsugod [sa labahan kasama mo] ay sabihin mo: “Hindi kayo susugod kasama sa akin magpakailanman at hindi kayo makikipaglaban kasama sa akin sa isang kaaway. Tunay na kayo nalugod sa pananatili sa unang pagkakataon, kaya manatili kayo kasama sa mga naiiwan.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا تُصَلِّ عَلَىٰٓ أَحَدٖ مِّنۡهُم مَّاتَ أَبَدٗا وَلَا تَقُمۡ عَلَىٰ قَبۡرِهِۦٓۖ إِنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَمَاتُواْ وَهُمۡ فَٰسِقُونَ
Huwag kang magdasal para sa isa kabilang sa kanila na namatay – kailanman – at huwag kang tumayo sa puntod niya. Tunay na sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at namatay samantalang sila ay mga suwail.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا تُعۡجِبۡكَ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَأَوۡلَٰدُهُمۡۚ إِنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُعَذِّبَهُم بِهَا فِي ٱلدُّنۡيَا وَتَزۡهَقَ أَنفُسُهُمۡ وَهُمۡ كَٰفِرُونَ
Huwag magpahanga sa iyo ang mga yaman nila ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin sila sa pamamagitan ng mga ito sa Mundo at pumanaw ang mga kaluluwa nila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٌ أَنۡ ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَجَٰهِدُواْ مَعَ رَسُولِهِ ٱسۡتَـٔۡذَنَكَ أُوْلُواْ ٱلطَّوۡلِ مِنۡهُمۡ وَقَالُواْ ذَرۡنَا نَكُن مَّعَ ٱلۡقَٰعِدِينَ
Kapag may pinababa na isang kabanata [ng Qur’am, na nag-uutos:] ”Sumampalataya kayo kay Allāh at makibaka kayo kasama sa Sugo Niya,” humingi ng pahintulot sa iyo [na magpaiwan] ang mga may kaya kabilang sa kanila at nagsasabi sila: “Hayaan mo kami, kami ay magiging kasama sa mga nananatili.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Tawbah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara