Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-An‘ām   Ayah:
ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖ فَٱعۡبُدُوهُۚ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٞ
Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; walang Diyos kundi Siya, ang Tagalikha ng bawat bagay kaya sumamba kayo sa Kanya. Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّا تُدۡرِكُهُ ٱلۡأَبۡصَٰرُ وَهُوَ يُدۡرِكُ ٱلۡأَبۡصَٰرَۖ وَهُوَ ٱللَّطِيفُ ٱلۡخَبِيرُ
Hindi nakaaabot sa Kanya ang mga paningin samantalang Siya ay nakaaabot sa mga paningin. Siya ay ang Mapagtalos, ang Mapagbatid.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَدۡ جَآءَكُم بَصَآئِرُ مِن رَّبِّكُمۡۖ فَمَنۡ أَبۡصَرَ فَلِنَفۡسِهِۦۖ وَمَنۡ عَمِيَ فَعَلَيۡهَاۚ وَمَآ أَنَا۠ عَلَيۡكُم بِحَفِيظٖ
May dumating nga sa inyo na mga hayag na patunay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang nakakita [sa patunay] ay para sa sarili niya [ang pakinabang]; at ang sinumang nabulagan [sa patunay] ay laban dito [ang pinsala]. Hindi ako sa inyo isang mapag-ingat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَكَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ وَلِيَقُولُواْ دَرَسۡتَ وَلِنُبَيِّنَهُۥ لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Gayon Kami nagsasarisari ng mga talata at upang magsabi sila na nag-aral ka at upang maglinaw ka nito para sa mga taong umaalam [sa katotohanan].
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱتَّبِعۡ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Sumunod ka sa ikinasi sa iyo mula sa Panginoon mo – walang Diyos kundi Siya – at umayaw ka sa mga tagapagtambal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَآ أَشۡرَكُواْۗ وَمَا جَعَلۡنَٰكَ عَلَيۡهِمۡ حَفِيظٗاۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِوَكِيلٖ
Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana sila nagtambal. Hindi Kami gumawa sa iyo para sa kanila na isang mapag-ingat. Ikaw sa kanila ay hindi isang pinananaligan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا تَسُبُّواْ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ فَيَسُبُّواْ ٱللَّهَ عَدۡوَۢا بِغَيۡرِ عِلۡمٖۗ كَذَٰلِكَ زَيَّنَّا لِكُلِّ أُمَّةٍ عَمَلَهُمۡ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِم مَّرۡجِعُهُمۡ فَيُنَبِّئُهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Huwag kayong mang-alipusta sa mga dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh para mag-alipusta sila kay Allāh dala ng pang-aaway nang walang kaalaman. Gayon ipinang-akit Namin para sa bawat kalipunan ang gawa nila. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila ang babalikan nila saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa dati nilang ginagawa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَئِن جَآءَتۡهُمۡ ءَايَةٞ لَّيُؤۡمِنُنَّ بِهَاۚ قُلۡ إِنَّمَا ٱلۡأٓيَٰتُ عِندَ ٱللَّهِۖ وَمَا يُشۡعِرُكُمۡ أَنَّهَآ إِذَا جَآءَتۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Nanumpa sila kay Allāh ng mariin sa mga panunumpa nila na talagang kung may dumating sa kanila na isang tanda ay talagang sasampalataya nga sila rito. Sabihin mo: “Ang mga tanda ay nasa ganang kay Allāh lamang. Ano ang nagpaparamdam sa inyo na kapag dumating ito ay hindi sila sasampalataya?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَنُقَلِّبُ أَفۡـِٔدَتَهُمۡ وَأَبۡصَٰرَهُمۡ كَمَا لَمۡ يُؤۡمِنُواْ بِهِۦٓ أَوَّلَ مَرَّةٖ وَنَذَرُهُمۡ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Pumipihit Kami sa mga puso nila at mga paningin nila [palayo sa katotohanan] kung paanong hindi sila sumampalataya rito sa unang pagkakataon at nagpapabaya Kami sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-An‘ām
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara